» 2007 » September
Bwena Mano
MGA WAGI!
Narito ang mga nanalo at mag papartehan sa $550.00 na premyo sa Sikatchupoy si BURAOT Contest!
Para sa listahan ng mga nanalo ng milyun milyung singkong kulot... Klik mo mukha mo dito!
Where Da Hell is BURAOT?
COMING SOON!
TagNgYan Talaga Oo!
Dear Ate Charo:
Salimpusa

Archive for September, 2007

Oh, Boy!

Saturday, September 29th, 2007
Kapag me naliligaw na banyaga dito sa Pinas, isa sa mga ikinatutuwa at ikinagugulat na rin nila eh ang mga palayaw nating mga Pinoy. Mga palayaw na parang tunog ang dating.

Andiyan si Dang, Deng, Ding, Dong, kulang na lang si Dung. Andyan naman ang kumpletong set nina, Jan, Jen, Jin, Jon, Jun. Andyan ang iba pa na inuulit lang ang syllable na sina JunJun, Jeng-Jeng, Dingdong, Dondon, Dindin, Jonjon at mga palayaw na tunog din ang dating tulad nina Jong, Dudut, Dedeng, Jingle, Leng-Leng at kung anu-ano pa.

Ang hindi nila napapansin na mas marami ay ang tawag na Boy. Di nila alam, eto ang mas malupit na palayaw na makikita mo kahit saan sa Pinas ka maligaw.

Dun sa amin sa me Dimasalang malapit lang sa me riles, sangkaterba ang Boy. Kaya sa dami nila me kanya-kanya silang alyas para maihiwalay dun sa iba pang mga kapangalan.

Unang-una na dyan si Boy Basura. Hindi ko malaman kung bakit yun ang itinawag sa kanya. Hindi naman sya nagunguha ng basura. Siguro kasi mukha siyang basura kung pumorma.

Andyan si Boy Bunganga. Eto matindi. Alam na alam ko kung bakit yun ang itinawag sa kanya kahit di ko tanungin. Nasa kabilang tulay pa lang kasi si Boy Bunganga, maririnig mo na ang mga bunganga nya na punong-puno ng mura, walang bukambibig kundi puro mga lumalagutok na PI.

Pero walang mas titindi pa ke Boy Gilagid. Kasi kahit brownout, kitangkita mo ang kanyang gilagid na naguumapaw sa kanyang bunganga. At kahit paparating pa lang sya at sumusungaw dun sa me kanto, kitang-kita mo na ang kanyang lalaugan pati na garaganta. Wag na wag mong papangangahin baka malulon ka.

Hindi mo rin makakalimutan si Boy Bahog. Kasi araw-araw ka nyang kakatukin sa bahay mo tuwing umaga at mangongolekta ng mga pinagkainan at mga bahog para sa kanyang maliit na piggery dun sa me gate nila. Di mo sya pwede sitahin kahit umaalingasaw na yung babuyan nya kasi kamag-anak ni Chairman.

Andyan din naman si Boy Paa. Hindi naman kalakihan ang paa nya kaya hindi ko rin alam kung bakit yun ang itinawag sa kanya. Hanggang minsan makisali sa basketbol. Nung pinagpawisan na, hindi mo kayang bantayan. Kasi tuwing mapapayuko ka, hindi mo maiiwasang maamoy yung mga paa nya. Masakit sa ilong tol. Amoy alimuom.

Si Boy Nana naman, madalas naming kalaro sa basketbol. Mahirap kalaban yun, kasi wag ka lang madikit sa kanya, foul agad. Super nana, grabe.

Meron ding mga iba pang Boy, pero hindi na masyadong kasingtindi nung mga nauna.

Si Boy Rosie, minsan isang gabi me nagrambulan sa kalye, akala niya kasama yung kapatid nya, lumabas at makikisali sana. Kaso napatigil lahat ng kasali sa rambol, kasi si Boy Rosie, naka-brief lang, kitang-kita tatak Carter. Rosie ang pangalan ng esmi nya kaya yun ang tawag sa kanya.

Tagaron din sa amin si Boy Panis. Astig yun dun sa amin. Ewan ko lang kung bakit yun ang tawag sa kanya. Ayoko magtanong no, baka ma-umbag ako.

Si Boy Tabog, na mas kilala namin sa tawag na Mang Tabog. Me karinderia sya at pulpulan dun sa me kanto. Sarap magluto nun. Kasi pag nagluto yun, nakahubad, me hawak na beer at panay ang kamot. Di mo napapansin, yung sabaw ng mami nya me kahalo ng libag. Yun ata ang secret ingredient nya.

Sabi ng isa kong kakilala na ultra-fem, “bakit merong Boy na palayaw sa lalaki, bakit walang me palayaw na Girl?,”. “Eh loko ka pala eh, alangan namang tawagin yun na Girl eh boy nga yun,” sagot ko.

Sa pagkapilosopo ko, nakonyatan pa ko. Kati sa ulo.

Powder o Lotion?

Friday, September 28th, 2007

(hango sa libro ng “Alamat ng Tropang Ekis”)

Powder o lotion? Kahit ni minsan di mo pa nasubukang pumasok sa sauna bath, alam mo nang ito ang itatanong nung masahista sa yo. Napapanood kasi ito palagi sa mga palabas sa sine tuwing me papasok sa ganung lugar.

Sa mga panahong ito, usong-uso ang mga spa-spa. Kumbaga in na in ngayon ang ganitong negosyo. Dito kasi pwede kang mag-relax, mag-sauna, magpa-facial, magpamasahe, at kung anu-ano pa na siguradong magpapa-envigorate ng katawan mong bugbog na bugbog na sa kakatrabaho.

Naalala ko tuloy noon, walang ganito. Ang alam ko lang, mga sauna bath na hindi naman talaga masahe ang totoong serbisyo na makukuha mo.

Kaya minsan, dahil sempre kami ni McGyver, promotor sa mga kung anu-anong kabulastugan, nagyaya. Kasi naman etong mga ibang myembro ng Tropang X, di pa pala nakakapasok sa ganung lugar. Kya nagprisinta kaming maging “ninong”. Excited na excited naman ang mga mokong.

Dumating ang araw ng lakad. Sakto puro paldo, mga bagong dating ang allowance. Etong si Omar as usual, kapos at nagda-drama pang hindi sasama. “Pasensya ka na tol, mahirap lang kaibigan mo eh”. Nabatukan pa sya ni Clapton, “Ulol, drama ka pa diyan, alangan namang maiwan ka,”. Naks, totoong kaibigan. Syempre, pinunuan na lang namin ang kulang.

Painit muna kami sa kung saang beerhouse. Tapos diretso na kami sa may QC. Akala pa nga nila dun kami pupunta sa Maalikaya. Sabi ko, nagngangarap ba kayo, eh pang showbiz lang yun saka pulitiko. Saka 1,500 doon kada ulo, eh tigto-200 lang budget. Kaya, doon ko sila dinala sa Happy sa me Kamuning. Okay na rin, makapasok lang.

Pagdating namin dun, halatang-halata naman na hindi masahe ang lakad namin. Me mga bagets bang magpapamasahe sa sauna bath, kaw naman.

Labas ang mama san. Lapit kaagad ako, sabay bigay ng bayad. Binilang pa nga nun kung ilan kami, baka daw kasi magpalusot pa. Etong ibang ekis, halata pang kinakabahan, baka daw kasi ma-raid, kakahiya. Nung masiguradong kumpleto ang pondo, dinala na kami sa aquarium. Yahoo!

Time out muna. Bago kami tumuloy, sempre team meeting muna. Review muna ng game plan. Baka kasi pumalpak yung iba. Baka ma techical foul, e di out of the game agad sila. Kasi sigurado me itatanong muna yung masahista sa yo, parang puzzle, hihingan ka muna ng password bago ka makapasok. Kailangan mo muna ng magic words tulad ng “Open sesame!”

Nung masiguradong kabisado na nila ang play, game na, tuloy na ang basketbol.

Pagkatapos naming magtuturo sa aquarium, diretso na kami sa kanya-kanyang cubicle. As in cubicle, dingding lang ang pagitan at bukas yung itaas ng mga divider kaya rinig mo yung usapan sa kabila. Nag-roll call pa nga kami pagkapasok para masigurado kung nasan ang bawat myembro. Ayos, magkakatabi lang pala kami.

Tipikal na tipikal na sauna, pula ang ilaw, para kang ine-x-ray. Pero sempre proud na proud ako. Ang mga inaanak ko magiging mga mama’ na. Naks.

Maya-maya pa, me nagmura. Boses babae. “Langya, anong palagay mo sa akin, aso?!”. Nasira konsentrasyon naming lahat kase hagalpakan na kami. Alam kasi namin kung saang cubicle naggaggaling yung sigaw. Wahaha. Dun sa cubicle ni McGyver. Pati tuloy yung mga partner naming dikya, nagtawanan. Napa-overtime tuloy kami lahat, kasi nga sira yung play. Pero kwela.

Umaga na nung mag-uwian kami. Problema, sa sobrang pagmamadali namin at katangahan namin, wala palang isa man lang sa amin ang nagsuot ng kapote. Yari! Baka mamaya makuryente kami. Bopols, hindi kumpleto ang game plan. Kamot lahat kami sa ulo. Kung kelan kasi tapos na ang game, doon lang namin naisip yung defense, puro offense lang ang naisip namin. Tsk-tsk.

Buti na lang sa me Cubao kami naghiwa-hiwalay at me naispatan kaming Mercury Drug. 24 hours kasi yun. Takbo kami. At kahit na nakataas ang kilay nung tindera, pinagbilhan pa rin nya ako ng sangkaterbang Cortal. Tapos punta kami sa isang tindahan, order kami ng Coke.

“Buraot, sigurado ka ba dito?”, sabi ni Jordan. “Oo, epektib yan, sampung cortal saka itulak mo ng isang coke five hundred, walang sakit sakit,” sagot ko. Kung papano ko nalaman yun, ewan ko di ko na matandaan, panahon pa kasi ni kopong-kopong alam ko na yun. Ang importante, paniwala sila, kaya kanya-kanya kami ng laklak.

Ayos, uwian na. Mamayang hapon, kitakits na lang sa iskul. Kanya-kanyang sakay ng dyip. Tapos na gimik. Pero kahit puro mga puyat ang mga mokong, at medyo pasuray-suray ang lakad, kakaiba ang ngiti ng mga ulol.

Powder o lotion? Sensation.

Pag ngayon mo sinabi yang magic word na yan sa spa, hindi sarap ang makukuha mo, SAPAK.

Alamat ng Tropang Ekis

Thursday, September 27th, 2007


Ang Simula

Unang araw namin sa Psychology. Lahat kami nasa last row. Ewan ko ba kung bakit laging stereotyped na laging ang mga nasa last row, puro pasaway. Hindi naman gaano. Nagkataon lang siguro na kaming mga nasa last row, medyo mahiyain sa personal, kaya kami pumupwesto sa me bandang hulihan. Kasi alapa ka naman talaga kapagka nasa harapan ng kamera di ba?

Habang abala ang mga kaklase namin na daldalan ng daldalan, kami dahil hindi magkakakilala sempre pakiramdaman muna. Sempre astig-astigan muna.

Mauna na akong magbibida, ako nagkukwento eh. Ako si Buraot. Pang-tatlong iskul ko na ito bale. Dropout ako mula sa isang pipitsuhing kolehiyo sa me Sta. Cruz. Kasi naman pagkadumi ng banyo nila dun, parang sa lumang sinehan sa malayong probinsiya, maantut. Pagkatapos nun, nag-PMA muna ako. Oo, Pahinga Muna Anak.

Naka isang taon din akong PMA, patambay-tambay, patagay-tagay. Tapos, enroll ako ulit sa isang kolehiyo sa may E. Rodriguez sa QC. Dun kasi graduate yung isa kong ate, at kasalukuyang varsity yung utol kong isa. Wa epek din, tinamad din. Sinubukan ko ding mag-STI sa Espana. As usual, isang sem lang, drop na naman.

Kaya ako, eto, alang kadala-dala, umpisa na naman. Andito ako sa hulihan kasi sempre dyahi na ko, medyo matanda kasi kumpara dito sa ibang kaklase ko.

Katabi ko noon si McGyver. Kamukha ko nanggaling na din syang STI, di rin ata natapos. Taga-Las Pinas at pamangkin ng isang pulitiko doon. Mukhang kasing edad ko na rin sya, pero mukha lang. Himas-himas nya ang isang stick ng Marlboro kaya medyo nagkagaanan kami, Malboro din kasi yosi ko.

Nung nagkakilala kami, natawa pa ako kasi kapangalan nya yung isang komedyante sa TV. Nalaman ko pa na fratman din pala sya. Pinagyabang pa nya yung mga latay nya sa me binti dahil sa welcome palo. McGyver ang tawag namin sa kanya kasi lahat ng bagay alam nya at nagagawan nya ng paraan. Handyman na handyman ang dating. Galing.

Andun din sa hulihan si Amboy, koboy na koboy ang dating at medyo malaki din katulad namin ni McGyver. Ok naman din sya, yosiboy din tulad namin. Walang bukambibig kundi yung skatebord nya. Pero oks ang trip sa sounds, so pre-preho kami. Sempre, galing merika kaya Amboy ang ipapangalan ko sa kanya. Pero oks din siya.

Sya yung tipong strike anywhere dude. Siya ang nagturo sa amin kung paano magsuot ng pantalon ng walang brief. Pareho sila ni McGyver ng frat kaso hindi sya nagpa-welcome.

Si Clapton naman, yosi din ang dahilan at nasa last row, kaya pasok din sa wentuhan. Takot nga akong bigyan ng yosi kasi baka malaglag yung baga. Mukhang isang bulate na lang bibigay na. Sya yung tipikal na papayat payat tapos straight ang buhok. Pero sounds nya ok din, Lennon fan din sya kaya Lenon na Lenon ang hitsura.

At sa gitara, grabe mala-impakto. Kumakain ng kwerdas. Sya nga nagturo sa kin, kumain ng kwerdas.

Katabi nya si Omar, di ko na iibahin ang pangalan niya tutal matagal ko na naman syang di nakikita. Sabi nga namin baka patay na ang kumag. Di man lang magparamdam. Awuuuu. Siya ang pinakakwela sa amin na nasa likuran, pero hindi nya alam yun. Kaya wag mong papabasa to.

Natural kasi sa kanya yung mga pinag-gagagawa nya, di nya alam nakakatawa. Parang Chiquito ang dating. Tapos feeling guapo pa. Swabe. Me sarili din syang style ng pananamit. Orig. Kasi sya lang ang me style. Kakaiba. Minsan darating yun naka-pang tennis. Sa Meycauyan din sya umuuwi tulad ni Clapton kaya magkakailala na sila nung una pa.

Sa me kabilang dulo nakaupo si Jordan, nakikisali lang yun sa usapan namin noon, pero dahil nasa hulihan din sya at nagyoyosi din, pasok na din sya. Yun pala me talent din naman pala, kaya minsan pinag-gitara namin si Clapton sa stage at sya ang pinakanta namin ng Patience. Patay ah, dami nainlab.

Jordan itatawag ko sa kanya kasi si Jordan ang laging ginagaya nya tuwing magbabasketball kami. Hawig naman. Medyo. Gayang-gaya nga nya. Pag dumidila si Jordan. Sya ang numero unong alaskador sa amin. Pag napikon ka, talo ka. Tagaron lang sya sa Retiro na malapit sa inuuwian ko.

Sa kabilang side ko, andun naman ang isang mukhang totoy na nagtataka kami kung bakit sa amin sumiksik, eh mukha kaming mga haragan samantalang sya mukhang dumedede pa. Sya si Kitkat, mukhang fresh na fresh kagagaling lang ng elementary at na-accelerate sa college. Mukhang walang bisyo sa katawan at nagpipilit lang mag-aral. Sinali na rin namin para matuto ng kalokohan, kawawa naman eh. Takot nga kami baka magsumbong sa nanay.

Me mga ibang sumali sa tropa namin pero kami ang mga original na myembro ng Tropang X. Kung bakit yun ang tawag sa amin, saka ko na lang ikukwento. Kung gusto mong malaman, i-fast forward mo kwento ko. O kaya kung gusto mo ikaw na lang magkwento. Apurado ka.

Noong una, tambay lang at yosi ang trip namin, sempre bago pa lang kaya la pa kami masyado alam sa lugar. Puro wento lang muna.

Pero di rin nagtagal ayan na, mala-impakto na. Matindi kaya naisip ko isulat yung mga kabulastugan namin. Sayang baka kasi malimutan ko.

Hari ng Magsasaging

Wednesday, September 26th, 2007
(Hango sa librong “Alamat ng Tropang Ekis”)

Minsan, dinala kami ni McGyver sa Baclaran. Me tropa daw sya dun na pwede naming tambayan, siga daw yun dun kaya ok na ok kami. Sama naman kami kase sempre Baclaran yun, baka minsan maligaw kami dun, iba na ang me sanggang dikit di ba. Para walang babangga sa yo.

So ayun na nga, napadpad kami dun isang gabing wala kaming mapuntahan.

Nalimutan ko na ang pangalan nung sinasabing astig na yun pero di ko malilimutan ang pagmumukha nun, maaskad kasi. Saka ganster na gangster kung umasta. Naka suspender pa. Bostsip na bostsip ang dating nun sa Baclaran. Habang nagiinuman kami me mga alalay pa na taga masahe at runner. Me mga bataan. Maya’t maya me dumadating na nag-aabot ng sambungkos na pera me kasama pang barya. Godfather ang dating. Me sarili pa syang service na bagong-bago at makintab na owner na jeep.

Habang nagtatagal ang inuman namin, napapansin namin puro saging ang nakapaligid sa amin.

Yun pala sya pala ang supplier ng saging doon sa Baclaran. Kaya lahat ng mga makikita mong me kariton o wala na nagbebenta ng saging doon, hawak nya sa leeg. Kasi nga naman pag wala syang ibibigay na saging e di wala silang kikitain. Tindi pre. Hari ng magsasaging.

Pero kahit na anong sama ng mukha at porma nun, wow naman brad ganda ng syota, saka seksi at makinis. Di nga namin maisip kung ano nakita nun dun sa astig na yun. Kaaskad naman. Nung gabi na yun, ilang beses nga namin na naisip na aswangin yun, kaso sempre takot kami dun sa hari ng magsasaging.

Kahit pa nga mukhang nag-iinarte pa yung tsik sa amin, panay ang papansin at himas dun sa hita nya, dedma na lang kami. Ala kaming ibang tinititigan ng matagal kundi yung bote. Mahirap na. Bata pa kami no.

Sabi ko kay Jordan, tol patulan mo na kaya? Ano ka, ikaw na lang kaya, sagot niya. Eh kung saksakin ako nun sa mata.

Inumaga na kami umuwi pero parang wala man lang nalasing sa amin. Wala ring naglakas loob na patulan yung kiri na dyowa nung hari ng magsasaging.

Kunsabagay di naman yun ang pinuntahan namin dun.

Sa Kabilang Ibayo!

Tuesday, September 25th, 2007

Mahirap talaga dito sa Merika, dahil lagi kang subsob sa trabaho, wala ka talagang panahon sa mga trops. Kunsabagay, ala naman akong trops talaga dito. Me isa akong repapits nasa Arizona naman me bespren na duong camel. Yung isa kong waling waling na kakalase nung nasa kolehiyo pa ako nasa me Detriot naman, hiphop na ata. Me dati akong kas andun naman sa Bay Area. Me sanpits ako andun naman sa Texas.

Ako andito sa Haliwud kasama sina Spiderman na pagala-gala sa Haliwud Bulebard.

Nung nasa Pinas pa ako, akala ko pwede akong magpapasyal-pasyal pagdating ko dito dahil iisang bansa lang naman ang Merika. Kalaki naman pala.

Naalala ko tuloy nung nasa probinsya pa ako. Dehins naman ako promdi, tol, laking Maynila ata ako. Na-deport kasi ako dun noong hayskul dahil nagluluko na daw ako. Pero doon ako pinanganak kaya marami-rami din akong mga katsokaran. Kaso nung balik ko na yun, nanibago ako nang husto. Kasi naman kung anu-anong mga salita ang naririnig ko doon. Me ibang mga malalalim na Tagalog, me mga pauso lang ata nila at meron ding mga salita na panahon pa ni Kopong Kopong uso na pero wala atang nakakaalam ng tunay na ibig sabihin.

Kapag me nagtatanong tungkol sa lugar, madalas kong naririnig, “duon sa kabilang ibayo!”, na ang ibig sabihin sa kabilang nayon. Pero ang talagang ibig sabihin nun, hindi malapit. Kaya kapag ibig sabihin ay malayo, “duon sa kabilang ibayo!.” And matindi eto, dahil likas na buskador ang mga tao dun sa amin, wag na wag kang maliligaw dahil baka mapaaway ka lang pag nagtanong ka ng direksyon.

Sasabihin sa yo, “ala ay dun sa Lala-o!” “doon sa Hanopol!”, o kaya, duon sa “Borbokolon!” Kung saan man yun, ewan ko. Dahil sila mismo di naman din nila alam kung saan yun, ang ibig sabihin nun, inililigaw ka lang nila o kaya, ang tunay na ibig sabihin nun, “Bahala ka sa buhay mo, tatanga tanga ka eh!” Isa yung mga yun sa mga tawag sa lugar na panahon pa ni Kopong Kopong ginagamit na.

Yun pala, meron pala talagang lugar na Hanopol. Si Mike Hanopol daw taga roon sa isang baryo sa amin na super layo na ang tawag ay Hanopol.

Dahil nga puro alaskador ang tao sa amin, natural lang yung me mga naghahabulan ng taga kapag nagkakapikunan. Ang nakakatuwa, makalipas ang ilang buwan pagkatapos magsaksakan, at makpagpagaling, makikita mo sila-sila rin ang magkakainuman. Galing, gandang ehemplo yun para sa mga pulitikong pulpol natin no?

At dahil wala akong matinong kausap dito kundi sarili ko, naisip ko na magblag na rin ng tagalog. Kaya ngayon para rin lang akong nakikipag-usap sa aking mga repakol, repapits, trops, katoto, katrops, katsokaran, mga kasams, kainuman, tambay, at kung anu ano pang mga nausong tawag sa kabarkada at kaibigan.

Kaya kung babasahin mo itong blag na ito, baka me makita kang mga salitang kung anu-ano, at mga bagay-bagay na unti-unti nang nawawala sa Pinas dahil sa mga bagong tao.

Kaya, sa mga magbabasa, gudlak na lang!

Bagong salta? Kunin mo welkam gift mo dito

BABALA:
Koboy lang ang pwedeng pumasok dito! Kung Indyan ka, sorry ka!
PG 13 & PG 75 Ang ilan sa mga eksena ay maaaring hindi angkop sa mga bata. Patnubay ng magulang ay kailangan. Kung sobrang tanda mo naman, kailangan mo ng patnubay ng mas nakababata, baka di mo maintindihan.

Para sa LIBRENG updates


Salpak Mo Email Mo Dito:

Ipapadala thru Airmail

Featured Songer

Barilin si Boy Pana