Sa Kabilang Ibayo!

September 25th, 2007 by BURAOT Categories: Basta Pinoy Koboy, Layp at da Pugad Baboy 3 Responses
where na meMahirap talaga dito sa Merika, dahil lagi kang subsob sa trabaho, wala ka talagang panahon sa mga trops. Kunsabagay, ala naman akong trops talaga dito.

Me isa akong repapits nasa Arizona naman me bespren na duong camel.

Yung isa kong waling waling na kakalase nung nasa kolehiyo pa ako nasa me Detriot naman, hiphop na ata. Me dati akong kas andun naman sa Bay Area. Me sanpits ako andun naman sa Texas. Ako andito sa Haliwud kasama sina Spiderman na pagala-gala sa Haliwud Bulebard.

Nung nasa Pinas pa ako, akala ko pwede akong magpapasyal-pasyal pagdating ko dito dahil iisang bansa lang naman ang Merika. Pagkalaki naman pala.

Naalala ko tuloy nung nasa probinsya pa ako. Dehins naman ako promdi, tol, laking Maynila ata ako. Na-deport kasi ako dun noong hayskul dahil nagluluko na daw ako. Pero doon ako pinanganak kaya marami-rami din akong mga katsokaran. Kaso nung balik ko na yun, nanibago ako nang husto.

Kasi naman kung anu-anong mga salita ang naririnig ko doon. Me ibang mga malalalim na Tagalog, me mga pauso lang ata nila at meron ding mga salita na panahon pa ni Kopong Kopong uso na pero wala atang nakakaalam ng tunay na ibig sabihin.

Kapag me nagtatanong tungkol sa lugar, madalas kong naririnig, “duon sa kabilang ibayo!”, na ang ibig sabihin sa kabilang nayon. Pero ang talagang ibig sabihin nun, hindi malapit. Kaya kapag ibig sabihin ay malayo, “duon sa kabilang ibayo!.” And matindi eto, dahil likas na buskador ang mga tao dun sa amin, wag na wag kang maliligaw dahil baka mapaaway ka lang pag nagtanong ka ng direksyon.

Sasabihin sa yo, “ala ay dun sa Lala-o!” “doon sa Hanopol!”, o kaya, duon sa “Borbokolon!” Kung saan man yun, ewan ko. Dahil sila mismo di naman din nila alam kung saan yun, ang ibig sabihin nun, inililigaw ka lang nila o kaya, ang tunay na ibig sabihin nun, “Bahala ka sa buhay mo, tatanga tanga ka eh!” Isa yung mga yun sa mga tawag sa lugar na panahon pa ni Kopong Kopong ginagamit na.

Yun pala, meron pala talagang lugar na Hanopol. Si Mike Hanopol daw taga roon sa isang baryo sa amin na super layo na ang tawag ay Hanopol.

Dahil puro alaskador ang tao sa amin, natural lang na me mga naghahabulan ng taga kapag nagkakapikunan. Ang nakakatuwa, makalipas ang ilang buwan pagkatapos magsaksakan, makikita mo sila-sila rin ang magkakainuman.

Galing, gandang ehemplo yun para sa mga pulitikong pulpol natin no?

At dahil wala akong matinong kausap dito kundi sarili ko, naisip ko na magblag na rin ng tagalog. Kaya ngayon para rin lang akong nakikipag-usap sa aking mga repakol, repapits, trops, katoto, katrops, katsokaran, mga kasams, kainuman, tambay, at kung anu ano pang mga nausong tawag sa kabarkada at kaibigan.

Kaya kung babasahin mo itong blag na ito, baka me makita kang mga salitang kung anu-ano, at mga bagay-bagay na unti-unti nang nawawala sa Pinas dahil sa mga bagong tao.

Kaya, sa mga magbabasa, gudlak na lang!

  1. maya says:

    walang nagcomment?? o cge ako na lang. hmmm eto kaya gawin kong entry sa pakontest mo? teka, read muna ko ng iba mo pang posts.

    maya’s last blog post..Ano Raw?

  2. BURAOT says:

    heheh. nabura na lahat kasi ng orig na comments nung maglipat bahay ako. heheh.

  3. [...] ikaw ay masugid na stalker ni Kulapo, unang-una kong post dito ay tungkol sa buhay-buhay sa aming bayan doon sa Timbuktu. Porty-payb years later, eto pa rin ako. [...]

CommentLuv badge

Get Adobe Flash playerPlugin by wpburn.com wordpress themes