Hari ng Magsasaging

September 26th, 2007 by BURAOT Categories: Iskul Bukol, Samahang Butong Pakwan No Responses
(Hango sa librong “Alamat ng Tropang Ekis”)

Minsan, dinala kami ni McGyver sa Baclaran. Me tropa daw sya dun na pwede naming tambayan, siga daw yun dun kaya ok na ok kami. Sama naman kami kase sempre Baclaran yun, baka minsan maligaw kami dun, iba na ang me sanggang dikit di ba. Para walang babangga sa yo.

So ayun na nga, napadpad kami dun isang gabing wala kaming mapuntahan.

Nalimutan ko na ang pangalan nung sinasabing astig na yun pero di ko malilimutan ang pagmumukha nun, maaskad kasi. Saka ganster na gangster kung umasta. Naka suspender pa. Bostsip na bostsip ang dating nun sa Baclaran.

Habang nagiinuman kami me mga alalay pa na taga masahe at runner. Me mga bataan. Maya’t maya me dumadating na nag-aabot ng sambungkos na pera me kasama pang barya. Godfather ang dating. Me sarili pa syang service na bagong-bago at makintab na parang bagong floorwax na owner type jeep.

Habang nagtatagal ang inuman namin, napapansin namin puro saging ang nakapaligid sa amin.

Yun pala sya pala ang supplier ng saging doon sa Baclaran. Kaya lahat ng mga makikita mong me kariton o wala na nagbebenta ng saging doon, hawak nya sa leeg. Kasi nga naman pag wala syang ibibigay na saging e di wala silang kikitain. Tindi pre. Hari ng magsasaging.

Pero kahit na anong sama ng mukha at porma nun, wow naman brad ganda ng syota, saka seksi at makinis. Di nga namin maisip kung ano nakita nun dun sa astig na yun. Kaaskad naman. Nung gabi na yun, ilang beses nga namin na naisip na aswangin yun, kaso sempre takot kami dun sa hari ng magsasaging.

Kahit pa nga mukhang nag-iinarte pa yung tsik sa amin, panay ang papansin at himas dun sa hita nya, dedma na lang kami. Ala kaming ibang tinititigan ng matagal kundi yung bote. Mahirap na. Bata pa kami no.

Sabi ko kay Jordan, “tol patulan mo na kaya?” “Ano ka, ikaw na lang kaya”, sagot niya. Eh kung saksakin ako nun sa mata.

Inumaga na kami umuwi pero parang wala man lang nalasing sa amin. Wala ring naglakas loob na patulan yung kiri na dyowa nung hari ng magsasaging.

Kunsabagay di naman yun ang pinuntahan namin dun.

CommentLuv badge

Get Adobe Flash playerPlugin by wpburn.com wordpress themes