Alamat ng Tropang Ekis

September 27th, 2007 by BURAOT Categories: Iskul Bukol, Samahang Butong Pakwan 5 Responses

tropang ekisAng Simula

Unang araw namin sa Psychology. Lahat kami nasa row six.

Ewan ko ba kung bakit laging stereotyped na laging ang mga nasa last row, puro pasaway. Hindi naman masyadow.

Nagkataon lang siguro na kaming mga nasa last row, medyo mahiyain sa personal, kaya kami pumupwesto sa me bandang hulihan. Kasi alapa ka naman talaga kapagka nasa harapan ng kamera di ba?

Habang abala ang mga kaklase namin na daldalan ng daldalan, kami dahil hindi magkakakilala sempre pakiramdaman muna. Sempre astig-astigan muna.

buraotMauna na akong magbibida, ako nagkukwento eh. Ako si Buraot. Pang-tatlong iskul ko na ito bale. Dropout ako mula sa isang pipitsuhing kolehiyo sa me Sta. Cruz. Kasi naman pagkadumi ng banyo nila dun, parang sa lumang sinehan sa malayong probinsiya, maantut. Pagkatapos nun, nag-PMA muna ako. Oo, Pahinga Muna Anak.

Naka isang taon din akong PMA, patambay-tambay, patagay-tagay. Tapos, enroll ako ulit sa isang kolehiyo sa may E. Rodriguez sa QC. Dun kasi graduate yung isa kong ate, at kasalukuyang varsity yung utol kong isa. Wa epek din, tinamad din. Sinubukan ko ding mag-STI sa Espana. As usual, isang sem lang, drop na naman. Kaya ako, eto, alang kadala-dala, umpisa na naman. Andito ako sa hulihan kasi sempre dyahi na ko, medyo matanda na kasi kumpara dito sa ibang bubwit na  kaklase ko.

di ito si mcgyver, kapangalan langKatabi ko noon si McGyver. Kamukha ko nanggaling na din syang STI, di rin ata natapos. Taga-Las Pinas at pamangkin ng isang pulitiko doon. Mukhang kasing edad ko na rin sya, pero mukha lang. Himas-himas nya ang isang stick ng Marlboro kaya medyo nagkagaanan kami, Marlboro din kasi yosi ko noon.

Nung nagkakilala kami, natawa pa ako kasi kapangalan nya yung isang komedyante sa TV. Nalaman ko pa na fratman pala sya. Pinagyabang pa nya yung mga latay nya sa me binti dahil sa welcome palo.  Gusto ko rin ngang paluin eh. McGyver ang tawag namin sa kanya kasi lahat ng bagay alam nya at nagagawan nya ng paraan. Handyman na handyman ang dating. Galing. Parang si Ernie Barong.

amboy noonAndun din sa hulihan si Amboy, koboy na koboy ang dating at medyo malaki din katulad namin ni McGyver. Ok naman din sya, yosiboy din tulad namin. Walang bukambibig kundi yung skatebord nya.  Oh ha? Pero oks ang trip sa sounds, so pre-preho kami. Sempre, galing merika kaya Amboy ang ipapangalan ko sa kanya.

Sya yung tipong strike anywhere dude. Siya ang nagturo sa amin kung paano magsuot ng pantalon ng walang brief. Pareho sila ni McGyver ng frat kaso hindi sya nagpa-welcome. Takot ata mapalo.

clapton noonSi Clapton naman, yosi din ang dahilan at nasa last row, kaya pasok din sa wentuhan. Takot nga akong bigyan ng yosi kasi baka malaglag yung baga. Mukhang isang bulate na lang bibigay na. Sya yung tipikal na papayat payat tapos straight ang buhok. Pero sounds nya ok din, Lennon fan din sya kaya Lenon na Lenon ang hitsura.

At sa gitara, grabe mala-impakto. Kumakain ng kwerdas. Sya nga nagturo sa kin eh, ang kumain ng kwerdas.

hindi yan si omar, hawig langKatabi nya si Omar, di ko na iibahin ang pangalan niya tutal matagal ko na naman syang di nakikita. Sabi nga namin baka patay na ang kumag. Di man lang magparamdam. Awuuuu. Siya ang pinakakwela sa amin na nasa likuran, pero hindi nya alam yun. Kaya wag mong papabasa to.

Natural kasi sa kanya yung mga pinag-gagagawa nya, di nya alam nakakatawa. Parang Chiquito ang dating. Tapos feeling guapo pa. Mister swabeh. Me sarili din syang style ng pananamit. Orig. Kasi sya lang ang me style. Kakaiba. Minsan darating yun naka-pang tennis. Kaya bakat na bakat ang yagbols nya. Sa Meycauyan din sya umuuwi tulad ni Clapton kaya magkakailala na sila nung una pa.

jordan noonSa me kabilang dulo nakaupo si Jordan, nakikisali lang yun sa usapan namin noon, pero dahil nasa hulihan din sya at nagyoyosi din, pasok na din sya. Yun pala me talent din naman pala, kaya minsan pinag-gitara namin si Clapton sa stage at sya ang pinakanta namin ng Patience. Patay ah, dami nainlab.

Jordan itatawag ko sa kanya kasi si Jordan ang laging ginagaya nya tuwing magbabasketball kami. Hawig naman. Medyo. Gayang-gaya nga nya, pag dumidila si Jordan. Sya ang numero unong alaskador sa amin. Pag napikon ka, talo ka. Tagaron lang sya sa Retiro, malapit sa inuuwian ko.

kitkat noonSa kabilang side ko, andun naman ang isang mukhang totoy na nagtataka kami kung bakit sa amin sumiksik, eh mukha kaming mga haragan samantalang sya mukhang dumedede pa. Sya si Kitkat, mukhang fresh na fresh kagagaling lang ng elementary at na-accelerate sa college.

Mukhang walang bisyo sa katawan at nagpipilit lang mag-aral. Sinali na rin namin para matuto ng kalokohan, kawawa naman eh. Takot nga kami baka magsumbong sa nanay.

Me mga ibang nadagdag sa tropa namin pero kami ang mga original na myembro ng Tropang X. Kung bakit yun ang tawag sa amin, saka ko na lang ikukwento. Kung gusto mong malaman, i-fast forward mo kwento ko. O kaya kung gusto mo ikaw na lang magkwento. Apurado ka.

Noong una, tambay lang at yosi ang trip namin, sempre bago pa lang kaya la pa kami masyado alam sa lugar. Puro wento lang muna. Pero di rin nagtagal ayan na, mala-impakto na. Matindi kaya naisip ko isulat yung mga kabulastugan namin.

Habang hindi pa umaatake ang Alzheimer ko.

  1. [...] mga chikababes nang dumating si Ka Pepe. Tuwang tuwa kami kasi kamukhang kamukha sya nung member ng Tropang Ekis na si McGyver. Kuhang kuha ang porma at lakad. Parehong urong ang [...]

  2. p0kw4ng says:

    dali na sandugo at atat na ako sa iba pang kwento…oo apurado ako,hihihi

  3. ehem says:

    asus.. ano tawag mo sa akin’.. ha buraot” kadyot ba hehehe

  4. BURAOT says:

    ehem: wala ka pa jan… hehehhe. sa susunod pang chapters ang pasok nyo ni aso. wahahah!

  5. [...] McGyver ang gusto iwento. Hindi si McGyver na myembro ng tropang ekis na nananaksak ng ballpen sa leeg. Kundi yung bida sa tv series nung 80s na pinaghalong action star [...]

CommentLuv badge

Get Adobe Flash playerPlugin by wpburn.com wordpress themes