» 2007 » October
Bwena Mano
MGA WAGI!
Narito ang mga nanalo at mag papartehan sa $550.00 na premyo sa Sikatchupoy si BURAOT Contest!
Para sa listahan ng mga nanalo ng milyun milyung singkong kulot... Klik mo mukha mo dito!
Where Da Hell is BURAOT?
COMING SOON!
TagNgYan Talaga Oo!
Dear Ate Charo:
Salimpusa

Archive for October, 2007

Ang Mahiwagang Lansones

Wednesday, October 31st, 2007
Undas na sa atin. Uso na naman ang mga horror movies. Lahat halos ng blog, me patutsada tungkol sa mga kababalaghan at mga katatakutan. Naisip ko rin sempre mag-post ng kwentong katatakutan, dami ko din experience sa ganyang mga multo-multo no. Dun ata ako galing sa probinsiya namin sa timbuktu, dami nun dun.

Kaso naisip ko din, eh ano namang magiging kakaiba sa isusulat ko, e di wala. Sa aking pagaagam-agam, naalala ko yung mga palabas sa Tv noon na Regal Shockers na hindi naman nakakatakot, nakakagulat lang. Naalala ko din si Chuckie, yung manikang killer ekek. Minsan napanood namin sa HBO sa Pinas, ililipat ko na sana kasi biglang dumating yung anak kong babae, 2 years old pa lang kasi sya nun, baka matakot sa palabas. Kaso mo, sa halip na matakot yung bata, enjoy pa sya at tawa ng tawa ke Chuckie. Kala mo comedy palabas.

Di naman talaga ako mahilig manood ng pelikulang horrors, kapag me date lang. Mas nakakatakot mas oks. Sempre yung ka-date mo matatakot, no choice kundi yumakap sa yo. Swak na swak.

Minsan, me nagturo sa akin ng sikreto ng mahiwagang lansones. Sabi ko, ano na namang kabalbalan yun? Nung ibinulong nya sa kin, natawa pa ko. Sabi ko, hmmmmmnnn….sige nga masubukan….

Kaya nung minsang magyaya yung syota ko na manood ng sine, horror na naman. Sabi ko gusto mo ng horror ha? Sige. Pag hindi ka natakot sa gagawin ko ewan na lang sa yo. Kaya sa halip na sinangag na mani ang bibilhin kong baon sa sinehan, dun ako bumili sa bangketa ng isang supot na lansones. Sabi nung syota ko, “bakit lansones na ata trip mo ngayon?, di ako sumagot, sa halip naka ngiti lang ako. Isip isip ko, yari ka mamaya. Wehehehehe. Nyehehehehe.

Pasok na nga kami sa sinehan, sempre pa madilim. Okey sa olrayt! Yung supot na papel ng lansones, nilagyan ko ng butas sa ilalim pagkatapos ay ipinatong ko sa aking lap (ano ba sa tagalog ang lap?). Maya-maya pa nga, dumukot na si syota ng lansones sa supot. Yari ka ngayon!

“Ayyyy!!!” nagulantang at napasigaw sya,
“ayyy, ano yun?” pinisil-pisil pa nya hanggang….
“uyyyy, kaw talaga…..ahihihihii”………..

Walanjo at walastik, wa epek, di natakot.

Kaya yung nagturo sa kin nun, sa kanya ko na lang pinakain yung natirang lansones. “O hayan saksak mo sa baga mo! Walanghiya ka……. epektib!” “Ang galing mo! Kanino mo natutunan yun, ke kopongkopong?”

Horror classic.

Mga Amasona ng Intramuros

Monday, October 29th, 2007

Eto na. Inaabangan na to nung ibang mga buraots dyan sa gilid-gilid.

Ipakikilala ko na po ang mga ma-alamat na mga bebots na nagpabago ng pananaw ko sa buhay. Mula sa isang pagiging strike anywhere, anyhow, anytime at anyone (ooops), sinulsi nila ang aking naghihingalong walang kawenta-wentang buhay na walang katuturan at pinilit na maging isang mabuting mamamayan. Naks.

Sila ang mga mala-impaktong mga amasona ng Intramuros.

Naispatan namin silang tatlo duon sa Batibot na nasa harapan lang ng opisina ng National Press Club. Masarap kasing mag-yosi don dahil malilim at para kang nasa isang maliit na park. Kaya Batibot tawag dun, kasi kamukha yun sempre nung nasa Batibot.

Andyan si Bekbek na sanpits pala ni Jordan. Ganda babae. Seksi. Kaso astang lalake. “ano ha? bakit papalag ka, ha?Baka gusto mo konyatan kita?”. Ganun ang dating. Sa ginanda ganda ng mukha nyang mala-sutla at mamink-mink na balat na parang ibinabad sa astringen, astig na astig ang dating. Yun bang magkamali ka ng sasabihin, umbag ang abot mo. Kahit lalaki ka, di ka uubra sa kanya sa suntukan teng. Naku, wag mo na subukan, me nakita na kong lalaki na nabugbog nun. Kahit mga batikang mga fratman, di umubra dun, kaw pah!

Si Ivy, isang dalagang Pilipina na tipikal na kayumanggi ang balat. Maliit din lang kaya di mo mapapagkamalang amasona pala. Cute na cute ang dating. Sweetums kumbaga. Wag mong gagalitin kasi magmimistula syang Pokemon na cutie na magiging higanteng dragon. Wag mo pagsasalitain, malulula ka sa kanyang malalim at matanlinhagang mga banat. Madalas nga di ko na alam pinagsasasabi nya, pero dahil masarap pakinggan at malalalim na parang hinuhugot sa karimlan ng mahiwagang balon, para akong hini-hypnotize. Haaaaay!

Eto pa ang isa, si Shohan, sya ang laging kakabit nung dalawa. Amasona din sya pero sya ang tipong tahimik lang at ngingiti-ngiti. Payosi-yosi lang. Kumbaga dun sa Dating Daan ni Brod Pete, sya yung brader na di nagsasalita. Amen! At dun naman sa bagong version sa Bubble Gang, sya si Michael V na ang dating kapag tinanong mo eh,”Wala!” at pag pinilit mo pa, “Wala, wala, wala, wala, wala, wala!”. Tinawag din namin syang “Ang Bababaeng Nawawala sa Sarili”. Kasi tuwing makikita namin sya, parang laging nakalutang sa alapaap ang kanyang brain. Parang parating me amnesia. “Ha? Ano kaaaaaaamo?”‘ Nasan na nga ba ko?”

Sila ang nagbigay daan para makilala ko pa ang isang mas matinding nilalang na magiging karelas ko ng mahabang panahon, si Karina.

Sila din ang umero unong mga kolehiyala na mga amasona na kina-inlaban ko sa kolehiyo. Pero kahit inlab na inlab ako sa kanila dahil sa kanilang mga mala-impaktong style, di ko naman naisip na talunin sila, tropa yun brad.

Oo naman, me pinapalampas din naman ako, anong palagay mo sa kin? Bwakaw sa chicks?

Palatastas Take #5 Updates</>

Saturday, October 27th, 2007
Updates muna tayo.

Sa mga naiinip dun sa bagong-bago kong blag, ang The Antisocial, relaks lang muna kayo, masyado kayong mainit. Malapit na ang Araw ng Kaluluwa dun ko opisyal na bubuksan yun. Ako nga naiinip eh, kayo pa. Muntik-muntikan ko na ngang buksan ng maaga dahil sa mga development sa Pinas. Kaso ayoko namang masira sa iskedyul. Baka yariin ako ng producer ko.

Pero salamat sa mga walang kupas na bumibisita duon kahit na alam ko, umuuwi kayong luhaan dahil ala kayong napapala, eh nagpupumilit pa rin kayong pumasyal. Layout pa lang ang andun, ala pang post.

Kung napapansin nyo, iba na ulit ang kulay ng blag na ito. Yung isa ko pa na Literary Ekek, iba na rin. Pansamantala, ititigil ko na muna sa ganyang mga lay-out at kulay. Nauubos na kasi oras ko kakapalit.

Ang kulay ng mga blag na ito ay pinirmi ko na muna sa pastel colors. Nakuha ko kasi ang inspirasyon sa mga kulay ng briefs ko.

At salamat din sa labingisang (grabe, super dami) bumoto sa survey na isinalpak ko dito. Di ko lang alam kung palpak lang ako ng paglalagay ng voting booth kase andun sa kailalim-ilaliman ng webpage o talaga lang na ganun talaga kadami ang nagbabasa dito. Nasan na yung isanglibong bisita ko? Nangawala na ata.

Pero oks na din kase so far, puros mga strike anywhere and nangunguna, ibig sabihin karamihan mga kawawang koboy. Sa susunod na eleksyon, Comelec na papahawakin ko para naman umabot kahit isang milyon man lang.

“Hello Garci, oo ako ito. Ha? Wak na! Sobra ka naman, ok na sa kin wag lang sampu.”

Hoy, Mr. Bungol!

Friday, October 26th, 2007
(hango sa librong “Alamat ng Tropang X”)

Me propesor yung ibang kaklse namin dun sa ibang subject. Di namin sya titser kasi, di naman namin kelangan yung subject nya para grumadweyt, di kasali sa kurikulum namin. Kaya lang masyado sya sumikat sa mga kwentuhan naming mga ekis, kaya, natural kasali rin sya sa wento.
Tawagin na lang natin syang si Mr. Bungol. Kaya yun ang naisip kong itawag sa kanya kasi sa sobrang baba ng boses nya, walang binatbat si Diomedes Maturan. Kung di mo nakikilala si Diomedes, itanong mo muna sa lolo mo kung sino yun. Kase natural, panahon pa ni kopongkopong kumakanta na yun.
Bukod sa sobrang baba ng boses ni Mr. Bungol, kung magsalita yun, parang parating bumubulong at laging sa ilong lumalabas. Para atang kahit di nya ibuka yung bibig nya, makakapagsalita pa rin sya, dun nya pinapadaan sa butas ng ilong nya, ganun. Oo, ganun. Madalas pa nga syang nabubulol at nango-ngongo na di mo malaman.Tingin nga namin malamang totoong ngongo si sir, magaling lang magtago.
Ngalaga! Oo, ara alagang ngongo!

Subukan mong pagsalitain ng “Pag tumayo ang testigo, kay susan tayo!”, kung hindi malaswaan ka rin.
Heto ang isa pang propesor na isang pa ring walang kamatayang nilalang na nagturo dun sa kanto ng Intra. Di ko matandaan kung anong subject nya, kung English ba o Humanities, pero ang sigurado ko sikat yun nung panahon namin. Parati syang topic sa canteen, sa mga tambayan, sa mga bilyaran, at sa mga kainang point-point sa Intramuros.

Minsan, nagpagawa yun ng project dun sa isang estudyante nya na Dean’s lister. Pina-compose nya ng isang makabagbag-damdaming sulat ke ponsyo pilato na kunwari ang me akda ng sulat eh naholdap at nawala lahat ng mga ID, credit cards, at kung anu-ano pang importanteng papeles na kelangan mong ipa-blotter para me pulis report ka at katunayang nawala nga. E di gawa naman si estudyante ng sulat. Sempre highly-polluting yung ingles kaya pihado mai-impress sempre yung babasa.
Kinamukat-mukat mo, nabuking ng lahat, yun palang “project” na pinagawa ke Dean’s lister, eh para pala ke sir. Kasi naholdap si sir at nawala yung mga papeles nya.
Si sir namaaan, di pala marunong mag-compose ng Englesh letter namaaaan. Simple English, cannot do! All he need is to add one letter then borrow two. And to think he’s the professor of the school teaching subject English matter? How poor naman his English! How naman can he teach us his teaching if he cannot English spokening, you know?
Kaya hayun, sikat na sikat sya.
Minsan, sa klase, napikon si sir, kasi mukhang sya ang pinagkwe-kwentuhan ng mga estudyante. Tinawag nya yung tatlong nag-dadaldalan. Pinagtutu-turo nya at sinabing, “You, you and you! Both of you! Get out!”
Sabi ng tatlo, ano daw? “Both of us three?” Tawanan ang buong klase.
Sempre mas lalo pang sumikat si sir. Galing kasi naman talaga. Bungol.

Mga Gagong Inosente

Thursday, October 25th, 2007
Haay, sarap-buhay! Wala akong ginawa kundi matulog maghapon. Gigising, tsitsibog, tatambay, lalaklak, chichicha ulit, logtu ulit. Yan ang routine ko noong unang taon ko sa PMA(Pahinga Muna Anak).

Matagal na din naman akong hindi nakakapag-bonding sa mga trops ko dito sa lugar namin. Kaya naman ng madalas na nila akong naiispatan sa labas ng gate namin, close na ulit kami. Eh papano naman kami hindi ulit magiging close, eh halos magkapalit-palit na kami ng mukha. Biruin mo ba naman, wala atang gabi na hindi kami pumapalya sa paglaklak ng alkohol. Minsan nga, yung mga galing simbang gabi, pauwi na, kami tumutungga pa.

At dahil medyo mahina ang delihensya namin pare-pareho (puro kami PMA), matipid ang budget. Ang afford lang namin eh mga chipipay na inumin. Ni hindi na nga namin afford humataw sa Shakey’s Mabini, pag me okasyon na lang. Madalas Tangguay, Gin Bulag at Emperador lang. Pag feel namin mag-imagine ng ala-Boracay, Gin Buko. Yung beer, panghugas na lang. Ang style namin, beinte beinte kami ng patak. At dahil marami-rami din kami, yung beinte kada ulo, eh lumalaki rin. Kaya naman buhay na buhay ang alaga naming sawa sa tyan. Katunayan, me pangkain pa kami ng tapsilog ke Lola Ely’s sa Bambang pag madaling-araw. Pampatunaw.

Yung mga oldies sa lugar namin, tinawag kaming beinte beinte gang dahil sa patak-patak na style namin. Askad nga. Parang ka-tunog ng Sputnik at Sigue-Sigue. Wala naman silang reklamo kahit gabi-gabi kaming nag-iinuman sa kalye. Natutuwa pa nga sila, kasi lagi kaming masasaya. Libre tanod pa sila. Kaya naman minsan, sila na rin ang nag-iisponsor ng inumin namin. Tenkyu!

Ewan ko ba, dami kong grupo. Kasi itong grupo na ito naman, eh napag-kaisahan naming tawaging MGI. Short for Mga Gagong Inosente. Tingin siguro namin nun, cool yung pangalan. Ngayon, pag napapakinggan ko, parang olags ang dating. Yung mga kuya kasi namin, yun ang itinayong grupo ekek. Kaya naman ngayong kami naman ang tambay sa kalye, minana na rin namin pati pangalan.

Kaya naman nung magbalik eskwela na ko, susginuu, super hectic ba ang aking isked at kelangan ko pang kumoha ng fersonal assestant ba. Andyan ang Tropang X, andyan ang MGI, andyan ang tropa kong mga Mangyan sa Timbuktu, at sempre bukod pa dun, sempre yung aking mga lablayfs, at ang aking part time na pagsisilbi sa bayan. Kahirap pala pagsabay-sabayin. Nun ngang magka-unica hija ako, muntik na kong batukan nung pari sa haba ng listahan ko sa mga ninong at ninang. Halos lumuwa din ang mga mata nya, kakamulagat sa kin. Tatlong pages ata lahat, baliktaran. Eh anong magagawa ko, wala naman kasi akong pwedeng hindi isama sa listahan. Baka magkahiyaan. Pero sa ibang chapters na lang yung tungkol sa mga yun.

Kasama ang mga kwatog na ito sa MGI, dito ko natutunan ang maraming bagay ang hindi ko kelanman eh matututunan sa iskul kahit kelan.

Intro pa lang ito kaya, wala kang maaasahang patawa dito. Nasanay ka naman ata. Para lang di ka magtaka kung isang araw eh, me maikwento akong hindi mo pa naririnig. Mabuti na yan, para pag banat ni Kulapo, eh tuloy-tuloy ang pagtalsik ng laway mo. Siguraduhin mo lang na wala kang katabi at baka mahilamusan mo.

Ang Mahiwagang Balat

Wednesday, October 24th, 2007
Minsan, wala na naman kaming magawa. Wala ring mapagkwentuhan. Kaya sempre, mauuwi sa walang kamatayang payabangan.

Yung isa kong kaklase sa Ermita, me pagawaan sila ng sapatos dun se me Mabini. Bale, balat ang kanilang main product. Mga balat ng ahas, buwaya, ganun. Kaya naman minsan naisipan nyang ipagyabang yung sapatos nya na gawa ng kanyang artisanong erpat.

“Tol, tingnan mo sapatos ko, oh, balat yan ng buwaya, at etong nasa gilid, balat naman ng ahas, mahal to pag binili mo sa SM,” pagyayabang ni Topher.

Kami naman sempre, ma at pa. Kinamalayan ba naman namin sa mga balat-balat na yan. Eh basta kami point-point lang kami pag bumibili, di na namin inuusisa kung san nanggaling ang mga yun no. Pakialam namin dun.

Kaya nag-imbento na lang kami para naman di kami mapag-iwanan at nang makapang-asar na din tuloy. Nagkindatan na lang kami ni Siruis at alam na agad namin ang gagawin. Tinanong ko siya, “ikaw tol, anong balat yang sapatos mo?”, napapangisi na ako.

“Naku, tol, mura lang to, balaaaaat ng sibuyas! Di ko nga masyado tinitingnan kasi baka maluha na naman ako,” drama ni Sirius. Ok ah, orig ang banat.

Sumunod naman si Tukayo, “ako tol, mas mura, nahuli lang nung katulong namin tong pinagkuhanan ng balat nitong sapatos ko, ayun ginawang sapatos nung tatay ko,” wento nya. Seryoso ang hinayupak.

Ano namang balat ba yan? Tanong namin. “Balat ng langaw. Medyo lumayo-layo kayo, baka masagi nyo, eh, mangamoy” dagdag nya. Orig din, mukhang me tulog ako ah. Galing mag-isip ng mga ungas.

“Eh ikaw naman Buraot anong balat naman yang sapatos mo?” tanong ni Tukayo na nagpipigil lang tumawa. Kakapigil nya, muntik nang lumabas ang uhog nya.

“Ah ako, ala, eto na ata ang pinaka-murang balat. Libre ko nga lang nakuha. Ayun ginawa ko na rin lang na sapatos. Para naman me pangtapat din ako sa mga sapatos nyo,kakahiya naman sa inyo kung ala,” seryoso din ako.

“Eh bakit, balat ba ng ano yan?” gatong ni Tukayo at Sirius habang lapit ang mga tenga nila dahil pihadong excited na sila malaman kung anong naisip ko.

“Balat ng sugat!” bulalas ko sa kanila.

“Iniiwasan ko ngang matapakan eh, kasi sigurado magdudugo na naman. Tingnan mo kulay oh, kulay nana. Hapdi! Whoo!” , pagiinarte ko.
Si Topher naman, nakahalata rin, hayun asar na nilayasan kami.

Hagalpakan kaming tatlo. “La palang sinabi si yun eh, di ko pa nababanggit lolo ko nun!” habol pa ni Tukayo. Wala ka sa lolo ko!

(ang mga piktyurs po eh hindi akin at naispatan ko lang dito)

Ang Antisosyal, Ayan na!

Tuesday, October 23rd, 2007

Salamat po sa mga bago kong mga online trops na naligaw at naburaot din sa blog kong ito. As usual calling-calling muna ulit.

Dahil po lubos akong nalilibang sa pag-epal online, naisipan kong mag-reorg. Inunahan ko na si GMA na sipain ang aking mga midnight cabinet. Habang hinihintay ko pang ma-confirm ang ibang mga detalye, nai-set up ko na yung aking bagong… oo alam ko na alam mo na. Eh yung iba hindi pa.. ang aking bagong blog.

At oo din, alam kong alam mo na alam ko na alam mo na kung anong nalalaman ko. Eh malay ko bang alam mo na pala na alam kong alam mo na ang alam ko. Eh yung di pa alam, kelangan ipaalam ko din sa kanila ang nalalaman ko para naman malaman din nila ang alam ko na alam kong alam mo na din. Maliwanag?

Pinangatawanan ko na ang titulo, the Antisocial. Nakakatuwa kasi kahit wala pang mga laman, marami nang bumibisita. Siguro, nagmamasid lang at medyo curious kung anung ipaglalalagay ko dun. Siguro nag-iisip, “ano na naman kaya itong pakulo na to ni Buraot,” ” di na nagsawa, hay naku, wala talagang magawa sa buhay, ” at “walaaaaang kadala-dala!”. Sa araw ng mga kaluluwa, pormal ko itong bubuksan, para naman meaningful di ba.

Dun sa isang walang kawenta-wentang blog ko na Literary Ekek, dun ko na lang ilalagay ang aking mga feature stories at mga akdang ala Huseng Batute at mga karanasan ko dito sa kabilang dulo ng mundo. Don’t wori, dahil malakas ang raket nitong Anak ni Kulapo, itutuloy ko lang ang naumpisahan ko na ditong kabulastugan. Yeey! Basta magreklamo ka lang parati.

Dun sa ilang mga nakakakilala sa akin, sigurado maiintindihan ito kapag nakapag-post na ako. Dun sa mga hindi pa, ito po ay isa lamang sa king napakaraming personalidad. At eto po ang medyo madilim at maligalig. Kaya naman sinunog ko din ang background. Kaya kung nasanay kang kenkoy kolokoy ako dito sa Kulapo, baka madis-ilusyon ka pag napasyal ka dun. Kung gusto mo, maghanda ka na ng abogado, baka mai-demanda mo pa ko.

Dito, ilalabas ko na lahat ng powers ko!

Ding, ang bato? Darna!!!!!!!!!! Akkkkkk! Tangna ka, sabi ko bato.

Bagong salta? Kunin mo welkam gift mo dito

BABALA:
Koboy lang ang pwedeng pumasok dito! Kung Indyan ka, sorry ka!
PG 13 & PG 75 Ang ilan sa mga eksena ay maaaring hindi angkop sa mga bata. Patnubay ng magulang ay kailangan. Kung sobrang tanda mo naman, kailangan mo ng patnubay ng mas nakababata, baka di mo maintindihan.

Para sa LIBRENG updates


Salpak Mo Email Mo Dito:

Ipapadala thru Airmail

Featured Songer

Barilin si Boy Pana