Tameme

I- Feysbuk Mo Mukha Mo!
bitchslap(Hango sa librong “Alamat ng Tropang X”)

Nakasakay kami sa isang karag-karag na jeep, pauwi na. Kahit medyo amoy alak pa kami, okay lang dun sa ibang pasahero, iilan lang naman kaming sakay. Yung isang mama mukha ngang galing pang beerhouse, me tsikinini pa sa leeg.

Etong si Omar nagwawala pa. Awat awat namin kasi baka mahulog sa jeep. Sige sya ng kasisigaw, “Papatayin ko talaga yun, tol. Papatayin ko!”.

Dahil nakakahiya na sya at pinagtitinginan na kami, sinapok na sya ni Jordan. “Tangina ka, ngayon ang tapang-tapang mo, kung kelan wala na. Kanina binigyan ka ng mag-asawang sampal, tameme ka.”

Nung maaga-aga pa kase, dumayo kaming mga Tropang X dun sa me central market sa me kanto ng Recto. Me naispatan kasi akong mukhang magandang inuman dun na medyo ok sa budget. Kumpleto kaming tropa. Me bilyaran pang isa kaya mas okey.

Habang nagangalahati na kami sa inuman, etong si Omar nagbanyo. Maya-maya pa bumalik. Nakatungo at ngumu-nguyngoy. Me nakabangga daw sya paglabas ng kubeta at sinampal sya. Nung akmang magrereklamo sya, sinundan pa sya ng isa pang sampal, sa kabilang pisngi naman. Di na siya naka-palag.

Sempre panting ang mga tenga namin, di kami papayag na walang resbak, nampucha, tropa ata namin yung naagrabyado. Tinanong namin sya kung nasaan ang ulupong na sumampal sa kanya. Andun pala ang mokong sa me di-kalayuang mesa at halos kasindami din namin sila. Nagtatawanan pa at titingin-tingin ke Omar.

E di nagtayuan na kami. Si McGyver binunot ang pamatay nyang ballpen. Pag daw kase me away yun ang gamit nya kasi pamatay daw yun. Pinapang-saksak daw nya sa leeg. Yahuuu! Sa wakas makikita din namin yung kanyang secret weapon in action.

Trobol na. Syempre ngawngawan na muna, sigawan, at sindakan. “Sige nga hawakan mo nga sa tenga o, o ha?”.

Dahil mukhang mga tigasin din kami, yung isa sa kanila, nagpautot pa. “Pare, kilala kita. Di ba kilala mo ko?” Sabi ko, “Tarantado! Di kita kilala, papalusot ka pa ha?” Hinampas ko nga ng upuan. Ayos umpisa na ng rambulan. Walang nagawa yung bartender kundi manoood at magdasal na sana konti lang ang masira.

Maya-maya pa, sempre (kami ang bida dito eh) nagtakbuhan na ang mga kolokoy papunta sa likod ng bar. Me daan pala dun.

Hahabulin pa sana namin kaso sabi nung bartender, “Bos, wag nyo na habulin, delikado ang eskinita diyan sa likod,” kaya hinayaan na lang namin. Kunsabagay bugbog naman na ang mga kupal. Saka mahirap na, madilim dun, baka masumpak pa kami.

Tinuloy na lang naming ubusin ang mga natitirang beer, sayang bayad na yun. Buti na lang puro plastik lang pala yung mga baso at pitsel dun, kaya hindi nabasag. Yung mga mesa kahoy, kaya inayos na lang namin ulit. Pero nakikiramdam din naman kami, baka kase mag return of the comeback.

Awa naman ni Lord, alang bumalik. Wagi ang mga lolo.

Kaya nang matapos ang inuman, kanya-kanya na kaming sibatan. Magkakahiwalay kasi ang bahay namin. Si Jordan at ako magkalapit lang sa may Retiro at si Omar at si Clapton naman sa Meycauayan pa. Kaya magkakasama kaming sumakay papuntang Blumentritt.

Yung iba naman dun pa sa borbokolon. Kung di mo alam yung borbokolon, basahin mo muna yung una kong kwento, cheating ka. Basa ka ng basa diyan di mo pa pala nababasa yung unang parts.

At dahil nagwawala pa rin si Omar sa dyip sa sobrang lasing, panay ang hirit ng “Hinde ako lasheng,” at “Patapatayin ko yun tol, pahhh… pahhhh…. pahhhhh…hik!”. Ngenge na talaga. Inuto-uto na lang namin habang kinakamot ni Jordan sa tiyan. Ayun inantok.

Tameme.

Tags: , , , ,

This entry was posted on Tuesday, October 2nd, 2007 at 3:29 am and is filed under TROPANG EKIS, USAPANG LASHENG. You can follow any responses to this entry through the RSS 2.0 feed. You can leave a response, or trackback from your own site.

One Response to “Tameme”

» Blog Archive » Byahilo sa San Pablo January 28th, 2009 at 9:53 am

[...] naman, buong byahe silang tameme at kulang na lang ay maihi sa sa shorts. At dahil naawa naman kami sa mga ulol, pinakain na muna [...]

Leave a Reply

CommentLuv Enabled
Get Adobe Flash playerPlugin by wpburn.com wordpress themes