Flower’s Club

October 6th, 2007 by BURAOT Categories: Iskul Bukol, Samahang Butong Pakwan 3 Responses
(hango sa librong “Alamat ng Tropang Ekis”)

“Oi Clapton asan na? Kelangan ko mamayang gabi yun.” tanong ko nung makita ko sa Batibot si Clapton.

Ipinahiram ko kasi sa kanya yung membership card ko nung isang linggo, di pa binabalik.

“Ala sa kin, na ke Jordan na ginamit nya kagabi,” sagot naman nya.

Ewan ko ba kung kelan nauso yang mga rewards-rewards na yan. Pero bago pa sumikat noon yung ganitong style ng marketing, alam na namin yun. Kasi meron kaming ganito noon pa. Pinaghihiraman namin. Isa kasi kami sa mga stockholders ng Flower’s Club.

Kung hindi mo alam yun, naku teng, bumalik ka na lang sa kumbento.

Eto yung membership card sa mga paboritong pasyalan ng mga kabataan. At least nung kapanahunan ko, ewan ko lang sa yo. Madalas kasi kaming pumapasyal ke Anito noon para sumamba, at saka dun ke Aling Victoria para makapag-relax at magpalipas-oras, at sa iba pang mga lugar na me bulaklak sa logo.

Tahimik kasi at malamig sa mga ganung klaseng lugar. Masarap magkwentuhan. Opo kwentuhan lang po. Pramis.

Simple lang ang style namin, kasi me mga tropa kami sa iskul na mga nene pa kaya, yung mga ibang gimik namin na Rated PG, secret lang. Kami-kami na lang. Wag mong pagsasabi ha?

Nagkataon naman nung araw na yun na me lakad ako. Tapos, alangan ang budget. Kaya kelangan ko yung card. Kasi ang siste dun sa card na yun, kada pasyal mo tatarahan, palaki ng palaki ang discount hanggang sa maging libre na ang huli. Kumbaga sa bingo, punuan ang laban. Eh ang alam ko malapit nang magblackout, bibingo na.

Nung malaman nga ni McGyver na ala akong pera pero me date ako, namrublema din. Sa sobrang bait nya, isinangla namin yung singsing nya na bigay ng syota nya. Para daw me baon ako. Bait ni Daddy.

Maya-maya pa andyan na si Jordan, ayun, kinuha ko yung card. Sabi pa nung dyowa niya na kasama nya, “ala namang wenta yang tropa nyo eh, tinutulugan lang ako.” Pinayuhan na lang namin sya na sa susunod, busugin nya muna kasi ng balot.

Basta para sa kin ayos na buto-buto mamaya. Papa-change oil ako. Chuckchak tienes.

Kinabukasan, abang-abang sila sa kin. Excited lahat. Lalo na si McGyver, sempre sya financer eh. “Ano na?” tanong nila. Ayoko sana silang biguin kaso, ayoko namang gumawa ng wento. “Ala, repapits, parang patay na lukan, eh. Bokya.

Inulan ako ng batok. “anak ka ng teteng, sinayang mo lang yung puhunan ko,” galit na galit na sabi ni McGyver, “eh nasan na yung budget?”. “Eh wala na pinang-taxi ko pa eh.” sagot ko sa kanya. “Papano na yung singsing, baka hanapin yun nung syota ko?” tanong nya. “E sa ala eh, e di tubusin natin pag me pera,” sagot ko naman.

Langya buong maghapon, puro kantiyaw inabot ko sa mga Ekis, lalo na ke McGyver. Naisip ko, hu, gusto nyo lang wento eh, mga ulol. Malamang kung me wento ako, yung singsing nakalimutan na.

Bilib ko lang sa tropa, pag me bitin, sinasalo nila. Tropa talaga. At dahil palpak ang lakad ko kagabi, pinasyalan na lang namin si Aling Bising para doon na lang namin ibuga ang aming mga sama ng loob.

At least dun, di na kelangan ng membership card.

  1. [...] ko lang kasi kumbakit tuwing valentayms, napupuno ang mga bahay ni Aling Victoria. Kahit san ka pa magpunta, para kang nakikipag blackout bingo. Punuan. Nung nasa pinas pa kasi ako. [...]

  2. clementine says:

    parang kilala ko yung balak mong dalin dyan?!…

CommentLuv badge

Get Adobe Flash playerPlugin by wpburn.com wordpress themes