Ang Daan kay Professor Nuno

October 9th, 2007 by BURAOT Categories: Iskul Bukol, Samahang Butong Pakwan No Responses
(hango sa librong “Alamat ng Tropang Ekis”)

Eto na, subject sa Theology. Pagpapaka-banal na naman.

Ngarag na ngarag na ako sa pagpapaka-banal. Buhat pa nung uhugin ako, yun na ata ang ibinigay sa aking hobby. Kaya naman nung medyo tumigas na ang buto ko, pinalaya ko na rin ang sarili ko.

Biruin mo ba naman mula pa elementary, lagi akong bumabagsak sa mga iskul na pinapatakbo ng kaparian. Sa maniwala ka’t sa hindi, noon, banal na banal ako, muntik muntikanan na nga akong ipa cannonize sa Vatican. Amen?

Sumusungaw pa lang ang araw, takbo na ko sa iskul kasi magsa-sakristan pa ako ke pader sa unang misa bago ako tumuloy sa klase ko. Araw-araw yun lagare. Tapos sa sabado naman, takbo ako ulit sa iskul para naman mag-praktis ng choir ng simbahan. Eto pinaka-matindi, pag linggo, pagkatapos naming mag-aleluyah sa misa, magkukulong naman kami sa isang kumbento at magdadasal ng abaginoongmarianapupunokananggrasya hanggang hapon para sa aming Legion of Mary.

Pag hindi pa ako natanggap sa langit nun, ewan ko na lang. Amen? Amen naman dyan!

Buti na lang nung kolehiyo, kakaiba. Enjoy ang Theo ko. Kakaiba din kasi ang teacher namin. Eto si Prof. Nuno, teacher namin sa Theology 5000. Seminarista ata si sir. Di mo sya mapag kakamalang basketbol player, iskorer pwede pa. Bansot na bansot kasi, siguro hanggang tuhod ko lang. O sya sige na, palag agad, di naman hanggang tuhod. Sempre kelangan me konting eksahirasyon para naman me wenta tong mga anik-anik ko dito.

Ayon pa nga sa kanya, meron daw siyang mga palaki at mga pinaa-aral na mga bagets. Pilantropo ang dating. Tawag ng mga seminarian “benefactor”. Tingin naming mga ekis, ninang.

Pamatay niya kapag nagle-lecture, nakahalukipkip yung dalawang kamay nya sa magkabilang kili-kili. Kahit pag nagsusulat sya sa blakbord, nakahalukipkip pa rin yung isa. At ang boses nya, teng, parang ke wengweng. Ang liit.

Masaya naman kami sa klase nya. Lagi mo pa nga siyang makikita na nakatawa lalo na kapag napapalingon sa amin. Nung una di namin alam. Lalo na at ang ngiti nya eh yung super tamis na mala-bukayo ang dating.

Dun sa iba, lalo na’t hindi natatawa sa jokes nya medyo asar ang bruhilda. Me kakilala nga akong taga-Letran galit na galit ke “sir”. Kase naman ibinagsak sya kasi mukha daw asar sa kanya. Sabi ko, eh seryoso ka kasi eh, sana nagpatawa ka.

Sa subject nya, kakaiba. Sa halip na sa likuran kami, andun kami sa bukana, sa harapan nya. Syempre, kami kasi ang bida. Kase, sa klase ni Prof, kelangan lagi nya kaming mapapansin, lalung-lalo na yung bunso namin na si Kitkat. Kase naman …ahahaaay!, mukhang type ni sir.

Kaya kahit puro kabulastugan lang ang gawin namin, panigurado, pasado. Aakbayan lang ni Kitkat yun, patay, laglag na ang panty (tol, sigurado hindi brief suot ni sir).

Kadalasan nga, hinihimas ni Kitkat sa tyan para lang makita namin ang reaksyon nya. Dyosko, parang nasa alapaap. At ang mga tingin nya, parang isang probinsiyanang dalagitang nagtatampisaw sa tabing-ilog at ngayon lang nakakita ng guwapong tega-Maynila.

Wala lang kaming ginawa kundi magkangkarot sa klase at gumawa ng kung anu-anong mga ka-kenkoyan. Kahit yung ibang mga kaklase namin, nakokornihan na at medyo naaasar, si prof naman parating enjoy. Bawat kindat ni Kitkat, nasa ika-pitong langit. Bawat patawa namin, dagdag na grade sa kanya. Kaya si Kitkat, panay ang gatong namin na kausapin si sir. Sempre, sya ang padrino namin ke sir. Fafa!

Kaya kami, sus naman, brad. Kahit iskul bukol, oks lang. Kahit indyanin namin ang klase nya araw-araw, sigurado pasado. Pasalamat nga sila di namin inambisyong maging highest. Kaya namin yun, kaso garapal naman na. Sobrang kapalmuks na dating namin nun.

Saka baka me mag-isip pa na me “iniregalo” kami ke sir. Mahirap na.

Get Adobe Flash playerPlugin by wpburn.com wordpress themes