(Hango sa librong Alamat ng Tropang Ekis)
Ayan na si ma’ammmm! Dumarating na nga si Dr. Asarpikon, palinga linga, taas-noo na parang parating me stiff-neck, pero nagkakandirit pa rin kung maglakad.
Si ma’am, matalino din naman kahit papano sempre, psyche doktor, balingkinitan, maputi. O, wag mo nang pag-interesan, baka masuya ka lang. Kasi itong si ma’am kahit dalaga pa, nahuli lang ke Bb. Goldfish ng 50 years. Saka tumangkad lang ng ilang gabuhok ke Prof. Nuno.
Walang uubra diyan kundi si Arnold. Sinong Arnold? Sino pa eh di si Governator. Patay na patay yan dun. Lahat na ata ng pelikula ni Arnold napanood nya. Biruin mo yung niliit-liit nya na yun, type na type nya si Conan da Barbarian. Eh, kasinlaki lang sya nung masel nun sa kili-kili. Baka pag-inat nun, mapisa sya nang di sinasadya.
Madalas nga nyang nai-bibida si Arnold, yun bang parang magka-inuman lang sila nung nakaraang gabi. Para lang silang mag-trops kumbaga. At aminado sya na yung Last action Hero ang kanyang da best.
Akala namin man-hater si ma’am. Di naman pala. Me iba lang talagang type. Malamang nga sya ang tanghaling the last virgin ng Intramuros kakahintay ke Arnold.
Nung una si ma’am mukhang okey at mabait. Sa una lang pala. Mukha lang pala. Yun pala me pagka-terror na di mo malaman.
Kahit na halos ka-size lang nya yung patpat na hawak nya, yakang-yaka nyang durugin at pulbusin yun ala FPJ. At wag na wag kang mami-milosopo ha, baka di ka nya matantya at ma-pompyang ka nya ala Erap. At wag mong sasabihing mas malaki ka sa kanya, kayang-kaya ka nyang duru-duruin ala Mike Arroyo. Bhakh oooooooppppppp!

(ang piktyur ay kinupit ko lang ke Tonio na kinupit naman nya sa Inquirer.net)
At huwag na huwag mong kokontrahin si Freud, mapagdududahan ka nyang may penis-envy. (ma’am chauvinist lang po si Freud at ang penis-envy ay na-imagine lang nya sa sobrang kaka-tabako nya. At kung yun pong penis-envy ang center ng Freud Psychology, eto po me pangontra na ko dun, and Buraot Psychology kung saan base sa tatlong dekada kong hands-on na pagre-research, ang mga lalaki po ang me trait na “tits-envy” sa mga chikababes, sorry ma’am di kayo kasama dun sa mga subjects)
Minsan, nasermunan nya buong klase. Parang me malaking krimen kaming nagawa at kulang na lang e ipako kami lahat sa krus. Tindi nga tampo nya sa aming lahat, habang kami naman eh naka-kunot lang ang noo dahil di namin maintindihan ang ibig nyang sabihin. Yung iba, kamot lang sa ulo.
Yun pala, dahil ang topic for the day eh altruism ekek, hinihintay pala nya na me magsabi sa amin na altruism is good for everybody. Na kahit na hindi totoong me ganung bagay, mabuti pa rin ito sa pipol op da world lalu pa’t mga Katoliko kami lahat.
Pare-pareho ang reaksyon ng mga mukha namin. “eh tungak ka pala eh,” “yun lang ba?” “anak naman ng teteng oo,” “alangya,”"eh di ka naman nagtatanong eh,” “ano kaaaaamo,”.
E hindi naman Theo yung subject, Psychology. Talaga naman oo pag sinusuwerte ka oo, daig mo pa ang juma-jackpot at napukpok ng alagad ni kalantiao. Sa galit nya at sama ng loob, wala syang kinausap man lang kahit isa sa amin na para bang sobrang laki ng tampo nya sa amin na di ko malaman na ewan.
Walang makasagot ni isa sa amin at makapag-paliwanag, baka kasi ngayong akmang mag-aamok si ma’am eh maduro lang nya kami at maidikdik sa upuan namin. Bhakk oooooopppp!
Wam! Bam! Binalagbag pa nga nya yung pinto at naiwan kaming lahat na naka-tunganga, nagtitinginan lahat na para bang, “ano yun?” Para tuloy kaming apektado na apektado lahat at binagsakan ng langit at lupa.
Nung makalabas na sya ng pinto, at ilang segundo na ang lumipas…. “wala na si ma’am!”. Bye ma’am!
Yeheeeey! Tara na tol, nood tayo ng sine. Wak na, tambay na lang tayo megamall. O sino sasama dyan? Kameeeeeee!!!!! Ayos, field trip.


SikatchuPosts