Palatastas Take # 4

October 22nd, 2007 by BURAOT Categories: Palatastas 2 Responses

signSempre pa, palatastas na muna.

Busy pa po akong maglamyerda sa blag ng me blag. At sa pag-orbit ko na yun, di ko mapigilan ang sarili ko na umepal dun sa mga kumento nung iba.

Minsan nga, kala ko mauubusan na ko ng espasyo sa haba ng ma-epal kong comments.

Anyhoo, busina lang muna po dun sa mga naliligaw kong mga trops na nagtyayaga sa aking munting ka-epalan sa blag na ito. Sa mga susunod na araw eh malamang bubulabugin ko ulit ang lay-out dito. Baka kase me peborit kang link na hindi mo mahanap.

Kapag naispatan mong iba na naman ang hitsura ng Anak ni Kulapo, isipin mo na lang na tinopak na naman ako at kinarambola ko na naman ang lay-out.

Meron akong bagong anik-anik na survey ekek. Para malaman ko lang ang feedback sa mga bagay-bagay at mga buhay-buhay. Gaya ngayon inumpisahan ko na sa survey na ito kung ikaw ba ay:

1. Jologs, 2. Conyo, 3. Somewhere in between, o 4. Strike anywhere.

Kelangan ko lang kase ng extra feedback kung sino-sinuong ulupong ang mga nagbabasa nitong blag ko. At nang malaman ko rin tuloy kung me kawawaan ba itong pinag-gagagawa kong kabulastugan na ito, o bibili na lang ako ng notbuk dun sa kanto.

Wag kayong mag-alala. Hindi po Comelec ang nangangasiwa ng botohan.

  1. melai says:

    ako po ay isang dakilang jologs…mahirap maging in between o strike anywwhere kasi baka matawag akong social climber e. pero hmmnnn kung strike anywhere diba koboy?

    e koboy ako.. panu bayan?
    jologs na koboy? :)

    gandang pakinggan :)

  2. rhyannefranz says:

    jologs for life ako.

    rhyannefranz’s last blog post..Anak ng Kulapo

CommentLuv badge

Get Adobe Flash playerPlugin by wpburn.com wordpress themes