
Salamat po sa mga bago kong mga online trops na naligaw at naburaot din sa blog kong ito. As usual calling-calling muna ulit.
Dahil po lubos akong nalilibang sa pag-epal online, naisipan kong mag-reorg. Inunahan ko na si GMA na sipain ang aking mga midnight cabinet. Habang hinihintay ko pang ma-confirm ang ibang mga detalye, nai-set up ko na yung aking bagong… oo alam ko na alam mo na. Eh yung iba hindi pa.. ang aking bagong blog.
At oo din, alam kong alam mo na alam ko na alam mo na kung anong nalalaman ko. Eh malay ko bang alam mo na pala na alam kong alam mo na ang alam ko. Eh yung di pa alam, kelangan ipaalam ko din sa kanila ang nalalaman ko para naman malaman din nila ang alam ko na alam kong alam mo na din. Maliwanag?
Pinangatawanan ko na ang titulo, the Antisocial. Nakakatuwa kasi kahit wala pang mga laman, marami nang bumibisita. Siguro, nagmamasid lang at medyo curious kung anung ipaglalalagay ko dun. Siguro nag-iisip, “ano na naman kaya itong pakulo na to ni Buraot,” “ di na nagsawa, hay naku, wala talagang magawa sa buhay, “ at “walaaaaang kadala-dala!”. Sa araw ng mga kaluluwa, pormal ko itong bubuksan, para naman meaningful di ba.
Dun sa isang walang kawenta-wentang blog ko na Literary Ekek, dun ko na lang ilalagay ang aking mga feature stories at mga akdang ala Huseng Batute at mga karanasan ko dito sa kabilang dulo ng mundo. Don’t wori, dahil malakas ang raket nitong Anak ni Kulapo, itutuloy ko lang ang naumpisahan ko na ditong kabulastugan. Yeey! Basta magreklamo ka lang parati.
Dun sa ilang mga nakakakilala sa akin, sigurado maiintindihan ito kapag nakapag-post na ako. Dun sa mga hindi pa, ito po ay isa lamang sa king napakaraming personalidad. At eto po ang medyo madilim at maligalig.
Kaya naman sinunog ko din ang background. Kaya kung nasanay kang kenkoy kolokoy ako dito sa Kulapo, baka madis-ilusyon ka pag napasyal ka dun. Kung gusto mo, maghanda ka na ng abogado, baka mai-demanda mo pa ko. Dito, ilalabas ko na lahat ng powers ko!
Ding, ang bato? Darna!!!!!!!!!! Akkkkkk! Tangna ka, sabi ko bato!


Good luck.