We Are the Champion!

October 23rd, 2007 by BURAOT Categories: Iskul Bukol, Samahang Butong Pakwan 3 Responses

(hango sa librong “Alamat ng Tropang X)

“Champion ka talaga tol!”

Parang napapansin ko, niloloko na ata ako ng mga kupal na to. Kanina pa panay ang champion. Nung una, kala ko totoong elib na elib sila sa kin, kung bakit, hindi ko alam.

Basta dedma lang ako, baka kasi mga lasing na lang talaga, ako napapag-tripan…

Buhat pa sa iskul, hanggang sa dyip, at hanggang ngayon nga at lumalaklak na kami ng San Mig Lite dito kina Grazie sa Blumentritt at naglilibang mag-pictionary, champion pa rin ng champion ang mga ungas. Lalo na tong si Jordan, seryoso pa kung bumanat, aakbay pa sa kin saka, “hinde tol, champion ka talaga,” sabay ngingiti ng ngising aso.

Kaya kahit nababanas na ko, isip-isip ko pa rin kung bakit. At tuwing magkukunot ang noo ko, maghahagalpakan na sila lahat. Alangya, asar-talo ako ngayong gabi na to, ah. Di bale, makakabawi din ako next time.

Sigurado me kabalbalang ginawa ang mga to sa kin na hindi ko nalalaman. Kahit na anong pag-a-agam-agam ang gawin ko, di ko talaga maisip kung ano. Tinitingnan ko nga sa salamin yung likod ko, baka mamya me naka-dikit na salitang Champion! Ala naman. Kinukulit ko nga sila kung bakit. Wala ako mapiga, matitibay, walang tumutuga. “Basta, champion ka talaga, malalaman mo bukas!” Halos mamatay-matay naman ako sa kakaisip. Di bale, malalaman ko din yun.

Pag-uwi ko kasi sa bahay namin, nung buksan ko yung knapsack ko, anakanang teteng! Me lamang mga trophy. Tinalo ko pa si Jaworski sa dami ng trophy. Nampucha, kaya pala ambigat ng bag ko! Nagulat pa nga ako kasi trophy yun na naka-display dun sa library. Langya, mayayari ako nito sa iskul, mapapagkamalan na dinugas ko ang mga to.

Kasi naman, meron akong extra na susi dun sa library namin, kung papanong nagkaron ako, secreeet!, wag mo na itanong, dati ko kasing part time yung mag-akyat bahay. Kaya kahit gabi na at sarado na yun, sumasalisi kami para mag-research. Hehehhe. At nung gabing yun nga, pumasok kami ni Jordan dun. Yun pala ang ungas dinekwat yung mga trophy at inilagay sa bag ko.

Anak ka ng champion! Akala ko ninja na ako, nasalisihan pa rin ako.

Kinabukasan, nung magkita-kita kami sa iskul, “Champion!” sigaw agad nila sa akin. Natawa na lang ako sabay sigaw, “mga ulol!”. Tawanan na kami lahat. Alangya! Niyari ako. At yung mga trophy? Andun, naka-display sa bahay namin sa Dimasalang. Para me souvenir ako sa pagiging champion ko nung gabing yun. Balak ko nga ibigay na lang ke Dudut.

Champion!!!! Championin mong mukha mo!

  1. INKBLOTS says:

    Mababaliw ako sa yo! bwahahaha!

  2. [...] manalo. Pag nanalo ako magpapagupit ako tapos bibili ako ng peyborit kong tsibog.  Kaya sana mag champion ako kung hindi naman kahit special mention [...]

  3. [...] Eto pa ang isa, isang Trophy Award mula pa rin kay Pinkoy. Uy trophy! Dagdag sa mga trophy na nasa ulo ko at mga trophy na isinalpak ni Jordan sa bag ko sa pagiging Champion. [...]

CommentLuv badge

Get Adobe Flash playerPlugin by wpburn.com wordpress themes