Hoy, Mr. Bungol!

October 26th, 2007 by BURAOT Categories: Iskul Bukol, Samahang Butong Pakwan One Response
(hango sa librong “Alamat ng Tropang X”)

Me propesor yung ibang kaklse namin dun sa ibang subject. Di namin sya titser kasi, di naman namin kelangan yung subject nya para grumadweyt, di kasali sa kurikulum namin.

Kaya lang masyado sya sumikat sa mga kwentuhan naming mga ekis, kaya, natural kasali rin sya sa wento.

Tawagin na lang natin syang si Mr. Bungol. Kaya yun ang naisip kong itawag sa kanya kasi sa sobrang baba ng boses nya, walang binatbat si Diomedes Maturan. Kung di mo nakikilala si Diomedes, itanong mo muna sa lolo mo kung sino yun. Kase natural, panahon pa ni kopongkopong kumakanta na yun.

Bukod sa sobrang baba ng boses ni Mr. Bungol, kung magsalita yun, parang parating bumubulong at laging sa ilong lumalabas. Para atang kahit di nya ibuka yung bibig nya, makakapagsalita pa rin sya, dun nya pinapadaan sa butas ng ilong nya, ganun. Oo, ganun. Madalas pa nga syang nabubulol at nango-ngongo na di mo malaman.Tingin nga namin malamang totoong ngongo si sir, magaling lang magtago.

Ngalaga! Oo, ara alaang ngongo! Subukan mong pagsalitain ng “Pag tumayo ang testigo, kay susan tayo!”, kung hindi malaswaan ka rin.

Heto ang isa pang propesor na isang pa ring walang kamatayang nilalang na nagturo dun sa kanto ng Intra. Di ko matandaan kung anong subject nya, kung English ba o Humanities, pero ang sigurado ko sikat yun nung panahon namin. Parati syang topic sa canteen, sa mga tambayan, sa mga bilyaran, at sa mga kainang point-point sa Intramuros.

Minsan, nagpagawa yun ng project dun sa isang estudyante nya na Dean’s lister. Pina-compose nya ng isang makabagbag-damdaming sulat ke ponsyo pilato na kunwari ang me akda ng sulat eh naholdap at nawala lahat ng mga ID, credit cards, at kung anu-ano pang importanteng papeles na kelangan mong ipa-blotter para me pulis report ka at katunayang nawala nga. E di gawa naman si estudyante ng sulat. Sempre highly-polluting yung ingles kaya pihado mai-impress sempre yung babasa.

Kinamukat-mukat mo, nabuking ng lahat, yun palang “project” na pinagawa ke Dean’s lister, eh para pala ke sir. Kasi naholdap si sir at nawala yung mga papeles nya.

Si sir namaaan, di pala marunong mag-compose ng Englesh letter namaaaan. Simple English, cannot do! All he need is to add one letter then borrow two. And to think he’s the professor of the school teaching subject English matter? How poor naman his English! How naman can he teach us his teaching if he cannot English spokening, you know? Kaya hayun, sikat na sikat sya.

Minsan, sa klase, napikon si sir, kasi mukhang sya ang pinagkwe-kwentuhan ng mga estudyante. Tinawag nya yung tatlong nag-dadaldalan. Pinagtutu-turo nya at sinabing, “You, you and you! Both of you! Get out!” Sabi ng tatlo, ano daw? “Both of us three?” Tawanan ang buong klase.

Sempre mas lalo pang sumikat si sir. Galing kasi naman talaga. Bungol.

  1. geri a.k.a. raredog says:

    Ang galing ng blag mo pare! Kahanga-hanga! Isa kang alamat! hehehe

Get Adobe Flash playerPlugin by wpburn.com wordpress themes