Mga Amasona ng Intramuros

October 29th, 2007 by BURAOT Categories: Alamat ng Kopong Kopong, Samahang Butong Pakwan 4 Responses

Eto na. Inaabangan na to nung ibang mga buraots dyan sa gilid-gilid.

Ipakikilala ko na po ang mga ma-alamat na mga bebots na nagpabago ng pananaw ko sa buhay. Mula sa isang pagiging strike anywhere, anyhow, anytime at anyone (ooops), sinulsi nila ang aking naghihingalong walang kawenta-wentang buhay na walang katuturan at pinilit na maging isang mabuting mamamayan. Naks.

Sila ang mga mala-impaktong mga amasona ng Intramuros.

Naispatan namin silang tatlo duon sa Batibot na nasa harapan lang ng opisina ng National Press Club. Masarap kasing mag-yosi don dahil malilim at para kang nasa isang maliit na park. Kaya Batibot tawag dun, kasi kamukha yun sempre nung nasa Batibot.

Andyan si Bekbek na sanpits pala ni Jordan. Ganda babae. Seksi. Kaso astang lalake. “ano ha? bakit papalag ka, ha?Baka gusto mo konyatan kita?”. Ganun ang dating. Sa ginanda ganda ng mukha nyang mala-sutla at mamink-mink na balat na parang ibinabad sa astringen, astig na astig ang dating. Yun bang magkamali ka ng sasabihin, umbag ang abot mo. Kahit lalaki ka, di ka uubra sa kanya sa suntukan teng. Naku, wag mo na subukan, me nakita na kong lalaki na nabugbog nun. Kahit mga batikang mga fratman, di umubra dun, kaw pah!

Si Ivy, isang dalagang Pilipina na tipikal na kayumanggi ang balat. Maliit din lang kaya di mo mapapagkamalang amasona pala. Cute na cute ang dating. Sweetums kumbaga. Wag mong gagalitin kasi magmimistula syang Pokemon na cutie na magiging higanteng dragon. Wag mo pagsasalitain, malulula ka sa kanyang malalim at matanlinhagang mga banat. Madalas nga di ko na alam pinagsasasabi nya, pero dahil masarap pakinggan at malalalim na parang hinuhugot sa karimlan ng mahiwagang balon, para akong hini-hypnotize. Haaaaay!

Eto pa ang isa, si Shohan, sya ang laging kakabit nung dalawa. Amasona din sya pero sya ang tipong tahimik lang at ngingiti-ngiti. Payosi-yosi lang. Kumbaga dun sa Dating Daan ni Brod Pete, sya yung brader na di nagsasalita. Amen! At dun naman sa bagong version sa Bubble Gang, sya si Michael V na ang dating kapag tinanong mo eh,”Wala!” at pag pinilit mo pa, “Wala, wala, wala, wala, wala, wala!”.

Tinawag din namin syang “Ang Bababaeng Nawawala sa Sarili”. Kasi tuwing makikita namin sya, parang laging nakalutang sa alapaap ang kanyang brain. Parang parating me amnesia. “Ha? Ano kaaaaaaamo?”‘ Nasan na nga ba ko?”

Sila ang nagbigay daan para makilala ko pa ang isang mas matinding nilalang na magiging karelas ko ng mahabang panahon, si Karina.

Sila din ang umero unong mga kolehiyala na mga amasona na kina-inlaban ko sa kolehiyo. Pero kahit inlab na inlab ako sa kanila dahil sa kanilang mga mala-impaktong style, di ko naman naisip na talunin sila, tropa yun brad.

Oo naman, me pinapalampas din naman ako, anong palagay mo sa kin? Bwakaw sa chicks?

  1. Anonymous says:

    langya k buraot ntawa aq s mga amasona mo ha! hayup k tlga magbgay ng description pmatay swak na swak! bwahahaha

  2. paperdoll says:

    mahilig ka pala sa amazona. . dito sa cavite marami din. . mga mukhang libag nga lang. .

    paperdoll’s last blog post..WILLIE OF FORTUNE

  3. BURAOT says:

    heheh.yoko naman nung mukhang libag. yung me kabag pwede pa.

  4. [...] ang laway nila. Kahit pa takaw bugbog ako, di ako sumali. Maliban na lang sa mga nakilala kong mga amasona na pilit na nagmulat ng mata ko sa kung anu-anong [...]

Get Adobe Flash playerPlugin by wpburn.com wordpress themes