» 2007 » November
Bwena Mano
MGA WAGI!
Narito ang mga nanalo at mag papartehan sa $550.00 na premyo sa Sikatchupoy si BURAOT Contest!
Para sa listahan ng mga nanalo ng milyun milyung singkong kulot... Klik mo mukha mo dito!
Where Da Hell is BURAOT?
COMING SOON!
TagNgYan Talaga Oo!
Dear Ate Charo:
Salimpusa

Archive for November, 2007

Paks Yu Na!

Wednesday, November 28th, 2007
Alam ko kinakabahan na yung iba dyan…. hehehe. Baka nga naman i-tag ko nitong pagka haba-haba na meme na ito. Pero pagkakataon ko na itong bumawi! At kelangan ko na ding tapusin ito dahil, habang kinakarir ko ito, ay patuloy namang dumadating ang iba pang tag. Baka abutin pa ko ng Pasko bago ko matapos. Iniisip ko nga, gumawa na lang ng blog na puro meme lang at tag. Sigurado dami kong link nun agad.

Kaya heto na madlang pipol ang huling yugto ng paks me na to. Kaya, after this paks yu na!
Sa hinaba-haba man daw ng tag, sa ending din ang tuloy. At kapag daw tumatakbo ka ng matulin, kung matinik ay malalim. Ewan ko kung ano koneksyon nung dalawang salawikain nayun. Naisip ko lang.

30 Paks Me Na Naman:

21. Ako ay Tirador ng Kaning Lamig. Di ko type ang bagong luto, mas gusto ko yung kaning-lamig. Bahaw tawag namin dun sa Timbuktu. At ayoko din ng medyo matubig. Mas enjoy ako kainin yung ilalim, yung tutong. Request ko lagi sa nanay ko, pag magsasaing sya, sunugin nya para maraming tutong.

22. Naks, collector. Kulektor ako ng mga kung anu-ano hindi ng kuryente. Kapag naka-hiligan ko, kinokolekta ko. Pag me nagustuhan akong author ng libro, lahat ng libro nya kinokolekta ko. Noon, nakahiligan ko magka-gelpren, ayun nangongolekta ako. (waw hampogi) Pati lumang tao kinikolekta ko.

23. Simple Pero Rock. Kahit medyo gurang na ko, naghe-headbang pa rin ako pag type ko tugtog. Madalas suot ko pa rin ang aking Doc Marten at maong. Rock on!

24. Presko ako. At kapag naka-maong naman ako, mas type ko pa rin syang suotin ng walang panloob. Feeling ko pa rin presko kahit medyo naiipit yagbols ko.

25. Insurance risk. Inaayawan na ako ng mga auto insurance. Bukod kasi sa hindi ko sila binabayaran, tadtad na ako ng tikets sa mga kung anu-anong violation. Di na rin uubra ang traffic schools.

26. Problema ko pa rin kapag nalalasing, ako ay nagba-blackout. Nai-wento ko na ito dun sa nakaraan kong post na Blackout Pare! Kaya di na ako gaanong umiinom. Gatas na lang.

27. Ako ay isang dakilang tae! Masyado mabilis ang aking metabolism kaya pagkakain ko, ilang minuto lang kelangan ko nang bumoto. (men’s room) Ganun talaga ang healthy. (ekek)

28. Ako’y adik. Dumaan na ang kung anu-anong mga video games pero hilig ko pa rin ang Red Alert. Kahit paulit-ulit ang scenario at kahit lumpo na si Tanya pinapasugod ko pa rin. Yes Commander!

29. Pangarap ko pa rin ang bumili at mag-drive ng sarili kong eroplano. Pag tumama ako sa lotto siguro. Kaya lang kung lisensya ko lang sa pagda-drive ng auto, delikado na, lisensya pa kaya ng piloto? Problema ko pa kung saan ko siya ipa-park.

30. Hindi ako mahilig magpatawa. Kung ikaw ay natawa sa mga iba kong post dito sa Anak ni Kulapo, ito ay hindi ko sinasadya. I am sorry. Nagwewento lang ako dito ng aking mga buhay-buhay noon at ngayon and beyond. Mahiyain nga kasi ako kaya ayoko ng limelight, ayokong nagbibigay ng jokes, kasi baka pagtawanan lang ako.

PAHABOL: ANG LAHAT NG ITO AY GAWA-GAWA KO LANG! WAHAHAHAH! JOKE!

Eto na… Pinis na tong paks me na to. Sino kaya ita-tag ko susunod. Hmnnnnn… hmnnn pa ulit… Paks Yu! Wak na wawa ka naman. Sa ibang araw na lang.

Palatastas Take#8 Kumersyal Muna

Tuesday, November 27th, 2007
Oo, alam ko… naiinip ka na sa kasunod ng meme at sa sagot dun sa nakaraan kong eksperimento. Pero kotseng kuba, wag mo muna susunugin bahay ko ha? Eto naman eh maikling kumersyal lang muna hane? Habang mainit-init pa at medyo malakas pa ang raket nitong si Kulapo.

Sa mga nagkukusa, ehem.. ala ay hindi po ako tumatanggap ng donasyon. Hindi pa. Wahahahaha! Ang raket pong ito ay papunta lahat sa charity. Buti pa si Charity, mayaman na. Ang charity ko po ay ang aking iba pang blog na pinag-aaksayahan ng oras. Balak ko kasi every two months, isang blog. (joke lang, ano palagay mo sa kin, si Curacha, walang pahinga?)

Ang blog na The Antisocial ay matagal na pong bukas, noon pang undas. At ang isa pa, ang Ibangon ang Bayan na kasalukuyang binubuo pa (nag-aaral pa ng wordpress) ng aking technical team (ako) at malapit nang mag-ribbon cutting. Harinawa bago mag-Disyembre eh mabuksan na.

Pero kung akala mo me patawa dun, sori ka, pang-asar meron. Nasanay ka naman masyado.

Sa mga nag-link po dito ke Kulapo, tenkyu. Busina lang kayo para naman mai-return of the comeback yung favor. Sa mga links na nawawala sa aking jootsroll, pakikalabit lang po ako.

“Honey…..ahiiiihihihi”
“Ano yun? Kitang busy ako sa blogging eh…hmmpt!”
“Honey….. wala na ko panty……ahihihihi”
“Siya, siya… tigil! Bukas bibili!”

Meme ng Meme

Sunday, November 25th, 2007
Yahuuuuu! Pangalawang installment na, isang tagna me na lang, tagna mo naman. Yari ang itatag ko nito… hehehhe.. can’t wait.

O sya sya, tama na daldal. Heto na po and ikalawang yugto….

30 Paks Me Tu:

11. Mahilig ako sa dila, at mahilig din akong gamitin ang dila ko. Ayan ka na naman…. lenggua. Yun ang paborito ko, at mahilig din akong mag-aral ng ibang mga salita. Sempre two in one, dila as in tongue.

12. Pag ako’y nalulungkot, daliri lang ang ginagamit ko, gagaan na pakiramdam ko. Andyan lang naman sa tabi ko ang gitara, laging naka-abang na kalabitin ko. Tempalok!Tempalok!

13. Kahit di ako marunong kumanta, mahilig akong gumawa ng kanta, kahit na alang wenta. Likas kasi akong te-maarts, kaya yung mga tula ko na ala Huseng Batute, ginagawan ko ng tono. Basta me tono.

14. Mahilig ako sa KFC.(uy ads, me raket na naman) Minsan nga, mamamatay na ko, KFC pa rin hinahanap ko. Pinger lickin guudddd!

15. Maraming beses na rin akong dapat namatay. (morbid naman nito) Kaso likas na masamang damo, di makayanan ni Kamatayan ang powers ko. Sa sobrang kapal na ng mga hasang ko, di na umubra yung mapurol nyang karit. Kaya nga madalas feeling ko super hero din ako. Naks naman.(talaga lang ha?)

16. Tol, atin atin lang to, wag mo pagsasabi……ako talaga si Batman. Kasi noong kapanahunan namin ni pareng Kopong Kopong, di pa uso internet at cellphone, pager pa lang saka CB radio. Kaya handle ko na Batman. Bukod pa dun, napukpok na rin kasi ako ng baseball bat sa ulo. (Oo! Takaw bugbog talaga ako!) Saka paborito ko rin si Batman, kasi sya lang ang superhero na walang superpowers, o di ba? Kaya lang katulad nina Superman, aanga-anga pa rin, kasi kung magdamit, parating naka-labas yung brief.

17. Pero ako pala si Pepeng Kuryente (lokal).Akala ko nga nung una, meron na akong superpowers. Kasi kapag gabi at malamig, tuwing hahawak ako sa bakal, nag-i-spark. Oo tutut! Lalo na kapag winter. Kasi naman natural sa atin ang me static electricity sa katawan, nagkataon lang na mas malakas ang akin. Minsan nga pag ala ako magawa, papatayin ko ilaw sa kwarto, huhubarin ko sweater ko sabay ipapagpag ko, ayos na. Libre show ng watusi. Sparks sparks! Me sound epek pa.. duuuutttt! duuuuutttt!

Kaya pag me type akong tsiks, alang kawala. Lalapitan ko lang sabay…. duuutttt! duuutttt! Sigurado mapi-feel nila me nag-spark! Wahahahahahah!

18. Kahit uso na ang kalbo, di pa rin ako makapag-pakalbo. Yoko nga, di naman ako nagpapatawa ah. Okey sana kasi di mahahalatang napapanot na ko. Kaso bukod sa hugis itlog ang ulo ko, tadtad pa ng award. Puro tahi. Kasi nga di ba, takaw bugbog nga ako?

19. Ako ay gifted. Dalawa lang daw ang kinalalabasan ng isang menopause baby na katulad ko. Either isang genius o abno. Buti na lang ako ay half-half. Kaya naman noon sinubukan ko ding magka-dyowa din ng mga half-half. Half-German, half sheperd. Half-Persian, half cat. Eto matindi half-Filipino, half-Filipina.

20. Meron din akong mind power. Mind over matter kumbaga. Pag nilalamig ako, iisipin ko nasa disyerto ako, gumagawa ng sand castles. Pag mainit naman, iniisip ko nasa Antartica ako, nagha-halo-halo. Tulad ngayon, nalulungkot ako, kaya iisipin ko masaya ako.. wahahahahah! At pag sobrang saya ko naman iniisip ko malungkot ako… ahuhuhuhuu! Kaya naman pag me napag-interesan akong gawin, ginagamit ko lang ang aking mind power at konting praktis hokey na.

Napanood ko noon sa TV si Chiquito, pinapagalaw nya butas ng ilong nya, isang araw lang kaya ko na. Me naispatan ako sa Mad Comics, pinapagalaw nya tenga nya, limang araw lang oks na. Napanood ko si Zaldy Shornak pinapagalaw nya noo at bumbunan nya, isang linggo inabot ko bago ko natutunan. Me nakita akong sumisipol ng pabaligtad, sa halip na pabuga yung hangin, pahigop. Whoooopt! Whooooopt! Natutunan ko din naman, pagkatapos kong makalunok ng mga limang lamok.

O sya sya, malapit nang matapos ang tagna me na to, maya maya pa tagnamo naman! Isang paks me na lang paks yu na! Yahuuuuuuu!!!

Meme na Bunso…

Thursday, November 22nd, 2007
Naalala ko nung Grade 3 ako, uso na ang slumbuk. What’s your favorite color? ROYGBIV. What is your motto? AJINOMOTO. Who’s your crush?Secreettttt … Kahit nun pa, tuwang tuwa na akong mambalatuba ng slumbuk ng me slumbuk. Sabi nung kaklase ko, sinasayang ko lang daw yung mga page.

Gusto ko pa rin sanang itago ang mga bagay na personal sa kin dito sa pagba-blag ko, para Mr. Yoso dating. Kaso, ang likas daw na maantut, ispreyan mo man ng pabango, aamoy at aamoy pa rin. Uso na rin ang “cyber slumbook” at inabot din ako, kaya ako taya walang kawala.

At dahil medyo madugo ang tag na ito, tinapyas tapyas ko sa tig-sasampu. Heto ang unang kabanata.

30 Personal Paks Me :

1. Isa akong Milk Drinker. Kahit nirarayuma na ko, paborito ko pa ring uminom ng gatas ng ina (ng baka) fresh cow’s milk! sempre ina yun, kasi yung ama, toro yun, walang gatas.

2. Isa akong strike anywhere, everywhere. Mahilig akong mangabayo. (anobayan, parang medyo green ang nagiging dating lagi) as in kabayong ala Leon Guerero, shortcut: koboy. Kahit san mo ko dalhin, kaya kong dalhin sarili ko wag lang yung paa ko.

Pinanganak ako sa Mindoro (Timbuktu), Erpat ko ay tubong Isla Verde (ala eh), lumaki ako at nag-aral sa Maynila (puro pang-kaparian) kung kaya nagkaron ako ng “breeding”. Bata pa ako, pagala-gala na ako sa mga peryahan (hindi bilang clown) kasi operator erpats ko ng mga pasugalan. Kaya kung saan-saan sa Pinas ako nakakarating at kaya dehins mo ko maiisahan, lang-magu toits, lahat ng kadayaan alam ko. Bago ako napadpad dito sa Merika, tumira ako sa Gapo, Bataan at Zambales. (ayan ha dami nyan fersonal paks)

3. Gulp Buddy. Bata pa ko, mahilig na ko sa golf (gulp, as in ang bata kong manginginom) pero ngayon, di na, pagatas-gatas na lang.

4. Bunsokononoy ako sa sampung magkakapatid. Namatayan pa ermats ko ng dalawa nun. Likas kasing farmer erpats ko, masipag mag-araro.

5. Yosigawane? Bata pa ko nag-umpisa magyosi, kasi dahil ako bunso, ako lagi inuutusan ng mga kuya ko bumili. “O eto 2 piso, bumili kang limang malboro, sindihan mo na ha!” Kaya nag-umpisa ako sa Marlboro, nagpalit sa Phillip with matching stork (brr!lamig!), More (yung blue seal na brown na manipis para sosi), hanggang madiscover ko yung Marlboro Military kung tawagin, blue seal na Marlboro Green. Ngayon, tabako na yosi ko, para Hemingway ang dating, pwe! (Black & Mild Cigar), sarap lasa tsokoleyt!

6. Been There Done That! Sawa na ko sa buhay. Di ko ibig sabihin na magsu-suicide na ko. Wat ay min tu sey is, been there done that! Masyado makulay buhay ko (oo mas makulay pa ke Wahab Akbar) walang sinabi ang rainbow.

7. Virginal. Maaga akong nabinyagan, kung kaya maaga din akong nag-feeling mature. (proof: rayuma at HIV as in Hair Is Vanishing)

8. Laglag Panti Gang Member. Dati nagongolekta ako ng panty ng mga gerlpren ko. Mas type ko kasi sya isuot di masikip. Ngayon hindi na, bumibili na lang ako ng boxers.

9. Mahaba talaga ang aking….. pasensya. tahimik lang talaga ako, patingin-tingin lang. Kelangan makuha ka sa tingin, wag mong hintaying magalit ako….IIYAK AKO DITO… *hikbi*

10. Tigas-saing. Ang akala ng mga kaibigan ko, matapang ako, di nila alam mas takot pa ako sa kanila. Puro kasi astig mga kuya ko, kaya no choice kundi mag astig-astigan din. Me maganda akong wento dito ipo-post ko na lang next years. Astiggggg!

Minsan, nakatambay ako, me nagwawala. Walang maka-awat. Takbuhan sila sa likod ko. Ang alam ng marami, ako lang pede makapag-paalis kasi nga “matapang” daw ako. Lapit yung nag-aamok, “Sino matapang dito, mga hinayupak kayo!” napatapat sa kin, “Ano ikaw papalag ka?” sigaw nya sa kin.

Tumayo ako, sabay sigaw ng mas malakas, “O bakit ano ha? Gusto mo away? Ha? Matigas na buto mo ha? Naghahanap ka talaga ng away ha? O sige, kanya-kanya tayo.. maghahanap din ako, dun ka.. dito ko.. anakanang…”

Alis naman si tanga! Hay naku. Olags!

Pag natapos itong paks me na to, paks you naman, ha?

The Fast and the Spurious!

Monday, November 19th, 2007
Matapos kong hanapin at makita yung mga pangalang panahon pa ni kopong kopong (pwera ke Kopong Kopong mismo, wanted pa rin hanggang ngayon) iba naman ang napagbalingan ko ng sama ng loob. Hindi ko kasi lubos na maisip yung ibang mga eklat nating pinoy na natural na nagmula pa sa mga ninuno natin at panahon pa ni (plugging muna ulit sempre) Kopong Kopong. Ginawa ko na atang misyon sa buhay ang maghanap ng mga nawawala.

Ikaw ba inabot ka na ba ng siyam siyam? Madalas ko kasing marinig ito sa mga papagong pagong na mga nilalang. “Walastik! Inabot ka na ng siyam-siyam!” Ano ba talaga ibig sabihin nun? Malay ko, kaya ko nga pinost ko dito eh, baka kasi buhay pa yung lolo ng lolo ng lolo mo, maitanong natin.

Pero ang dating talaga sa akin nun e parang sobrang bilis pa rin ni siyam-siyam kahit na anong gawin natin. Kasi di mo naman pwedeng sabihin na mabagal ang siyam siyam kasi nga inabutan ka di ba? E di op kors, mabilis.

Pero nung humarap ako sa mahiwagang salamin… akalain mo, tinanong ako. Mas mabilis ba ang siyam siyam sa alas kwatro? Kung si Lydia deVega at Elma Muros ay mabilis pa sa alas kwatro, abutin naman kaya sila ng syam syam?

Nak ng teteng, mukhang paduguan na naman ang ilong to.

Kinailangan kong magsagawa ng mala-impaktong eksperiment. Para scientific. Feeling ko mythbuster kaya kumuha ako ng dalawang big-time wall clock at ipinako ko sa pader nitong apartment namin. Magkasabay ang oras, sabay ko itong binuksan, synchronized para parehas. Itinutok ko sa kanila yung webcam ko para recorded at walang siguradong mandadaya. Magkaka-alaman na dito kung sino ba talaga ang maituturing na Pilipins fastest.

Inabot kana ba ng siyam siyam… o Mabilis ka pa sa alas kwatro?
Nakipusta pa nga sa akin yung rumeyt ko, kung alin sa alas kwatro at syam syam ang mauuna. Ha! Ang ungas, para syang nagtampo sa bigas! Maki-pusta ba naman. E di pinatulan ko, sayang pang-yosi din. O, eh di natauhan sya, tatanga-tanga kasi.Potopinis.

O bakit? Uyyyy…… interesado…. nag-aabang ng sagot! Bakit inabot ka na rin ba ng syam-syam? O katulad ni speedy gonzales aldale andale, mabilis ka pa rin sa alas kwatro?

At ang resulta ng eksperimento ko? Sa susunod na post sasabihin ko. Kung ayaw mo at kating-kati na paa mo, mag-eksperimento ka ding mag-isa mo.

More!!! More!!! More!!!

Monday, November 19th, 2007


(Mula sa dossier ng “Mga Gagong Inosente”)

Palibhasa puro kami matatakaw sa gimik at alak, kung saan-saan kami napapadpad.

Tuwing biyernes, Shakeys and ruta namin, me banda kasi dun kaya patok. Pag sawa na sa banda, iisa-isahin namin yung mga inuman dun sa Timog at East Ave. O kaya sa Mug n’ Chef sa Recto, bago pa yun noon kaya masarap pang tambayan, madalas manghahanting lang kami ng tsiks. Minsan nga me na-meet kaming grupo ng tsikababes, pagkatapos naming isara yung bar, diretso kami lahat sa Baguio. Sarapsadudels!

Minsan, naikwento sa amin ni Pangpang yung isang inuman sa Monumento sa me itaas ng Ever. Drink all you can na beer, P150 lang per head, with matching tanpuluts pa, isang platitong mani. (parang andami eh no?) Ok na rin naman kase me live band din. Pag alang atik, pwede na. Kaso mo ang ambiance, sagwa. Parang foodcourt sa SM ang dating, maliwanag na maliwanag parang me spotlight.

Me umepal na isang banda, mukhang bagito pa, sama ng timpla, tunog lata. Alang wenta. Palibhasa puro kami asar, sumigaw na si Pareng Roger.

I-tape nyo!! I-tape nyo!!! Wooooo!!! (Pumapalakpak pa!)

Tinginan naman sempre yung ibang tomador sa ibang mga table. Nagtataka ata kung bakit napa-bilib si Roger dun sa boses nung bokals na bokalis eh boses itik naman.

I-tape nyo!! I-tape nyo!!!……… I-tape nyo yung bibig!

Yun pala naman… Hagalpakan kami lahat habang palakpakan ang iba pang mga lasing. Hitsura ng riot sa Munti. Tuwang-tuwa sa banat ng trops namin. “Woooo…woooooo!” Mabenta!

Mukhang nabuhayan ng dugo, bumanat pa si Rio.

More!! More!! More!! More!!

Habang mukhang nababanas na yung banda, sempre naka-abang naman yung madlang pipol sa punch line, walang humihinga……

More!! More!! More!! More!!….. More practice!

“Wahahahah!” Wagi! Sa tuwa ata nung ibang mga table, pinadalhan kami ng ilang pitsel na draft beer at ilang platitong mani! Tuwang-tuwa ang bahay alak namin. Kaso mo, ansama ng tingin sa amin nung bouncer at nung bandang asar-talo.

Natapos ang inuman, nauwi kaming naghuhugas pa rin ng beer sa isang karaoke bar malapit lang sa me Retiro. Kung natawa ka sa balitang nagbarilan dahil sa kantang My Way, luma na sa amin yun. Kasi nung gabing yun, kapapasok pa lang namin dun sa karaoke bar, at nagre-relaks, me kumanta ng My Way. Yung kabilang table, naasar ata kasi katatapos lang nya yun kantahin, eh pangit yung bersyon, nagka-tinginan nang masama, ayun, nagsaksakan.

Sabi namin kina Rio at Roger, “Ano? Ngayon kayo mang-asar! Ngayon kayo mag-”more more” at “i-tape nyo i-tape nyo” ng masaksak din kayo!”

“I-tape ko na lang bibig ko,” sabi ni Roger. At sagot ni Rio, “more patience..apir!”

Anokamo? (Ano Daw Pangalan Mo)

Saturday, November 17th, 2007
Nabasa ko ang isang entry ni repapits Kotseng Kuba online na may makabagbag-damdaming pamagat na Tell Me Your Name. Kwela.

Kasi naman pinagchichizmisan dito yung mga pangalan ng mga tao na patawa at pang-asar din na mabuti na lang hindi nila isinusumpa ang kanilang mga magulang sa pagbibigay sa kanila ng maantut na pangalan dahi talaga namang di kanais-nais sa pandinig at malamang mawalan ka ng panlasa sa pagkain. Huuu. Parang hiningal ata ako dun.

Anyhoo, naalala ko tuloy yung isang kwento dito sa Merika na nabasa ko noon sa dyaryo. Me isa kasing Intsik dito na nag-petisyon palitan ang kanyang Chinese name at gawing americanized. Ang pangalan nya ay Fuk Kwing Kwok. Ang eksplanasyon nya dun sa huwes na me hawak ng kaso nya, kasi daw madalas daw syang napapa-away dahil sa pangalan nya.

Nung tinanong nung huwes kung bakit, kasi naman daw kung tawagin sya ng mga tao, “Hey yo, Fucking Cock!” Kaya mas mabuti na daw na magpalit na sya ng pangalan bago pa siya makapatay.

Sa ating mga Pinoy di maiiwasan na magkaron tayo ng apelyidong uber-lalim na Tagalog at madalas pa nga eh di kanais-nais. Sa isang kumento nga dun sa post ni kotseng kuba, me babae daw na nagdadalawang-isip pakasalan yung dyowa nya, kasi nga naman pag kinasal na sila, ang magiging pangalan nya ay Mrs. Bayagna. Sagwa nga naman. Baka mapagkamalan pa syang operada.

Minsan napanood ko sa TV, isang heneral sa Pinas na me maantut na pangalan, si General Luga. Sir, bosing, bostsip, amo, eto eh napag-uusapan lang, baka mamaya pag-uwi ko eh maala-Jonas Burgos pa ko eh, mahirap na. Naisip ko kasi, hindi kaya natatawa yung mga bataan nya, kapag tinatawag sya. Biruin mo, General Luga, hansagwa! “Hoy sarhento, umayos ka na, andyan na si General Tulok!”


General Tulok pala ha!
Me kaklase pa nga ako nung hayskul, medyo patawa din ng konti. Kasi madalas napapag-tripan ni sir. Tuwing matatapos sya ng lecture tinatawag nya ito, “O, Mr. Panti, pwede bang i-brief mo kami?” Ala siya magawa kundi kumamot sa ulo.

Dito naman sa me bandang amin, me kababayan kaming tagadun din sa Timbuktu. Ang apelyido nya, Maramot. Medyo masagwa nga naman. Kaya pinapalitan na din nya, sempre kelangan americanized na di ba?

Ayun pinapalitan na nya. Ang apelyido nya na ngayon ay Selfish.

Bagong salta? Kunin mo welkam gift mo dito

BABALA:
Koboy lang ang pwedeng pumasok dito! Kung Indyan ka, sorry ka!
PG 13 & PG 75 Ang ilan sa mga eksena ay maaaring hindi angkop sa mga bata. Patnubay ng magulang ay kailangan. Kung sobrang tanda mo naman, kailangan mo ng patnubay ng mas nakababata, baka di mo maintindihan.

Para sa LIBRENG updates


Salpak Mo Email Mo Dito:

Ipapadala thru Airmail

Featured Songer

Barilin si Boy Pana