Sir Mong Mukha Mo!
(hango sa librong “Alamat ng Tropang X)Yahuuuuuuuuuu!!!
Eto na po kami sa aming second peborit subject, and P.E. Oo, second lang. Para ka namang bago ng bago, sempre first peborit yung recess. Kaw naman, bata pa tayo yun na ang number wan. Kopong kopong pa yun eh.
Tuwang-tuwa kaming mga ekis, sempre makakakita na naman kami ng mga seksing mga kolehiyala na nakasuot malamang ng mga swimsuit na kala mo eh sasali sa Bikini Open o kaya naman eh mga nakasuot ng nagsisikipan at naghahapitan na mga damit na kala mo mga suman na kulang na lang eh isawsaw sa asukal. O kaya naman eh ang kanilang mga nag-gagandahan at nagkikinisan na mga labahita na kala mo eh pino-floor wax at mga legs na naghahabaan na kasinghaba ng sinturon ni hudas.
Sabi sa iskedyul namin, dun daw kami sa gym. Takbo naman kami. Sempre excited. Maya-maya pa dumarating na ang isang lalaking hapit na hapit ang jogging pants na halos bakat mo na ang kanyang yagbols sa sobrang sikip. Athletic daw kasi sya talaga. Naka puti syang t-shirt at medyo maikli ang gilid para daw masilayan mo ang kanyang nagmumurang masel. Sa totot lang di naman masel, kundi dating masel. Ngayon bilbil na. Sempre pa, di mawawala ang kanyang pito na nakasukbit sa kanyang ala-ninja turtle na leeg. Prrrrrrrrrrrrrrt! Foul!
Sya si Mr. Dizkarte. Ang aming PE teacher na parang ultimo eh pinagbiyak na kulangot ni Ben David (sumalangit nawa) at Jimmy Santos.
Prrrrrrrt! Roll call. Ibinigay ang aming mini-kurikulum na tatakbuhin ng klase sa buong taon. Basketball at swimming? Langya, basketbol, e di kami-kami din lang yun? Saka, dun lang kami sa gym parati sempre dahil andun ang court. Hawa.
Me umepal. “Sir, baka naman pedeng unahin na natin yung swimming?” baka nga naman kasi me makasabay kaming chikababes sa pool. “Swimmingin mong mukha mo!” sagot sa kanya ni sir. Tameme.
Yung inaasam-asam naming makita, ala. Akala pa naman namin, sa PE kami makakakilala ng seksing kolehiyala na balang araw eh magiging watot, syota, dyowa, bata, gerpren, mama-san, kakuladidang, kachukchakan at kung anu-ano pa. Sira ang mga pangarap namin. Wala sa PE ang aming hinahanap.
Kaya ayun, ganun-ganun na lang. Kami-kami lang ang nagtitinginan. Tuwing me hihirit, “Hiritin mong mukha mo!”
Kaya naman minsan pag ala kaming magawa at medyo nalulungkot kami dahil wala kaming makitang chikababes pag PE, hihirit lang kami ke sir para mapakinggan ang kanyang magic words, “Magikin mong mukha mo!”, buo na ang araw namin.
Tingin mo ba gumaling kami magbasketbol? Ala, ganun pa rin. E sa swimming? Asa ka pa. Bakstrok, saydstrok,isprikitok, anlabo. Sisid lang ang natutunan namin. At sempre pa si sir ang nagturo sa amin nun.
“Sisirin mong mukha mo!”



















