Hay naku buhay! Umaatake na naman ang rayuma ko. Putris kang paa ka… sakiiittttt!
Hirap talaga nitong tumatanda. Ang aga kong tumanda. Aga ko rin kasi nag-umpisa. Ang akala nga nung iba kong repapits, suplado daw ako sa personal, sa tv daw panay ang kaway ko. Kasi di daw ako namamansin sa daan. Sabi ko, sensya na, shy kasi talaga ako eh. Ang dehins nila alam, malabo na lang talaga ang mga mata ko.
Minsan nga sabi nung isang pinsan ko na matagal kong di nakita na naka-chat ko online…
sanpits: “di ba ang gwapo gwapo mo noon?”.
ako: Ang bruha, “eh ano namang ibig mong sabihin, gusto mo tadyakan kita palusutin ko sa screen?”
sanpits ulit: “hindeeee, pogi ka pa rin,” sabay kambyo.
ako ulit:“yannnn umayos ka ha.” pahabol ko.
Tagal kasi kaming di nagkita, siguro mga 20 years ago. At 120 pounds ago. Ngayon, eto na ako, nakakalbo. Ganun daw kasi talaga ang sweet lover (nakanaks!) ; ). Oo nakaka-kalbo talaga yun.
Di ko malaman, senti na naman kasi ako. Ganun ata talaga. Sekosomatik daw yun sabi ni kumander. Pag nagsesenti ako, umaatake yung rayuma ko. O baka naman nirarayuma ako kaya ako nagsesenti. Hu, ewan ko sa lelang kong panot. Kaya ako eto na naman, nagpapaka-profound na naman. Nag-iisip na naman ng aking mga buhay-buhay, yung mga pinag-gagawa ko nung medyo bata-bata pa ko, mga kabulastugan, mga kaek-ekan.
Naisip ko tuloy, kung maaga akong nag-umpisa sa buhay, di kaya maaga din akong kunin ni Lord? Alangya, bata pa mga anakis ko. Yung lolo nga ng lolo nung kebigan ko buhay pa eh. (Patay tayo jan, usapang lolo na naman) Wala yan sa lolo ko!!!
Kunsabagay, sabi nga ni
Kulapo, oppps oooops, mga bata, takpan ang virgin nyong mga tenga………. ayon sa aklat ni Kulapo, nasa prologue…
“Ang buhay daw parang etits, wala yan sa haba, kundi kung papaano at kung gaano mo kahusay ginamit ito.”
Hmmmnn… medyo malalim. Oy, oy… wala akong inaamin, ha?
Tags: senti
This entry was posted
on Saturday, November 10th, 2007 at 3:48 am and is filed under buraot101, pinoy pride, sakitchupoy.
You can follow any responses to this entry through the RSS 2.0 feed.
You can leave a response, or trackback from your own site.
November 16th, 2007 at 1:53 am
hahaha!ang sakit ng tyan ko rito,hahaha! more!!babalik ako mamaya para magbasa,magluluto muna ako
November 18th, 2007 at 9:45 am
Hehehehe. Perstaym kong basahin eto sinimulan ko. Halaka, Buraot ka nga! Hahaha. Twa ako ng tawa ah. Parang magandang salawikain yang pinakahuling sinabi mo hahaha. Nice nice iboboto ko tong blog mo yahoo!
November 18th, 2007 at 11:12 am
heheheh. tenkyu ka ambo…. dami pa ko laman sa baul…
November 18th, 2007 at 3:39 pm
ayos. pero may punto pinsan mo, mukha ka ngang suplado lol….. konti lang hehe…… intay mo may meme ako para sa yo baka isa sa mga araw na to, di ko pa naasikaso……..
November 19th, 2007 at 9:37 am
hmnnnn….meme…
November 27th, 2007 at 11:41 am
Etong quote na ito….
“Ang buhay daw parang etits, wala yan sa haba, kundi kung papaano at kung gaano mo kahusay ginamit ito.”
Siguro totoo, pwede ding hindi…. pero ito ang sure ako: ang madalas ang nagsasabi nyan ay ung mga maiiksi….
bwikikikik *evil laugh*
November 27th, 2007 at 12:44 pm
mwahahahahah! kelangan ko bang i-justify o i-describe? mwahahahah! you’re so..so…. evil!
November 29th, 2008 at 9:28 pm
[...] diniscuss din ni Buraot ang tungkol sa pagiging Cyborg at tungkol sa sakit na Rayuma. Sinabi nya dito kung pano malalabanan ang sakit na ito sa pamamagitan lamang ng paghithit ng [...]