Magbuhat ng mag-umpisa akong magblag ng magblag, matagal nang palaisipan sa aking brain ang ibang mga bagay-bagay na unique sa ating mga Pinoy.
Kaya naman nung buksan ko itong Anak ni Kulapo, kung anu-anong mga salita ang nagmumura sa utak ko. Mga salitang matagal na nating ginagamit pero di natin alam ang pinagmulan. Bata pa tayo, yun na yun. Basta yun yun.
Katulad na lang ng mga salitang “panahon pa ni Mahoma”, “19 kopongkopong”, “itanong mo ke kopong kopong”, “itanong mo ke limahong, ke kalantiao, o ke kulafu,”.
Pero kilala ba natin sila? Malamang hindeee.
Kaya naman habang nakikipagbuno ako dito sa rayuma ko, naisipan kong ituloy ang aking naunsyaming ‘great philisophical quest’, ang hanapin sila.
Si Mahoma, nahanap ko na. Ang salitang Mahoma pala ay Spanish translation ng salita o pangalan ni Mohammad. Kaya malamang matagal na itong ginagamit, panahon pa ng mga kastilaloy. At sempre, maiintindihan na natin bakit ito ginagamit. Sempre naman, tsong, kakumpetensya sila nung mga alagad ni Kristo.
Si Kalantiao, matagal ko nang kilala, suskoday, Pilipin history pa yun no. I-gugel mo lang yung Code of Kalantiao, yun na yun. Me TV series pa nga noon na Alagad ni Kalantiao di ba.
Si Limahong naman sikat na talaga sa atin. Kasi naman nung panahon pa ng mga kastilaloy, asar na talaga yun. Sya ang lumang pirates of the caribbean na walang ginawa kundi mambalatuba sa mga kastila nung kapanahunan nila. Muntik na nga nyang makopo ang Maynila noon. Nasa Pilipin history din ito. Kung gusto mo shortcut eto, salpak mo sa browser mo, Limahong sa Kamaynilaan.
Kung ang Kulafu ay pamilyar sa atin dahil sa shoktong na iniinom ng mga lola natin, di pa pala yun yun. Kasi naispatan ko ito sa isang blag ng me blag. Si Kulafu pala ay isang komiks karakter noong panahon ng hapon.
Ayon sa blag na Pilipino Komiks, si Kulafu pala ay likha ni Francisco Reyes para sa komiks na Liwayway. Sa sobrang sikat nga daw nito, nagkaroon ng Vino Kulafu na madalas tinutungga nung mga dabarkads nung panahon na yun. Natawa pa ako, kasi di na pala original yung titulo nitong blag ko, kasi meron palang Anak si Kulafu.
Naalala ko tuloy nung bubwit pa lang ako, kasi bago ko pa ma-discover yung Funny Komiks, eh batikan na ko ng Liwayway, Aliwan, Wakasan, pati Lovelife Komiks, ok na rin. Madalas akong naka-tanghod dun sa nanay ko, hinihintay kong matapos nya yung Liwayway, kasi ako susunod.
Kaso mo, matapos ang ilang araw na pagratsada ko online, hindi ko pa rin maispatan si Kopong Kopong. Sya pa naman ang pangunahin kong suspek. Wala, umuwi akong luhaan. Ni anino nya, di ko man lang nakita.
Me naispatan ako na isang maliit na bayan sa Botswana na kung tawagin ay Kopong, pero malabo naman na mapadpad yung salitang yun dito sa Pilipins. Wala namang naligaw na mga egoys dito kahit bali-baliktarin mo yung Pilipin history. Maliban na lang kung ipagpipilitan mong me lahi nila yung mga Ita sa atin.
Baka pa yung mga taga-Indonesia. Kasi naman ang salitang Kopong ay translation ng salita nila na ang ibig sabihin ay Coral sa salitang Ingles. (Sorry brad di ko alam Tagalog ng Coral) Katunayan me isang sikat na lugar ng mga corals dun sa Indonesia, ang Karang Copong.
Maliban dun, ala na.
Ikaw tol, kilala mo ba si Kopong Kopong? Pasuyo naman o. Pag nakita mo nga sya, sabihin mo hinahanap ko sya, ha? Mabatukan man lang ang kumag.


hahaha! meh kakulitan din ang entry na ito eh… aba’y mukhang na-pressure pa akong hanapin si kopong kopong…
hamo, ‘pag nakita ko… sasabiin kong hinahanap mo siya…
siyanga pala. corny man.. ikaw ay na-tag ko… taya ka… hehehe… just in case, you might want to indulge… uuuuuuy, senti ka pa ba?
mukhang madugo ayng tag mo ah, trenta. hehehe.
aha, eto pala ang pinagsimulan nung treintang tag
salamat sa pagdaan sa blog ko. gusto mo idagdag kita dun sa tinag ko, hehee. kahit na tapusin mo sya sa panahon ni kopong kopong
wehehhehe.. tindi nga ng tag ni prue… madugo!