More!!! More!!! More!!!

November 19th, 2007 by BURAOT Categories: Iskul Bukol 9 Responses

(Mula sa dossier ng “Mga Gagong Inosente”)

Palibhasa puro kami matatakaw sa gimik at alak, kung saan-saan kami napapadpad.

Tuwing biyernes, Shakeys and ruta namin, me banda kasi dun kaya patok. Pag sawa na sa banda, iisa-isahin namin yung mga inuman dun sa Timog at East Ave. O kaya sa Mug n’ Chef sa Recto, bago pa yun noon kaya masarap pang tambayan, madalas manghahanting lang kami ng tsiks. Minsan nga me na-meet kaming grupo ng tsikababes, pagkatapos naming isara yung bar, diretso kami lahat sa Baguio. Sarapsadudels!

Minsan, naikwento sa amin ni Pangpang yung isang inuman sa Monumento sa me itaas ng Ever. Drink all you can na beer, P150 lang per head, with matching tanpuluts pa, isang platitong mani. (parang andami eh no?) Ok na rin naman kase me live band din. Pag alang atik, pwede na. Kaso mo ang ambiance, sagwa. Parang foodcourt sa SM ang dating, maliwanag na maliwanag parang me spotlight.

Me umepal na isang banda, mukhang bagito pa, sama ng timpla, tunog lata. Alang wenta. Palibhasa puro kami asar, sumigaw na si Pareng Roger.

I-tape nyo!! I-tape nyo!!! Wooooo!!! (Pumapalakpak pa!)

Tinginan naman sempre yung ibang tomador sa ibang mga table. Nagtataka ata kung bakit napa-bilib si Roger dun sa boses nung bokals na bokalis eh boses itik naman.

I-tape nyo!! I-tape nyo!!!……… I-tape nyo yung bibig!

Yun pala naman… Hagalpakan kami lahat habang palakpakan ang iba pang mga lasing. Hitsura ng riot sa Munti. Tuwang-tuwa sa banat ng trops namin. “Woooo…woooooo!” Mabenta!

Mukhang nabuhayan ng dugo, bumanat pa si Rio.

More!! More!! More!! More!!

Habang mukhang nababanas na yung banda, sempre naka-abang naman yung madlang pipol sa punch line, walang humihinga……

More!! More!! More!! More!!….. More practice!

“Wahahahah!” Wagi! Sa tuwa ata nung ibang mga table, pinadalhan kami ng ilang pitsel na draft beer at ilang platitong mani! Tuwang-tuwa ang bahay alak namin. Kaso mo, ansama ng tingin sa amin nung bouncer at nung bandang asar-talo.

Natapos ang inuman, nauwi kaming naghuhugas pa rin ng beer sa isang karaoke bar malapit lang sa me Retiro. Kung natawa ka sa balitang nagbarilan dahil sa kantang My Way, luma na sa amin yun. Kasi nung gabing yun, kapapasok pa lang namin dun sa karaoke bar, at nagre-relaks, me kumanta ng My Way. Yung kabilang table, naasar ata kasi katatapos lang nya yun kantahin, eh pangit yung bersyon, nagka-tinginan nang masama, ayun, nagsaksakan.

Sabi namin kina Rio at Roger, “Ano? Ngayon kayo mang-asar! Ngayon kayo mag-”more more” at “i-tape nyo i-tape nyo” ng masaksak din kayo!”

“I-tape ko na lang bibig ko,” sabi ni Roger. At sagot ni Rio, “more patience..apir!”

  1. Ambo says:

    harharhar…hayos yan kapatid! Ayoof sa heskapeyds ha..nambabae from manila to bagyo! harharhar….teka, kelan pa ba yan at ang mura 150 lang per head ang beer holyuken?

  2. BURAOT says:

    naku ka ambo, kopongkopong pa. kundi pa ko sinasablay ng memory ko mga, 1990 siguro.

  3. Ambo says:

    1990? uy nagpapabata pa. lols

  4. BURAOT says:

    wahahaha! bistado eh no? siguro ka ambo tambay ka din ng shakeys ermita, malate at mug n chef… hmnnn… :)

  5. Misyel says:

    Ahahay, gimik guy ka pala noon?! Sarap siguro makasama ng tropa mo, wag lang dun sa time na saksakan na ehehe…

  6. BURAOT says:

    ehehehe. pede rin namang ibang….ehem.. ekskyusme po!

    pede namang gimik gimik lang. dami din naman kaming trops na chikabeybs, pag tropa, di talo! di ba trops misyel?

  7. Ambo says:

    Naku di ko nga alam yan eh. Ang mga naabutan ko lang e yung mga panahon ng TGIF, Starbucks, bwahahahahaha

  8. kengkay says:

    huy ambo, wak ka na magulo dyan. umamin ka na na nagpunta ka rin sa may sitsiritsit salagubang salaginto dun sa may cubao, weeeee :D ehem… wag na itanong si kengkay dahil baka hindi kayo makarelate at history na ang mga gimik places ko, as in… like streetlight at jazz bar at tia maria, wehehehe

  9. BURAOT says:

    nakanaks! e di naliligaw ka din kengkay sa Naked ear sa Dapitan, saka Jazz N Rhythms?

Get Adobe Flash playerPlugin by wpburn.com wordpress themes