The Fast and the Spurious!

I- Feysbuk Mo Mukha Mo!

the fast and the spuriousMatapos kong hanapin at makita yung mga pangalang panahon pa ni kopong kopong (pwera ke Kopong Kopong mismo, wanted pa rin hanggang ngayon) iba naman ang napagbalingan ko ng sama ng loob.

Hindi ko kasi lubos na maisip yung ibang mga eklat nating pinoy na natural ay nagmula pa sa mga ninuno natin at panahon pa ni Kopong Kopong. Ginawa ko na atang misyon sa buhay ang maghanap ng mga nawawala.

Ikaw ba inabot ka na ba ng siyam siyam? Madalas ko kasing marinig ito sa mga papagong pagong na mga nilalang. “Walastik! Inabot ka na ng siyam-siyam!” Ano ba talaga ibig sabihin nun? Malay ko, kaya ko nga pinost ko dito eh, baka kasi buhay pa yung lolo ng lolo ng lolo mo, maitanong natin.

Pero ang dating talaga sa akin nun e parang sobrang bilis pa rin ni siyam-siyam kahit na anong gawin natin. Kasi di mo naman pwedeng sabihin na mabagal ang siyam siyam kasi nga inabutan ka di ba? E di op kors, mabilis.

Pero nung humarap ako sa mahiwagang salamin ni Kuya Boy… akalain mo, tinanong ako. Mas mabilis ba ang siyam siyam sa alas kwatro? Kung si Lydia deVega at Elma Muros ay mabilis pa sa alas kwatro, abutin naman kaya sila ng syam syam?

Nak ng teteng, mukhang paduguan na naman ang ilong to.

Kinailangan kong magsagawa ng mala-impaktong eksperiment. Para scientific. Feeling ko mythbuster kaya kumuha ako ng dalawang big-time wall clock at ipinako ko sa pader nitong apartment namin.

Magkasabay ang oras, sabay ko itong binuksan, synchronized para parehas. Itinutok ko sa kanila yung webcam ko para recorded at walang siguradong mandadaya. Magkaka-alaman na dito kung sino ba talaga ang maituturing na Pilipins fastest.


Inabot kana ba ng siyam siyam… o Mabilis ka pa sa alas kwatro?

Nakipusta pa nga sa akin yung rumeyt ko, kung alin sa alas kwatro at syam syam ang mauuna. Ha! Ang ungas, para syang nagtampo sa bigas! Maki-pusta ba naman. E di pinatulan ko, sayang pang-yosi din. O, eh di natauhan sya, tatanga-tanga kasi. Potopinis.

O bakit? Uyyyy…… interesado…. nag-aabang ng sagot! Bakit inabot ka na rin ba ng syam-syam? O katulad ni speedy gonzales aldale andale, mabilis ka pa rin sa alas kwatro?

At ang resulta ng eksperimento ko? Sa susunod na post sasabihin ko. Kung ayaw mo at kating-kati na paa mo, mag-eksperimento ka ding mag-isa mo.

Tags: , ,

This entry was posted on Monday, November 19th, 2007 at 9:40 am and is filed under alamat, amerkanong hilaw, anakanang, buraot101, pinoy pride. You can follow any responses to this entry through the RSS 2.0 feed. You can leave a response, or trackback from your own site.

10 Responses to “The Fast and the Spurious!”

Beng November 21st, 2007 at 8:42 am

“mag-eksperimento ka ding mag-isa mo.”

aba ang sungitttt! hehehe. kating-kati nga akong malaman ang resulta pero hintayin ko nalang sa susunod na kabanata (parang itutuloy komiks). baka kasi uupakan mo ko pagkinulit kita.

o heto na lapad, sardinas at marlboro mo. nilista ko na yan sa tubig ha?

BURAOT November 21st, 2007 at 9:58 am

heheh. pang-asar lang. tenkyu sa mga pautang mo.

nga pala, German nga pala kaw no? hmnn…pede akong mag-praktis ng German ko… ano sa German ang sopdrink?

Sprayt! Hahaha! Kopongkopong pa eh no.

O sya, sprakenhayt!

ambo November 21st, 2007 at 9:30 pm

amf! ang sunget ah! di ko hihintayin yang kasunod nyan! Ching! hehehe. oy ninominate kita sa pinoy best humor blog ha. ;-)

BURAOT November 22nd, 2007 at 1:53 am

ngeks! sungit pala dating. sensya na, ganun daw talaga nagme-menopause. hehehe.

nakanaks, tenkyu ka ambo! ang tanong, eh kung me boboto, hahahaha! baka ikaw lang din at ako. :) pero tenkyu tenkyu, sige hahanda ko na speech ko. heheheh.

badoodles November 22nd, 2007 at 5:31 am

hayuf idol. entertaining saka beri informatib. biro mo nag expound ka ng bagay na tine-teyk for granted tapos in a beri analytical way pa. whatda. galeng.

BURAOT November 22nd, 2007 at 6:29 am

nakanaks! totots ba ito? si badoodles naligaw sa bahay ko? whaws! bostsip pa-otograp! coming from you, hay em onord! tenkyu!

Ambo November 22nd, 2007 at 9:23 pm

wow si badoodles andito! iba na ang sikat!

Kotsengkuba November 24th, 2007 at 6:28 am

langya ka.. anong sagot? susunugin ko tong blog mo pag di mo pa ikukwento ang karugtong sa next post mo.

BURAOT November 24th, 2007 at 7:02 am

wahahaha! tatapusin ko muna yung meme.. heheh.. mukhang mapapsubo ako sabihin yung sagot.. heheh.. d bale, maglalagay ako fire extinguisher dito sa tabi ko, baka mamya sunugin mo nga. ;)

Where in the world of gaming is Kotsengkuba? | Mu Online with Kotsengkuba November 26th, 2008 at 10:29 pm

[...] ng iyong mga nakaraang paglilipat-bahay. Subalit kung ano pa man, aking lang ipinapaalala na ang The Fast and the Spurious ay nananatiling akong paborito sa’yong mga akda sa lahat ng iyong blog. Ito ay sa [...]

Leave a Reply

CommentLuv Enabled
Get Adobe Flash playerPlugin by wpburn.com wordpress themes