Meme na Bunso…

November 22nd, 2007 by BURAOT Categories: Blogag, Da Adventures of Kid Buraot 10 Responses

memeNaalala ko nung Grade 3 ako, uso na ang slumbuk. What’s your favorite color? ROYGBIV. What is your motto? AJINOMOTO. Who’s your crush? Secreettttt

Kahit nun pa, tuwang tuwa na akong mambalatuba ng slumbuk ng me slumbuk. Sabi nung kaklase ko, sinasayang ko lang daw yung mga page.

Gusto ko pa rin sanang itago ang mga bagay na personal sa kin dito sa pagba-blag ko, para Mr. Yoso dating. Kaso, ang likas daw na maantut, ispreyan mo man ng pabango, aamoy at aamoy pa rin. Uso na rin ang “cyber slumbook” at inabot din ako, kaya ako taya walang kawala.

At dahil medyo madugo ang tag na ito, tinapyas tapyas ko sa tig-sasampu. Heto ang unang kabanata.

30 Personal Paks Me :

1. Isa akong Milk Drinker. Kahit nirarayuma na ko, paborito ko pa ring uminom ng gatas ng ina (ng baka) fresh cow’s milk! sempre ina yun, kasi yung ama, toro yun, walang gatas.

2. Isa akong strike anywhere, everywhere. Mahilig akong mangabayo. (anobayan, parang medyo green ang nagiging dating lagi) as in kabayong ala Leon Guerero, shortcut: koboy. Kahit san mo ko dalhin, kaya kong dalhin sarili ko wag lang yung paa ko.

Pinanganak ako sa Mindoro (Timbuktu), Erpat ko ay tubong Isla Verde (ala eh), lumaki ako at nag-aral sa Maynila (puro pang-kaparian) kung kaya nagkaron ako ng “breeding”. Bata pa ako, pagala-gala na ako sa mga peryahan (hindi bilang clown) kasi operator erpats ko ng mga pasugalan. Kaya kung saan-saan sa Pinas ako nakakarating at kaya dehins mo ko maiisahan, lang-magu toits, lahat ng kadayaan alam ko. Bago ako napadpad dito sa Merika, tumira ako sa Gapo, Bataan at Zambales. (ayan ha dami nyan fersonal paks)3. Gulp Buddy. Bata pa ko, mahilig na ko sa golf (gulp, as in ang bata kong manginginom) pero ngayon, di na, pagatas-gatas na lang.
4. Bunsokononoy ako sa sampung magkakapatid. Namatayan pa ermats ko ng dalawa nun. Likas kasing farmer erpats ko, masipag mag-araro.5. Yosigawane? Bata pa ko nag-umpisa magyosi, kasi dahil ako bunso, ako lagi inuutusan ng mga kuya ko bumili. “O eto 2 piso, bumili kang limang malboro, sindihan mo na ha!” Kaya nag-umpisa ako sa Marlboro, nagpalit sa Phillip with matching stork (brr!lamig!), More (yung blue seal na brown na manipis para sosi), hanggang madiscover ko yung Marlboro Military kung tawagin, blue seal na Marlboro Green. Ngayon, tabako na yosi ko, para Hemingway ang dating, pwe! (Black & Mild Cigar), sarap lasa tsokoleyt!

6. Been There Done That! Sawa na ko sa buhay. Di ko ibig sabihin na magsu-suicide na ko. Wat ay min tu sey is, been there done that! Masyado makulay buhay ko (oo mas makulay pa ke Wahab Akbar) walang sinabi ang rainbow.

7. Virginal. Maaga akong nabinyagan, kung kaya maaga din akong nag-feeling mature. (proof: rayuma at HIV as in Hair Is Vanishing)

8. Laglag Panti Gang Member. Dati nagongolekta ako ng panty ng mga gerlpren ko. Mas type ko kasi sya isuot di masikip. Ngayon hindi na, bumibili na lang ako ng boxers.

9. Mahaba talaga ang aking….. pasensya. tahimik lang talaga ako, patingin-tingin lang. Kelangan makuha ka sa tingin, wag mong hintaying magalit ako….IIYAK AKO DITO… *hikbi*
10. Tigas-saing. Ang akala ng mga kaibigan ko, matapang ako, di nila alam mas takot pa ako sa kanila. Puro kasi astig mga kuya ko, kaya no choice kundi mag astig-astigan din. Me maganda akong wento dito ipo-post ko na lang next years. Astiggggg!

Minsan, nakatambay ako, me nagwawala. Walang maka-awat. Takbuhan sila sa likod ko. Ang alam ng marami, ako lang pede makapag-paalis kasi nga “matapang” daw ako. Lapit yung nag-aamok, “Sino matapang dito, mga hinayupak kayo!” napatapat sa kin, “Ano ikaw papalag ka?” sigaw nya sa kin.

Tumayo ako, sabay sigaw ng mas malakas, “O bakit ano ha? Gusto mo away? Ha? Matigas na buto mo ha? Naghahanap ka talaga ng away ha? O sige, kanya-kanya tayo.. maghahanap din ako, dun ka.. dito ko.. anakanang…” Alis naman si tanga! Hay naku. Olags!

Pag natapos itong paks me na to, paks you naman, ha?
  1. Ambo says:

    Inpernes kapatid natawa akong mag isa habang binabasa ko itech! Nakakabading ang mga salita mo, as in nakakapraning! Teka anjan pa ba yung mga panting nakolekta mo? Penge naman! bwahahaha. Pero kung nakaframe na eh wag na. Kakahiya naman bwahahaha. Dagdagan mo pa bilis para manalo ka sa contest! ooopppssss 30% akin ha. lols

  2. BURAOT says:

    lols. ala na, naipamana ko na ata lahat. hehehe. souvenirs. hekhekhek..

  3. Maru says:

    nasa sidebar mo:
    “BABALA!
    Koboy lang ang pwedeng pumasok dito! Kung Indyan ka, sorry ka!”

    — bisayang indyan na naka-borles pwede bang pumasok dito?

    mr. burat, like ko talaga name mo sa totoo lang tsaka siempre ang mga pautot mo like ko rin. sarap langhapin.
    salamat nga pala sa pagbisita mo sa blogtsina ko. sayang di ko naabutan yung pag pasok mo dun. hindi man lang kita nahandugan ng kahit isang sayaw na nakakapit sa poste.

  4. BURAOT says:

    wawawiiiiii..

    ay nako day, welkam na welkam ka day. di bale sa susunod, ite-teybol kita. ehe!

  5. ghee says:

    hahaha!grabeh!natawa na naman ako!salamat ha? :)

    natawa ako dun sa gulp buddy,sa laglag panti gang at sa…hahaha!

    uy,bunso din ako!

    nabasa ko yung comment mo sa ebloggy ko,talaga?magkamukha kami?sige,patingin nung pics nya,upload mo,daliiii!! LOL!

    pag sinipag akong mag tweak ng “4 blogs” ko,ilalagay kita sa lahat ng listahan ko :)

    gudnayt!
    ghee

  6. Coldman says:

    got milk? malamang healthy ka? hahaha!

  7. Anton says:

    namputsa, napagkamalan akong baliw dito ng bigla akong huimagalpak sa kakatawa nung binasa ko tong post na to…galing pre…

  8. BURAOT says:

    konichiwa ghee! arigato goizaimasu! timbre ko sa yo pag na-upload ko na.

    galing mo coldman, bat di ko naisip yun? sana yn ang pic na nilagay ko para mas epektib. ;)

    wahahah! o yan anton, dami nga personal stuff nun. madali ma kong mahahanting nung bumbay na pinagkautangan ko nyan. ;)

  9. frenzy says:

    LOL, oh man! I was cracking up! Yeah, i remember those slum book days, where i used to answer “many to mention” on most of the questions hahaha very fun site you got there dude!

    -frenzy-
    from the east coast

  10. BURAOT says:

    yup. “too many to mention” was the popular answer. hehehe.

Get Adobe Flash playerPlugin by wpburn.com wordpress themes