Meme ng Meme

November 25th, 2007 by BURAOT Categories: Boy Bastos 17 Responses
Yahu! Pangalawang installment na, isang tagna me na lang, tagna mo naman. Yari ang itatag ko nito… hehehhe.. can’t wait.

O sya sya, tama na daldal. Heto na po and ikalawang yugto….

30 Paks Me Tu:

11. Mahilig ako sa dila, at mahilig din akong gamitin ang dila ko. Ayan ka na naman…. lenggua. Yun ang paborito ko, at mahilig din akong mag-aral ng ibang mga salita. Sempre two in one, dila as in tongue.

12. Pag ako’y nalulungkot, daliri lang ang ginagamit ko, gagaan na pakiramdam ko. Andyan lang naman sa tabi ko ang gitara, laging naka-abang na kalabitin ko. Tempalok!Tempalok!

13. Kahit di ako marunong kumanta, mahilig akong gumawa ng kanta, kahit na alang wenta. Likas kasi akong te-maarts, kaya yung mga tula ko na ala Huseng Batute, ginagawan ko ng tono. Basta me tono.

14. Mahilig ako sa KFC.(uy ads, me raket na naman) Minsan nga, mamamatay na ko, KFC pa rin hinahanap ko. Pinger lickin guudddd!

15. Maraming beses na rin akong dapat namatay. (morbid naman nito) Kaso likas na masamang damo, di makayanan ni Kamatayan ang powers ko. Sa sobrang kapal na ng mga hasang ko, di na umubra yung mapurol nyang karit. Kaya nga madalas feeling ko super hero din ako. Naks naman.(talaga lang ha?)

16. Tol, atin atin lang to, wag mo pagsasabi……ako talaga si Batman. Kasi noong kapanahunan namin ni pareng Kopong Kopong, di pa uso internet at cellphone, pager pa lang saka CB radio. Kaya handle ko na Batman. Bukod pa dun, napukpok na rin kasi ako ng baseball bat sa ulo. (Oo! Takaw bugbog talaga ako!) Saka paborito ko rin si Batman, kasi sya lang ang superhero na walang superpowers, o di ba? Kaya lang katulad nina Superman, aanga-anga pa rin, kasi kung magdamit, parating naka-labas yung brief.

17. Pero ako pala si Pepeng Kuryente (lokal).Akala ko nga nung una, meron na akong superpowers. Kasi kapag gabi at malamig, tuwing hahawak ako sa bakal, nag-i-spark. Oo tutut! Lalo na kapag winter. Kasi naman natural sa atin ang me static electricity sa katawan, nagkataon lang na mas malakas ang akin. Minsan nga pag ala ako magawa, papatayin ko ilaw sa kwarto, huhubarin ko sweater ko sabay ipapagpag ko, ayos na. Libre show ng watusi. Sparks sparks! Me sound epek pa.. duuuutttt! duuuuutttt!

Kaya pag me type akong tsiks, alang kawala. Lalapitan ko lang sabay…. duuutttt! duuutttt! Sigurado mapi-feel nila me nag-spark! Wahahahahahah!

18. Kahit uso na ang kalbo, di pa rin ako makapag-pakalbo. Yoko nga, di naman ako nagpapatawa ah. Okey sana kasi di mahahalatang napapanot na ko. Kaso bukod sa hugis itlog ang ulo ko, tadtad pa ng award. Puro tahi. Kasi nga di ba, takaw bugbog nga ako?

19. Ako ay gifted. Dalawa lang daw ang kinalalabasan ng isang menopause baby na katulad ko. Either isang genius o abno. Buti na lang ako ay half-half. Kaya naman noon sinubukan ko ding magka-dyowa din ng mga half-half. Half-German, half sheperd. Half-Persian, half cat. Eto matindi half-Filipino, half-Filipina.

20. Meron din akong mind power. Mind over matter kumbaga. Pag nilalamig ako, iisipin ko nasa disyerto ako, gumagawa ng sand castles. Pag mainit naman, iniisip ko nasa Antartica ako, nagha-halo-halo. Tulad ngayon, nalulungkot ako, kaya iisipin ko masaya ako.. wahahahahah! At pag sobrang saya ko naman iniisip ko malungkot ako… ahuhuhuhuu! Kaya naman pag me napag-interesan akong gawin, ginagamit ko lang ang aking mind power at konting praktis hokey na.

Napanood ko noon sa TV si Chiquito, pinapagalaw nya butas ng ilong nya, isang araw lang kaya ko na. Me naispatan ako sa Mad Comics, pinapagalaw nya tenga nya, limang araw lang oks na. Napanood ko si Zaldy Shornak pinapagalaw nya noo at bumbunan nya, isang linggo inabot ko bago ko natutunan. Me nakita akong sumisipol ng pabaligtad, sa halip na pabuga yung hangin, pahigop. Whoooopt! Whooooopt! Natutunan ko din naman, pagkatapos kong makalunok ng mga limang lamok.

O sya sya, malapit nang matapos ang tagna me na to, maya maya pa tagnamo naman! Isang paks me na lang paks yu na! Yahuuuuuuu!!!

  1. The Deity says:

    hahaha. natawa naman ako entry mo. kaaliw!

    oo, pwede kang boto kahit ilang libong beses dun sa gerlpren ko. pero wag ka nang umasang makakadate sha, kase ako nga ende pa nisasagot eh:)

    ps

    punyeta! pati ba blogger dapat me word verification!!! pasaway ha!!!

  2. BURAOT says:

    o sige, babalik ako. add ko na tuloy site mo dito para bilis pasyal.

  3. Ambo says:

    Sige abangan ko ang kasunod. Pero wag mo ko isasama sa mga tatag mo ha. hehe. Lufet ikaw pala si batman, pero alam mo ba ako si robin? nyahahahaha

  4. Coldman says:

    composer ka pala? Hmmm… may future pag laki! Hahaha!

  5. BURAOT says:

    walastik kaw ka ambo, ikaw pala si robin, tagal na kita hinahanap. ;)

    ikaw coldman gusto mo gawan kita ng kanta? wahahahah!

    tenkyu sa pasyal mga repapits!

  6. FerBert says:

    batman!!! ako si Superman!

  7. BURAOT says:

    wow, dumadami alien! apir!

  8. Ambo says:

    Oo ako si Robin, pakiss nga! bwahahaha. O hayan dumadami alien hehehehe. Iba na ang sikat!

  9. BURAOT says:

    sikatchupoy? wahahahaha!

  10. dyosa says:

    panalo ang mga pahina mo. sumaya ang araw ko.

    nga pala, salamat sa pagbisita.

  11. BURAOT says:

    basta ikaw dyosa ng kagandahan.. nanginginig pah!

  12. Beng says:

    buraootttt pakner…ba’t installment? ang hilig mo talagang magpa thrill ;) .

    pareho pala tayo, mahilig kumanta kahit walang boses na ibubuga.

  13. Misyel says:

    nagkajowa ka ng half-filipino and half-filipina? hahahha! ano naman ang feeling ng ganung jowa? hahaha, hay natawa ako dito.

    sige batman abangan ko yung karugtong nitong meme mo. :)

  14. kat says:

    inaabangan ko ang series na ‘to. ayos, napaka-entertaining.

  15. BURAOT says:

    kasi naman pakner beng, kahaba man gid. baka maubos yung budget ko sa isang page. hehehe

    misyelmabele, tenkyu sa pasyal. weheheh. half/half.

    at salamas kitty kat. oops.. salamat!

  16. kiko says:

    Wahaha! Ayos ‘tong mga rebelasyon mo sa tag na ‘to ah! Nagsilabasan ang mga superfriends mo tulad ni ambo, siya pala si robin! Hehe!

    Ilang beses na ako nag-comment di pumapasok yun pala may mali ako. Akala ko di ako pinapasok nung bouncer ng bahay mo dahil napagkamalan akong indian eh koboy din naman ako. :)

    Hanggang sa muli!

    Your friend,
    Green Lantern

  17. BURAOT says:

    wahahahahah! naglalabasan na mga myembro ng justice league! yahuuuuuu!!!

CommentLuv badge

Get Adobe Flash playerPlugin by wpburn.com wordpress themes