Paks Yu Na!

November 28th, 2007 by BURAOT Categories: Boy Bastos 10 Responses

Alam ko kinakabahan na yung iba dyan…. hehehe. Baka nga naman i-tag ko nitong pagka haba-haba na meme na ito. Pero pagkakataon ko na itong bumawi!

At kelangan ko na ding tapusin ito dahil, habang kinakarir ko ito, ay patuloy namang dumadating ang iba pang tag.Baka abutin pa ko ng Pasko bago ko matapos. Iniisip ko nga, gumawa na lang ng blog na puro meme lang at tag. Sigurado dami kong link nun agad.

Kaya heto na madlang pipol ang huling yugto ng paks me na to. Kaya, after this one…  paks yu na!

Sa hinaba-haba man daw ng tag, sa ending din ang tuloy. At kapag daw tumatakbo ka ng matulin, kung matinik ay malalim. Ewan ko kung ano koneksyon nung dalawang salawikain nayun. Naisip ko lang.

30 Paks Me Na Naman:

21. Ako ay Tirador ng Kaning Lamig. Di ko type ang bagong luto, mas gusto ko yung kaning-lamig. Bahaw tawag namin dun sa Timbuktu. At ayoko din ng medyo matubig. Mas enjoy ako kainin yung ilalim, yung tutong. Request ko lagi sa nanay ko, pag magsasaing sya, sunugin nya para maraming tutong.

22. Naks, collector. Kulektor ako ng mga kung anu-ano hindi ng kuryente. Kapag naka-hiligan ko, kinokolekta ko. Pag me nagustuhan akong author ng libro, lahat ng libro nya kinokolekta ko. Noon, nakahiligan ko magka-gelpren, ayun nangongolekta ako. (waw hampogi) Pati lumang tao kinikolekta ko.

23. Simple Pero Rock. Kahit medyo gurang na ko, naghe-headbang pa rin ako pag type ko tugtog. Madalas suot ko pa rin ang aking Doc Marten at maong. Rock on!

24. Presko ako. At kapag naka-maong naman ako, mas type ko pa rin syang suotin ng walang panloob. Feeling ko pa rin presko kahit medyo naiipit yagbols ko.

25. Insurance risk. Inaayawan na ako ng mga auto insurance. Bukod kasi sa hindi ko sila binabayaran, tadtad na ako ng tikets sa mga kung anu-anong violation. Di na rin uubra ang traffic schools.26. Problema ko pa rin kapag nalalasing, ako ay nagba-blackout. Nai-wento ko na ito dun sa nakaraan kong post na Blackout Pare! Kaya di na ako gaanong umiinom. Gatas na lang.

27. Ako ay isang dakilang tae! Masyado mabilis ang aking metabolism kaya pagkakain ko, ilang minuto lang kelangan ko nang bumoto. (men’s room) Ganun talaga ang healthy. (ekek)

28. Ako’y adik. Dumaan na ang kung anu-anong mga video games pero hilig ko pa rin ang Red Alert. Kahit paulit-ulit ang scenario at kahit lumpo na si Tanya pinapasugod ko pa rin. Yes Commander!

29. Pangarap ko pa rin ang bumili at mag-drive ng sarili kong eroplano. Pag tumama ako sa lotto siguro. Kaya lang kung lisensya ko lang sa pagda-drive ng auto, delikado na, lisensya pa kaya ng piloto? Problema ko pa kung saan ko siya ipa-park.

30. Hindi ako mahilig magpatawa. Kung ikaw ay natawa sa mga iba kong post dito sa Anak ni Kulapo, ito ay hindi ko sinasadya. I am sorry. Nagwewento lang ako dito ng aking mga buhay-buhay noon at ngayon and beyond. Mahiyain nga kasi ako kaya ayoko ng limelight, ayokong nagbibigay ng jokes, kasi baka pagtawanan lang ako.

PAHABOL: ANG LAHAT NG ITO AY GAWA-GAWA KO LANG! WAHAHAHAH! JOKE!

Eto na… Pinis na tong paks me na to. Sino kaya ita-tag ko susunod. Hmnnnnn… hmnnn pa ulit… Paks Yu! Wak na wawa ka naman. Sa ibang araw na lang.

  1. Coldman says:

    nagtaka lang ako at gusto mo ng kaning lamig! Hahaha!Iba ka!

  2. manilenya says:

    hinay hinay sa kaning lamig brader kasi bawal na sa nagkaka edad yan lol!

  3. BURAOT says:

    @coldman: subukan mo tol, mas masarap! hehehe.

    @manilenya: ows bawal din yun? lols!

  4. ferbert (kaing lamig ang sikreto ko kung bat ako gwapo!) says:

    trip ko din ang kaning lamig. yun ata ang sikreto ng mga katulad nating gwapo.. asus!

  5. BURAOT says:

    apir tol! mabuhay ang bahaw!

  6. ambo says:

    di ko trip ang bahaw, mas trip ko kasi ang kaning panis! o me panama ka jan? tapos di ko trip ung walang brip pag nakamaong, minsan kasi sumabit yung lublub ko lekat nasa resto pa naman ako badtrip ang alisin!

  7. BURAOT says:

    ala ka ambo, panis ako sa yo. heheheh..

  8. ambo says:

    panis ang kanin baliw! hehehe

  9. Beng says:

    bwahahaha, ay buraot lukirot ka nga. tawang-tawa ako sa mga piktyurs mo diyan.

    oy naglalaro ka din pala ng lotto. psst, dali hali ka dito…38 million ang jackpot.

  10. BURAOT says:

    waw! pakner, anlaki ng lotto dyan, especially anlaki ng euro ngayon compare sa greenbuck.. hmpttt!

    cge nga, makataya ng lotto dyan. bukas na bukas punta kong germany.

    sprakenhayt!

CommentLuv badge

Get Adobe Flash playerPlugin by wpburn.com wordpress themes