» 2007 » December
Bwena Mano
MGA WAGI!
Narito ang mga nanalo at mag papartehan sa $550.00 na premyo sa Sikatchupoy si BURAOT Contest!
Para sa listahan ng mga nanalo ng milyun milyung singkong kulot... Klik mo mukha mo dito!
Where Da Hell is BURAOT?
COMING SOON!
TagNgYan Talaga Oo!
Dear Ate Charo:
Salimpusa

Archive for December, 2007

Ay iPhone Phone!

Saturday, December 29th, 2007
Eh sino ba namang tatanggi sa ganitong pa-contest. Sa dinami-dami ng mga nakapending kong mga meme at kailangang i-update na mga blogs, sya ring dinami ng mga contest at mga pakulo ng mga blogista para mas lalong dumami ang kanilang readers at sempre atik, datung, kwarta, bread, moolah at kung anu-anon pang tawag mo sa pera. Hanyaman!

Minsan nga naisip ko, magtayo kaya ako ng blog na walang gagawin kundi sumali sa mga blog contests? Kaso meron nang naka-isip nun. Di na original.

Kaya ngayon, para dumami ang aking mga credits at ekstrang raket, parang nape-pressure ako ngayon sumali sa mga pa-contest na ganito. (*ehem* Hello pinoy blogosphere…. calling calling..) Lalo pa’t karamihan sa kanila ay mag-e-end na nitong New Year’s Eve. At katulad ng epal ko nung nakaraang post, “too many ekek too little time”. Me lab yu long time!

Eto na ang isa sa contest na di ko pede palampasin. Kase, I like! Pautot ito ng site na i-make-money-on-facebook.com. Hanef sa pangalan ng site ehno?


O baka gusto mo ding humabol, eto rules: (as usual, pede ba namang wala)

Win an iPhone Contest Details: Prize: A brand new iPhone.

Deadline: Extended to January 10, 2008 instead of January 1st, 2008 (the winner will be drawn at 11:59 AM CST on January 10, 2008 and the prize will be sent out on January 11)

How do I enter: You can enter the “Win an iPhone” contest by doing one of the following (or all of the following):

1- Leave a comment on the post 25 Steps to Make Money on Facebook(You will get one entry ticket)
2- Subscribe to the site RSS. (You will get one entry ticket)
3- Write a blog post about this contest and once you finished your post let the author of this contest know by sending her an e-mail at lara.saad@yahoo.com (You will get three entry tickets)

You can do all the above and then you will get 5 entry tickets, which will maximize your chances to win the iPhone, if you don’t have a blog you still can maximize your chances by subscribing to the said site RSS and leaving a comment on the post which will give you two entry tickets instead of one.

O simple lang di ba? Sali lang ng sali! Oks? Oks!

Just Another Slumbuk

Thursday, December 27th, 2007
Sempre, just another meme. Hataw ng hataw para pag pasok ng bagong taon, wala nang utang. Mas masarap yung pakiramdam nang ganon. Magaan.

Hindi sana ako kasali dito. Nabasa ko lang dun sa blog ni WanderingDeity. Medyo natawa ako at nag-comment, hayun napansin tuloy ako, na-tag tuloy ako. Hayan kase. Wahahahah!

1. How long have you been blogging?

Huling linggo ng September 2007 nang mag-umpisa akong mang-asar.

2. Who inspires you and who are your mentors?

Bale matagal na kong kinukumbinsi ni kumander na mag-blog para magkaron daw ako ng bagong hobby. Tingin ko nga, tinulak nya ko mag-blog para di na ko nakikipag-chat at nakikipag-cyber. Sakto naman naispatan ko yung dati kong repapits na si Tonyo na ngayon eh nasa Dubai na at nagba-blog na din. Kaya na-goyo na-engganyo ako. Eto ako ngayon, nambuburaot.

3. Are you trying to make money online, or just doing it for fun?

Wala lang, nag-aasar lang talaga ako dito. Pag nakapang-asar ako, masaya na ko. Pero.. sempre laging me pero.. kung makakabili ako ng bagong eroplano dahil sa pagba-blag, bakit hindi?

4. Tell me 3 things you LOVE about being online.

a. Sarap mang-asar. Lalo na’t hindi ka naman nakikita ng inaasar mo.

b. Tahimik ang buhay. Kasi kahit nakikipagwentuhan ka, di naman kayo nagsasalita, type ka lang ng type. Pag wala ka naman masabi, daanin mo na lang sa mga smileys solb na rin.

c. Convenient. Di ko na kelangang magsuot ng costume. Kahit naka brief lang ako pwede.

5. Tell me 3 things you STRUGGLE within the online world.

a. Di ako webmaster. Kung kaya kapag me bago, aabutin muna ko ng siyam siyam bago ko matutunan ito. Di tulad nung iba, mabilis pa sa alas kwatro, naka set-up na.

b. Too little time. Sandamakmak na meme at sandamakmak na widgets, kulang sa panahon. Kahit gusto kong bumabad online, di pede. Kelangan magtrabaho ng totoong trabaho. Lalo pa at hanggang ngayon di ko pa rin nahahanap yung matagal ko nang hinahanap, si Kopong Kopong. Ilang buwan na ko dito di ko pa rin sya naiispatan.

c. Passwords. Sa dinami-dami din ng ga widget at mga kung anu-anong anik anik na susubukan mo kung okey, andami mo ring password na kailangang tandaan. Kahit pa solb ka na sa serbisyo nung anik-anik na napili mo, handami pa rin. Hindi naman pedeng pare-pareho password mo, kasi kapag na-hack ka ng minsanan, yari na lahat ang buto-buto mo.

Kaya ngayon hindi na lang PASSWORD ang password ko. Minsan ginagawa kong PASS, minsan naman WORD.

Krismas Parti

Sunday, December 23rd, 2007
Waaaaaarggggggggggggghh!
Kaasaaar talaga. Grabe na to.
Di ako umatend ng krismas parti namin. Feeling ko ako yung Pinoy version ng the Grinch. Katwiran ko, busy ako sa blogging ekek ko. Kasi panggabi ang trabaho ko, gabi-gabi. Pag-uwi ko naman sa umaga, nakaharap na ko sa kampyuter habang nagpapa-antok.
Kaya wala na akong time magparty-party na yan. Pinipilit ako umatend nung boss ko. Nung una, RSVP pa. Di ako pumirma, sabi ko, eh matutulog nga ako eh. One day before da parti, me note, magdala lang daw ako ng pang exchange gip okay na rin. Dedma pa rin ako.
Tapos, nung araw ay gabi pala ng party, pasok ako. Nagdaratingan sila me kanya-kanyang bitbit. Dedma pa rin. Sabi nung isa, sayang Buraot, sana meron ka rin. Kaya kong bumili nyan, sagot ko naman.
Pero anakanang weteng, nakanmpucha, walanjo na walastik pa. Yung isa me bitbit na plasma TV. Bigla akong naglaway na parang alagang aso ni Pavlov. Slrrrpppp! Huwaawwww!
Me isa nanalo ng libreng one week paid off. Hayyyyyy! At eto pinaka pinanghinayangan ko. Me isang nanalo ng free round trip ticket anywhere in the world. Anywhere in the world. Put$%$%^$% talaga naman oo. Pag sinuswerte ka talaga, daig mo pa juma-jackpot. Sising-sisi ako. Eh kung ako nakakuha nun, e di sana nasa Pinas na ko ngayon. Hmpttt!
Kaasar. Me pa-grinch grinch ka pa kaseng nalalaman.

Abogado ni Kopong Kopong

Saturday, December 22nd, 2007
Magrereklamo ako. Discrimination, racial profiling at kung anu ano pa. My rights were violated. Kukuha ako ng pinakamagaling na abogado para ipaglaban ko ang aking niyurakang dangal.

Yang PPP na yan, Entrecard at kung anu-ano pa. Ayaw nila sa akin, kasi di raw ako marunong mag-English. Ang sabi nila, mag-aral daw muna ako. Kahit konti lang daw, baka daw sakali pumasa ako. Ayoko nga! Marunong pa sila sa ken. Ayokong ipagpalit ang integridad ng blog na ito. Ayokong ipagkanulo ang aking pananagalog dito. Makabayan ata ako. Kung ayaw nila sa blog ko, wag nila. Yun na lang ibang blogs.

Bakit, pag ba magaling kang magsalita ng Ingles, matalino ka na? Kapag ba english ang version ng salita mo, maiintindihan ka na ng madla? Eh pano kung jologs ang aking madla na nag-eenjoy namang makichukchak sa Tagalog? Papano kung nauuta ka na sa English at gusto mo ng native? Papano kung mas trip kong gamitin yung ibang salitang para kang nakikipag-usap sa mga ibon?

Kaya ba sikat si Inday kasi high polluting ang Ingles nya? Masarap pa rin ba pakinggan yun sa tenga kung umaagos na ang dugo sa ilong mo? O nakapikit ka lang kasi di mo naman talaga naiintindihan at nakiki-ride ka lang? Bakit kapag ibang contestant sa Miss Pulis Pangkalawakan, pwede kumuha ng interpreter, bakit pag tayong Pinoy hindi? Bakit pag Pinoy ang nag-iingles ng pilipit, nakakatawa, pero pag Amerkano nagta-tagalog ng pilipit, kyut? Bakit tanong ako ng tanong, di ka rin naman sasagot?

Kinusulta ko ang isa sa pinakamagaling na abogado ni kopong kopong, si Atty. Dacuycoy. Sabi nya, malaki daw laban ko kaya makakabawi ako. Kailangan ko lang daw siguruhin na itataktak ko at di ako tatakbo. Sabi ko, atorni, kahit pa ubod ng nakngteteteng super duper arte si Wille, TFC pinapanood ng nanay ko dito. Ngumiti lang sya at tumitig sa hangin.

Di mo naitatanong, matagal nang abogado itong si atorni. Matindi ang kanyang bio data. Sumikat sya nung maging isa sya sa legal counsel ni Pepe sa Fort Bonifacio. Sabi nya ke Pepe…..

“Hokey lang yan kahit mayaman ka, mas mahirap ka pa rin sa mga prayle, kaya sigurado, magiging bayani ka. Pero para mas epektib yung photo ops mo kapag binaril ka, tatalikod ka muna, sabay biglang harap, parang model ng shampoo, oks?”

Kung kaya naman, sya ang kinuhang abugado nina Procopio at Andres noong nililitis ito ng tropa ni Aginaldo sa kasong rebelyon. Sabi nya…

“Hokey lang yan, mas patok sa pipol ang underdog, kaya wag na kayong magkudeta, kopo na nina Aginaldo ang mga sundalo. Kung ma-salvage man kayo, at least bayani kayo di ba? Kaya lang bawal ang kamera, walang piktyur! Wala na ba talaga kayong iba pang kapatid na pede isama, mas marami kasi mas patok!”

Sya rin ang nag-arbitrate nung peace agreement nina Lapu-Lapu at Magellan.

Lately, tingin ko sya ang nag-advise ke Trillanes na mag walk out sa korte at magkuta sa Manila Pen. Di lang sinunod ni Trillanes yung advise nya na maging bayani, allergic kasi yun sa usok.

“Ano, game ka na ba?” tanong ni atorni. “Wak na lang atorni, baka ma-whammy pa ko. Gimme some money lang naman gusto ko.” sagot ko.

“KJ ka naman, anti-hero kaw.”
“Anti-hero ka dyan, anti-hero mo mukha mo.”

Award Award

Tuesday, December 18th, 2007
Nung bata pa ko, lagi akong me award sa nanay ko.

“Hinayupak kang bata ka. Hindi ka ba talaga maliligo?” Hayun hahabulin ako ng palo maligo lang ako. Nung nasa elementary na ko, “Wala ka ba talagang balak maglaba ng mga damit mo? Tambak na mga lamog mo, anong palagay mo sa kin personal na labandera mo?”. Nung na sa college naman na ako, “San ka na naman nanggaling, di ka na naman umuwi kagabi! Baka mamaya, me iuuwi ka na namang buntis dito?”

Hindi ako nawawalan ng award. Pero sa totoo lang, yun lang ang lambing sa kin nung Mama ko. Sa erpats ko naman wala masyado, kasi tahimik lang yun. Bigla na lang ako hahampasin ng martilyo nun. Ganun. Minsan nga, sa tindi ng high blood nun, bigla na lang ako pinalusot sa timba, kasya naman ako.

At dahil award ang nawewento ko, very timely ang mga award na naibigay sa akin ng iba pang mga ka-berks ko dito sa blogosphere. Siguro, wala na lang sila mapagpasahan, naipasa na nila sa lahat, kaya no choice kundi sa kin ibigay. Lols!

Unahin ko na itong blog award na galing kay Prue, na siya ring nagbigay ng super-habang meme sa akin na chinop-chop ko in 3 parts. Kung bakit nya ito inaward, siguro para bumawi dun sa pahirap nung meme nya. Hahahaha!


Bodacious? Kung ano man yun ewan ko, siguro sexy at cute. Feeling ko lang yun sempre. Parang bongga ang dating. Tenks Prue. Kaya naman ipinapasa ko ito sa mga bonggacious kong blogger friends. Ito ay sina lukaret ng Kalderweusch, sa reyna ng mga reyna na si Reyna Elena, at kay Pusang Maganda. Lahat sila ay bongga sa aking paningin.

Eto naman ay galing ke gamerchick Evilwoobie. Nakanaks Spreader of Love Award. Para akong si Mr. Kupido ha. Baka Joe D Mango. Ang pagkakaalam ko, asar ang ikinakalat ko. Natural kasi akong pang-asar. Tenks!


At ang award na ito ay sempre kelangan ipasa ko. Inaaward ko ito sa gorgeous and cute na Cebuana, si Maarni ng Midori-X, at kay Prue na very merry ang krismas.

Heto pa ang isa, para makarami. Galing naman ito kay Ipanema na isa pa ring walang katulad. Best friend award. Thanks Ipanema for having me as a friend.


At dahil tungkol sa best friend ang award na ito, ipinapasa ko naman ito sa mga ka-repakols kong makukulit din. Tagay para kina Coldman ng Anukayayun?, na katulad ko, ayaw ding magpa-piktyur ng nakaharap, kay #@&$$$@@ Ferbert na mabuti na lang hindi kamukha ni kokey na alien, si pareng Ambrosio ng Pinoyambisyoso.Com at para kay sister Nalen ng Manilenya.Com. Eh… ikaw, sinong bestfriend mo duon?

Heto may isa pa. Oo madami pa. Galing naman ito kay kumpareng Ding ng Inkblots. Nakanaks naman, amazing award. Feel ko tuloy si spiderman. Tenks!


At ang alam kong amazing din na mga mala-superheroes bukod kay spiderman ay si Evilwoobie na walang sawa sa pagma-market sa akin at sa aking mga blog. Kaswerte ko at may libre akong PR manager online. Tenks woobie. At pati na rin kay Ipanema for being simply amazing. Smart, brilliant, marunong mag belly dancing, multilingual din at higit sa lahat, a woman in every form.

At oo, Julia Julia, heto kasali ka rin, special mention pa. Dahil lahat ng award na yan kasali ka. Handami nyan! Baka naman magtampurorot ka pa ha?

PSP: Ang Alamat ng Larong Sumpit

Saturday, December 15th, 2007

Hindi ito tungkol sa Playstation Portable na uso ngayon. Ito ay sa larong uso noon nung kapanahunan namin ni pareng kopong kopong, ang PSP, PaSumPit. As in Sumpit.

Ngayon kasi uso na ang mga war games war games gamit ang paintball o airgun. Enjoy di ba? Kala mo real life, minus the totoong mga baril. Kaso mo mabigat din sa bulsa.

Naalala ko tuloy (dami ko naaalala), mula sa bahay namin sa Dimasalang, dadayo pa kami nina Limahong dun sa Blumentritt, lakad lang. Hindi para mamalengke kundi para bumili ng supot supot na balatong (munggo). Tapos dadaan kami dun kina Mang Sebyo na Intsik para naman bumili nung pang sumpit. Di ko na matandaan tawag dun, kopong kopong pa eh. Yun yung plastik na parang straw kaso medyo mas makapal at mas mahaba sya. Yun ang ginagawa naming sumpit.

Didesenyuhan pa namin yung sumpit na animo eh baby armalite gamit ang rubber bands at kung anu-anong maisip namin. Meron pang magasin na gawa sa bahay ng posporo. O di ba hitech. War games na! Yung iba, lumalabas ang natural na pagka-creative kasi meron pa silang belt na puno ng magasin (bahay ng posporo na puno ng munggo), galing. Reload lang ng reload kapag naubusan ng bala sa gyera.

Meron din kaming mga armor at bullet-proof vest gawa sa mga karton na nahingi namin dun sa tindahan nina Aling Charing. Sempre, masakit din kaya makatama yun. Minsan nga, natamaan ako sa mata, sakit. Eh di pa naman uso goggles nun. Kaya bawal magpatama sa mata, delikado. Ang style ko, sa tenga ko pinupuntirya, para iging.

Bukod pa sa masakit sya makatama, mabantut pa minsan. Kasi yung nangsumpit sa yo kakagising pa lang, di pa nagtu-tutbrash. Madalas pagkatapos ng war games, no choice ka kundi maligo kasi basang-basa ka sa laway kakasumpit sa yo nung kalaban. Kadalasan pa naman, kala mo automatic rifle ang style nung sumpit nila kung magbuga. Mas marami pang laway kesa sa bala. Lagkit. Amoy araw ka na nga, amoy laway ka pa.

O di ba? Bukod sa mura na, libre exercise at enjoy pa. Siguraduhin mo lang magdamit di kagaya nung nasa piktyur sa itaas. Kase bukod sa baka mapulmunya ka, sigurado maliligo ka sa laway.

2007 1st Christmas Tree Blog Parade

Friday, December 14th, 2007

May Merry Krismas Tree ka na ba? Ako, oo, katatayo ko lang. Kundi pa ako nai-tag ni ambrosio di ko pa maitatayo agad. Kasi naman, andito ako, malayo sa amin. Nagpapaskong paksiw. At sempre pa kahit araw ng pasko, kelangang magtrabaho. Ala naman akong lablayfs dito. Kaya, kayod na lang ang gagawin para maiwasan ang homesick at lamig ng pasko.

Pero bago pa bumaha ang luha at mag best actor ako dito, heto na ang krismas meme na ito. Si bluepanjeet ang promotor nito at nasabit ako thru ka ambo. Kelangan mo lang naman, in the spirit of Christmas, piktyuran ang iyong krismas tree at i-post sa blog mo.

############ START KOPYA HERE ############

This is a First Annual 2007 Christmas Tree Blog Parade Meme created and conceptualized by OTWOMD of Bluepanjeet.Net. The purpose of this meme is to enliven the Christmas spirit by showing to the world our very own Christmas trees. They say that it is on the Christmas tree that best describes how a person celebrates Christmas.

So here are the rules: (oo laging me rules)

1. Make kopya the Logo of this meme (Pagtapos mo downoad, salpak mo sa sidebar mo, blaha ka kung papano style gusto mo) and post it on your entry.

2. Take a piktyur of your Christmas tree inside your haybols. A “whole” shot is the most appropriate photo. And post it on your entry. Siguraduhin mo lang na wholesome ang pic.

3. Tell something about your tree like sino nag-decorate, what are the anik-aniks and ek-eks, or what is the ka-eklakan and meaning of your Christmas tree this year.

4. You can put any title on your meme but don’t forget to include this “2007 1st Christmas Tree Blog Parade”.

5. Do the link MRT train history. Put the link of previous bloggers who tagged you and your own link.

Example: 1 is to 2 times the square root of 58 Tag History: Bluepanjeet - “you” -

The MRT link train will provide clue on “who tagged who” and at the same time a reference of data for the promotor of this meme. Ala blue’s clues.

At sa Fiesta ng Three Kings (Tito Vic en Joey o APO Hiking?) on January (The official ending of the Christmas Season), Bluepanjeet.Net will launch a mini site that will feature all of the participant’s Christmas trees for 2007 with a link back to their site. That is why it is very vital that you maintain the link history so that your Christmas tree will be included in the Christmas tree blog parade of 2007 and will be a part of history.

So tagtag now, you only have one month 10 days to spread this meme.

My Krismas Tree Tag History: BluePanjeet - Pinoy Ambisyoso - BURAOT - “ikaw, oo ikaw nga!” (salpak mo link mo dito)

############ END KOPYA HERE ############


(ako at ang aking krismas tri)


Sowee nagmamadali ako di ko na nasuot yung costume ko. Bilis bilis eh. Sya sige na, magbabalot pa ko ng gips.

Kaya tuloy tuloy nyo lang itong choo choo MRT train na ito. Be Proud, Be Gay. Be proud and be gay this coming Krismas!

Ang MRT Krismas Train:

Somewhere in My Memory by Bluepanjeet.net
2007 1st Christmas Tree Blog Parade by Kotsengkuba.com
2007 Christmas Tree Blog Parade by Mynosebleed.com
2007 Christmas Tree Blog Parade by Enelym001.wordpress.com
2007 Christmas Tree Blog Parade by Jovi2hottie.wordpress.com
2007 Christmas Tree Blog Parade by Amorfrancis.com
2007 OTWOMD Christmas Tree Blog Parade by Pinoy Ambisyoso
2007 Christmas Tree Blog Parade by BURAOT

At ang sasagasaan ko ng tren an ito, si gamerchick na si Evilwoobie at sempre ang tampororot na si Julia Julia at ang gorgeously cute na si Maarni ng Midori-X.

Maligayang Pasko! Paksiw!

Bagong salta? Kunin mo welkam gift mo dito

BABALA:
Koboy lang ang pwedeng pumasok dito! Kung Indyan ka, sorry ka!
PG 13 & PG 75 Ang ilan sa mga eksena ay maaaring hindi angkop sa mga bata. Patnubay ng magulang ay kailangan. Kung sobrang tanda mo naman, kailangan mo ng patnubay ng mas nakababata, baka di mo maintindihan.

Para sa LIBRENG updates


Salpak Mo Email Mo Dito:

Ipapadala thru Airmail

Featured Songer

Barilin si Boy Pana