Best Cachupoy Blogs!

December 4th, 2007 by BURAOT Categories: Mala Cachupoy 9 Responses

Eto, me magandang pakulo si badoodles. The Search for the Best Humor Blogs of 2008. Kung may alam kang ala-cachupoy na blogs na kumiliti sa tinggel mo o nagpataas ng balahibo mo sa ilong, o kaya me blog na kapag binasabasa mo eh parang me umiihip sa tenga mo, pagkakataon mo na to….

Eh ano naman ngayon? Eh kasi me chance kang manalo ng sandamakmak na salapi mula ke badoodles. (hanyaman!)

Eto ang mga premyo:

1. Kung ang kahit isa sa mga binoto mo ay makapasok sa final Top 10, pasok ang name mo sa bubunuting raffle ng isang independent 3rd party committee (dont wori, hindi Comelec, pramis!). Ang isang mabubunot ay pipili ng kanyang magiging premyo [isa lang sa mga sumusunod]: Nokia N70 Music Edition, Sony Cybershot Digital Camera, o halagang 15,000 pesoses. Wow! Hanyaman talaga!

2. Ang mga makakapasok naman sa Philippines 10 Best Humor Blogs ay makakatanggap ng isang kahong diatabs, ehe certificates at exclusive bragging rights pala. (ako si cachupoy, me reklamo?) Ang Top 3 sa mga ito ay makakatanggap ng ‘Oscars of Blogging’ na tropeo. Ang mga mananalo ay i-aanounce sa site na Kwentong Barbero sa 2008.

Hello… Pinoy Blogosphere(tinanggal ko na yung links on 2/16/11)! Wala pa ring nagpaparamdam dun sa premyo ko dun sa pinoyblogero.com (tinanggal ko na yung links on 2/16/11). Sabi kasi dun sa pinoyblogero site, yung October raffle (http://www.pinoyblogero.com/2007/11/03/pinoy-blog-of-the-month-october-winners/) winners nila, eh isa ako sa wagi ng webhosting package mula daw sa PBS. Hanggang ngayon, wala pang nagpapa-ramdam. Hmnn.. me kinalaman kaya yung pagka-hiatus ni Karlo? Heniway, abang-abang lang muna… ehem!

Bwenas ata ako sa mga raffle raffle. Naalala ko nung bata pa ako, tuwing bibili ako ng plastic baloon lagi ako me nabubunot na premyo. At dahil, maganda premyo ni badoodles, sali na ko dito! Heto na boto ko, ipa-patrol ko!

1. Ang Blog ni Inday. Da best pa rin sa akin si Inday. Tuwing dadalawin ko siya, pinapadugo nya ilong ko. High-polluting! Naa-arouse ang aking brains. Haylafits!

2.Anak ni Kulapo. Sempre, sino pa eh di ako. Patronize your own. Ilalagay ko sanang number wan, kaso overkill na yun. Baka mamya me magreklamo pang media.

3.Tanginang Alien ni Ferbert. Ibang klase kasi etong tirada nitong repapits ko, kahit me mura, hindi katulad nung mura nung ibang mga blogs na walang kwenta. Dito pag nakatikim ka ng lumalagutok na PI, you are loved.

4.Blog ni Ella mula kay Ella Baby. Matindi din ito, seryoso mga banat parang nobela na drama. Yun pala nasa huli punch lines. Madalas nagugulat ako. Whoa!!! Whoa pa ulit!!!

5.Dear Diarya ni Mr. D. Simple lang pero rock! Tindi ng mga one-liners nito, pwedeng pang showbiz, ala “You are nothing but a second rate, trying hard, copycat! Swoosh!”. Alam mo na ang nagsusulat eh intelehente.

Ano, ha? Sali ka na? Ooppss opps.. teka muna, wag ka masyado excited. Eto rules. Oo sempre me rules.

1. Kailangang may sarili kang blog. Kung wala kang blog, wag ka na. Gumawa ka muna.
2. Iboto ang iyong 3-5 peyborit cachupoy blogs sa pamamagitan ng pagpo-post tungkol sa mga ito sa iyong blog. I-rank ito mula Number 1 to 5.
3. Ang mga binotong cachupoy blogs ay magkakamit ng kaukulang boto:

  • Number 1 – 5 votes
  • Number 2 – 4 votes
  • Number 3 – 3 votes
  • Number 4 – 2 votes
  • Number 5 – 1 vote
    4. Ang title ng iyong post ay pwedeng “Project Lafftrip Laffapalooza”, “Super Cool Blogs”, “Best Humor Blogs”, “5 Blogs Na Nakakatawa” o kahit anong maisip mo, kahit korniks.
    5. Ang iyong post ay pwedeng in ispokening inglis o Tagalog.
    6. Sa iyong post kelangan mong banggitin na sumasali ka sa Project Lafftrip Laffapalooza at i-link ang site ng http://kwentongbarbero.com
    7. Kung sa tingin mo ala-Cachupoy din ang blog mo, pwede mong iboto ang sarili mo. Matapos i-evaluate ng me pakulo kung humor blog ka din, ay sasabihan ka nila kung cachupoy ka nga.
    8. Tandaan, 3 hanggang 5 lang ang pwedeng iboto. Hindi pwede ang tabla sa iyong ranking.
    9. Mag-iwan ng comment sa kwentongbarbero.com under Project Lafftrip Laffapalooza para malaman ng may pakulo kung may pinost ka nang cachupoy blogs sa blogsite mo .
    10. Kung sakaling papalitan ang ranking ng mga binoto o kaya may papalitan kang peyborit blog [nag-LQ kayo, hindi bati, etc], kelangang i-inform ang may pakulo.
    11. Heto ang sample entry ng pagboto.

    O sya, meron ka bang nakatagong Cachupoy in you? Me kilala ka bang blog na mala-Palito ang dating, o kaya kamukha ni To-Chiquits? Kung oo, pasyal na ke Kwentong Barbero at magpakilala kang manager nila, ehe botante nila pala. Apir!

    1. Ambo says:

      Aba ayos dagdag boto ito ah! sige hop hop ka pa bilis para dumami at mapasama tayo sa finals! o di ba laki ng premyo! hehehe. Heniweys, ayos din yung blog nung nagmumurang alien! nibasa ko ok din. Btw, lekat na flickr yan! Puro pugot na ulo! bwahahaha

    2. BURAOT says:

      baka manalo, sayang din yung 15 tawsan pesoses! lols!

    3. FerBert says:

      aba! pers taym.. napasali ako.. wooohooo! me 3 points na ako.. salamat repakoi! mabuhay ang mga gwapong blogger!

    4. BURAOT says:

      ayos tol. laki premyo ni badoodles!

    5. badoodles says:

      salamat sa pagsali pareko. nag enjoy ako sa mga binoto mo. nabilang ko na din. tenks u.

    6. Maru says:

      uy! usapang-babae, kung sino manalo dapat mamigay ng balato ha?
      nga pala, buraot baby, bakit hindi ako makapag subscribe ng rss feeds mo? :( mag iisang taon na yata ako sa kata-try. aabutan na ako ng 2008. echoos!
      o baka naman teknobopols lang ako. panu ba?

    7. BURAOT says:

      tenkyu badoodles. ganda pakulo mo tsoong!

    8. BURAOT says:

      maru, oo bah, pag natsambahan ko yun, ipambabalato ko. hekhekhek!

      para ala vote-buying, yung bumoto sa kin, papartihan ko! Wahahahaha!

      ngek! d ka maka-subscribe? ikinakabit mo ba sa site mo o gusto mo lang makatanggap ng updates?

      pero to subscribe, just click yung ANO HA? button sa sidebar. then choose your reader and subscribe, or view feeds then subscribe

      kung updates, using your email would be best.

      sa ibaba nung ANO HA? button, salpak mo email mo dun. oks! tenks!

    9. Anonymous says:

      Ayos! Pag nanalo ka balatuhan mo ako ha? Kahit pampisbol lang, kaya lang sa Tuguegarao ko pa bibilhin kaya laki-lakihan mo yung balato! :)

    CommentLuv badge

    Get Adobe Flash playerPlugin by wpburn.com wordpress themes