Paningit muna ulet. Katatapos lang nung pautot na eleksyon dun sa gilid at ang milyun-milyon pong nakilahok sa halalan ay nakapag-desisyon na.
Ba’t ko ba nailagay yung kung-fu, san naman ako kukuha ng mga music na ala Jaki Tyan.
Salamat po sa Sipsip and Velayo, ang ating inarkilang accounting firm na tagapamahala ng bilangan na nahirapang magbilang ng milyun-milyon ninyong mga boto na nagmula pa all over the world.
Salamat din po sa mga tumangkilik at dun sa mas gusto na manahimik na lang ang blog ko, sowee ka. Kahit pa nanalo ka, maglalagay pa rin ako ng music dito kasi blog ko to. Heheheh.
At dun sa nagtangkang mang-hijack nitong blog na ito kahapon.. brad, idaan na lang natin sa inuman yan. Sori di epektib ang kulam mo, me kasangga ata akong albularyo. Better luck next time.
Eto po ang countdown:
Anime 10
Kungfu 6
Tito Vic & Joey 4
Instrumental lang 4
Yoyo Vilame 2
at Manahimik ka na lang 2
Sensya na, nangangarir pa rin ako ng mga tags nina CHUVA, WOOBIE, A2V, KOTSENGKUBA at AMBO at hmnn.. parang me nalimutan pa ako….



hahaha di ko napansin yang botohan na yan ah. ayos nangunguna ang anime! go go go! teka, paano mo naman nlaman na me naghahahak sa yo kaps?
abah naman sikat na sikat ka na hinahack ka na e
hehhe.. feeling sikat lang ako ka ambo and sister manilenya. wehehhe..
aktwali, di ako sigurado. nawala ung sidebar ko, tpos pag lo log on ako, me naglo-load na ibang info na alam ko na ala namang nakakabit na ganun dati. lam mo na parang sa chatrooms pag binuboot kaw.
so gawa ko, delete ko buong html codes, tpos ni-load ko yung bak ap pra sigurado.