Gagong Gupit

December 11th, 2007 by BURAOT Categories: Basta Pinoy Koboy, Mala-Impaktong Buhay Buraot 3 Responses
Maliban ke badoodles, ilang buwan na din akong di nakakakita ng barbero. Para maka-tipid, di muna ko pumapasyal sa barber shop. Di rin ako nag-aahit. Oo, pati tutsang. Sabi nga ng utol ko, mukha na akong ermitanyo.

La lang, feeling ko kase ulit magpa wrong hair. Sa sobrang tagal ko ngang di nagpapatubo ng bigote, balbas at atsaka, mukhang medyo nagtampo na. Yung unang tubo sala-salabat. Pag me poporma porma nga sa trabaho at sisitahin ako, sasabihin ko lang “o ano, gusto mo tusukin ko ngala ngala mo gamit ang bigote ko?”, la na tatahimik na.

Nami-miss ko kasi yung hitsura ko nung college na mahaba buhok. Kaya lang matagal talaga sya humaba. Natural kasi akong kulot. Pag inaasar nga ako na ang kulot daw salot, sagot ko lang, kulot kyut. Kung bakit naman kasi talagang esponghado buhok ko eh. Hindi katulad nung isang kulot na buhok ni Superman sa noo, yung sa akin, sa mga unang buwan, makapal, hindi mahaba. Konting kapal na lang, mapapagkamalan na kong myembro ng Jackson 5.

Kaya, bukod pa sa medyo masama na tumingin sa kin yung boss ko, naiinip na din ako kaya nagpa gagong gupit na ko. Pero iniwan ko pa rin yung aking bigote atsaka balbas. Para me pangiliti. Heheheh.

Nalala ko tuloy yung mga kantyaw sa Pinas kapag gagong gupit ka.

“San ka nagpagupit?” Sa barbero..
“O kumusta naman yung barbero?”
“Gusto mo gulpihin natin gumupit sa yo?”
“Tol, bagong tasa ka ah.. mapurol ba yung pantasa?”

At ang pinakapudpod na linya sa lahat….

“Pangit ka nagpa-pagupit?”

Eh pangit mo naman tinatanong?

  1. rhyannefranz says:

    pag sa barbero pag sa parlor at bading ang gupit ganito ang linya.
    “wow bago tsupit, magkano bayad mo”
    “wala pero may sukli pa”

    rhyannefranz’s last blog post..Anak ng Kulapo

  2. BURAOT says:

    heheh. libre gupit. me libre din chupa chups. wahahaha.

  3. rhyannefranz says:

    wakekkek… paldo ka naman pag uwi mo… kelangan mo nga lang din ng balot at sangkaterbang alkohol

Get Adobe Flash playerPlugin by wpburn.com wordpress themes