Yung bunso ko naman, dahil maliit pa okey na yung Gameboy Micro. Kaso mo, natural na marunong sa mga kung anu-anong kalikot kalikot. Genius kasi yun. (*ehem* mana sa tatay) Kaya pag buraot yun, madalas pinagbubu-bura nya yung mga naka-program dun sa mga PSP nung mga utol nya. Kapag nagsumbong yung me ari sa nanay nila, ibinabalik naman nya. Kung papano, ewan ko, di ko din alam. Kaya para di nya pakelaman, ang hirit nya, PSP din. Sabi ko nga, rubik’s cube na lang para mura.
Baka isipin mo, hanyaman ko, hindi. Sa ukay-ukay ko lang binibili yung mga yun. Ukay-ukay sa ebay. Saka okey lang, kasi sulit naman dahil matatalino sila lahat. Problema nito, usapan namin, pag honors sila ulit, laptop naman katapat. Madugo.
Kainis nga, kasi yung cellfon nung panganay ko na Hello Kitty, nanenok sa iskul, pati yung wallet nya. Natakot tuloy yung bata magsabi na nawawala pera nya at celfone. Kase dahil missing in action yung celfone nung panganay ko, sempre ia-upgrade ko phone nya. Sigurado matutuwa yun.
Wala lang, kasi sempre magpa-pasko na naman kaya naiisip ko lang sila. Naalala ko din yung mga laruan nung araw, walang elektronik elektronik. Holen, teks, trumpo, kitse (tansan), goma, pati mga balat ng kendi at balat ng kaha ng yosi katalo na rin.
Kaya, sa mga susunod na post, wento ko yung mga mala-impaktong laro namin nung bata pa kami. Yun yung mga panahong ka-taguan pung namin si Kopong Kopong at si Limahong. Yun lang. Gagawin ko pa yung santambak na tags. At sempre yung Krismas Tree piktyur para dun sa pakulo ni bluepanjeet, na-tag ako ni ambrosio eh.
Mukhang puro tags at meme kakaririn ko hanggang pasko….. paksiw!



SikatchuPosts