Award Award

I- Feysbuk Mo Mukha Mo!
Nung bata pa ko, lagi akong me award sa nanay ko.

“Hinayupak kang bata ka. Hindi ka ba talaga maliligo?” Hayun hahabulin ako ng palo maligo lang ako. Nung nasa elementary na ko, “Wala ka ba talagang balak maglaba ng mga damit mo? Tambak na mga lamog mo, anong palagay mo sa kin personal na labandera mo?”. Nung na sa college naman na ako, “San ka na naman nanggaling, di ka na naman umuwi kagabi! Baka mamaya, me iuuwi ka na namang buntis dito?”

Hindi ako nawawalan ng award. Pero sa totoo lang, yun lang ang lambing sa kin nung Mama ko. Sa erpats ko naman wala masyado, kasi tahimik lang yun. Bigla na lang ako hahampasin ng martilyo nun. Ganun. Minsan nga, sa tindi ng high blood nun, bigla na lang ako pinalusot sa timba, kasya naman ako.

At dahil award ang nawewento ko, very timely ang mga award na naibigay sa akin ng iba pang mga ka-berks ko dito sa blogosphere. Siguro, wala na lang sila mapagpasahan, naipasa na nila sa lahat, kaya no choice kundi sa kin ibigay. Lols!

Unahin ko na itong blog award na galing kay Prue, na siya ring nagbigay ng super-habang meme sa akin na chinop-chop ko in 3 parts. Kung bakit nya ito inaward, siguro para bumawi dun sa pahirap nung meme nya. Hahahaha!


Bodacious? Kung ano man yun ewan ko, siguro sexy at cute. Feeling ko lang yun sempre. Parang bongga ang dating. Tenks Prue. Kaya naman ipinapasa ko ito sa mga bonggacious kong blogger friends. Ito ay sina lukaret ng Kalderweusch, sa reyna ng mga reyna na si Reyna Elena, at kay Pusang Maganda. Lahat sila ay bongga sa aking paningin.

Eto naman ay galing ke gamerchick Evilwoobie. Nakanaks Spreader of Love Award. Para akong si Mr. Kupido ha. Baka Joe D Mango. Ang pagkakaalam ko, asar ang ikinakalat ko. Natural kasi akong pang-asar. Tenks!


At ang award na ito ay sempre kelangan ipasa ko. Inaaward ko ito sa gorgeous and cute na Cebuana, si Maarni ng Midori-X, at kay Prue na very merry ang krismas.

Heto pa ang isa, para makarami. Galing naman ito kay Ipanema na isa pa ring walang katulad. Best friend award. Thanks Ipanema for having me as a friend.


At dahil tungkol sa best friend ang award na ito, ipinapasa ko naman ito sa mga ka-repakols kong makukulit din. Tagay para kina Coldman ng Anukayayun?, na katulad ko, ayaw ding magpa-piktyur ng nakaharap, kay #@&$$$@@ Ferbert na mabuti na lang hindi kamukha ni kokey na alien, si pareng Ambrosio ng Pinoyambisyoso.Com at para kay sister Nalen ng Manilenya.Com. Eh… ikaw, sinong bestfriend mo duon?

Heto may isa pa. Oo madami pa. Galing naman ito kay kumpareng Ding ng Inkblots. Nakanaks naman, amazing award. Feel ko tuloy si spiderman. Tenks!


At ang alam kong amazing din na mga mala-superheroes bukod kay spiderman ay si Evilwoobie na walang sawa sa pagma-market sa akin at sa aking mga blog. Kaswerte ko at may libre akong PR manager online. Tenks woobie. At pati na rin kay Ipanema for being simply amazing. Smart, brilliant, marunong mag belly dancing, multilingual din at higit sa lahat, a woman in every form.

At oo, Julia Julia, heto kasali ka rin, special mention pa. Dahil lahat ng award na yan kasali ka. Handami nyan! Baka naman magtampurorot ka pa ha?

Tags: ,

This entry was posted on Tuesday, December 18th, 2007 at 10:55 am and is filed under buladasphere, buraot101, pinoy pride, tagnamo. You can follow any responses to this entry through the RSS 2.0 feed. You can leave a response, or trackback from your own site.

Leave a Reply

CommentLuv Enabled
Get Adobe Flash playerPlugin by wpburn.com wordpress themes