Krismas Parti
Kaasaaar talaga. Grabe na to.
Di ako umatend ng krismas parti namin. Feeling ko ako yung Pinoy version ng the Grinch. Katwiran ko, busy ako sa blogging ekek ko. Kasi panggabi ang trabaho ko, gabi-gabi. Pag-uwi ko naman sa umaga, nakaharap na ko sa kampyuter habang nagpapa-antok.
Kaya wala na akong time magparty-party na yan. Pinipilit ako umatend nung boss ko. Nung una, RSVP pa. Di ako pumirma, sabi ko, eh matutulog nga ako eh. One day before da parti, me note, magdala lang daw ako ng pang exchange gip okay na rin. Dedma pa rin ako.Tapos, nung araw ay gabi pala ng party, pasok ako.
Nagdaratingan sila me kanya-kanyang bitbit. Dedma pa rin. Sabi nung isa, sayang Buraot, sana meron ka rin. Kaya kong bumili nyan, sagot ko naman. Pero anakanang weteng, nakanmpucha, walanjo na walastik pa. Yung isa me bitbit na plasma TV. Bigla akong naglaway na parang alagang aso ni Pavlov. Slrrrpppp! Huwaawwww!
Me isa nanalo ng libreng one week paid off. Hayyyyyy! At eto pinaka pinanghinayangan ko. Me isang nanalo ng free round trip ticket anywhere in the world. Anywhere in the world. Put$%$%^$% talaga naman oo. Pag sinuswerte ka talaga, daig mo pa juma-jackpot. Sising-sisi ako. Eh kung ako nakakuha nun, e di sana nasa Pinas na ko ngayon. Hmpttt!
Kaasar. Me pa-grinch grinch ka pa kaseng nalalaman.
This entry was posted on Sunday, December 23rd, 2007 at 4:10 am and is filed under buraot101, pasko paksiw, wala lang. You can follow any responses to this entry through the RSS 2.0 feed. You can leave a response, or trackback from your own site.

























