» 2008 » January
Bwena Mano
MGA WAGI!
Narito ang mga nanalo at mag papartehan sa $550.00 na premyo sa Sikatchupoy si BURAOT Contest!
Para sa listahan ng mga nanalo ng milyun milyung singkong kulot... Klik mo mukha mo dito!
Where Da Hell is BURAOT?
COMING SOON!
TagNgYan Talaga Oo!
Dear Ate Charo:
Salimpusa

Archive for January, 2008

Blego: Baklang Agogo

Monday, January 28th, 2008

Talaga naman. Walaaaaa kayong kadala-dala. At walaaaaa kayong kasawa-sawa. Na mag-tag sa akin. Nyahahah! Kahit na binabalatuba ko lang ang mga meme, sige pa rin. Ganun kabibigat ang aking mga repapits.

Nung una ko to nabasa sa blog ni Evilwoobie, scroll down ako agad sa bandang huli. Nung makita ko na wala ang pangalan ko dun.. haaayyyyy! Nanlaki yata lalo ang butas ng ilong ko kase nakahinga ako ng maluwag. Parang me Vicks Vaporub.

Eh kasi naman, madugo yung tagnaito! Kaso mo, na tag nya si Pareng Ambo.. at tinag naman ako ni Ambo. Naknangteteng! Sabit pa rin. At dahil medyo paduguan, di ko na babalatubain ang rules. Kasi bakas mas di nyo maintindihan.

The rules: (kelan kaya magkaka meme na walang rules)

1. The person tagged must copy the word and paste the definitions of the word contributed previously by the people who did the meme. Link backs would be nice, but not necessary.
2. The person tagged must then add her own definition in this format ‘yourname.com’s definition’ and place your link. Being creative with the acronym is encouraged.
3. Answer the following questions.
4. tag 5 other people to do the meme.

The Questions: (kelan kaya magkaka meme na walang question marks)

1. Do you know what your blog is really about, and you can write a one-sentence promotional material for it in a flash? If yes, write it here. If no, pak this.
2. Do you join social networks to promote your blog? If yes, do you hope to find friends in these social networks and in the process get regular readers of your blog? If no, pak this.
3. Do you or do you plan to join ranking sites that put your blog in competition with others for popularity? If yes, do you or do you plan to monitor your stats regularly? If no, pak this.
4. Do you tweak your blog often in accordance with the tips you get from blogging guides and gurus? If yes, list the bloggers you visit often to obtain these tips. If no, pak this.
5. Do you think of your next post even if you have just written a new one? If yes, list your inspirations for posting, and/or some routines that you go through before posting. If no, pak this na naman.

—————————————————————————————————————

At eto na ang mala-impaktong kasagutan ni Kulapo sa meme na ito.

Blego (ayon kay Pinoy Ambisyoso) - n. a blogger who believes he knows everything, that he is superior among others, that he is popular, famous and genius. A self-centered blogger.

Blego (ayon sa Aklat ni Kulapo) - Blego = Baklang Agogo n. a cross-dressing transvestite who stripteases in cheap smoky bars where most guys are so drunk that they can no longer see that they were actually salivating for another guy.

At eto ang aking napaka-lalim na mga kasagutan sa mga katanungang isa hanggang ika-lima na nasa itaas.

1. Sa totoo lang, hindi po. Wala lang naman ako magawa. Ang aking naesep na promotional line para sa blag na ito? Eto, ala-komersyal sa radyo..

Ikaw ba’y hinihika? Kung gayon, naririto na ang kasagutan sa iyong hika.. Opo. Narito na. Magpakulo lang ng mantika. Laklakin ang kumukulong mantika! Garantisado, tanggal ang hika. Tanggal din ang iyong baga.

2. Opo. Sumasali po ako sa mga social networking sites. Pero hindi lang para i-promote ang aking blags. Kundi para i-promote ang aking sarili. Oo, showbis. I am my own product. Wag ka na pumalag. Minsan minsan lang naman ito.

3. Opo din. Katunayan paborito ko din yung mga kanta nya. “It’s not the way we held each others arms… what matters most is how well we… huh?” Si Kenny Rankin yun di ba?

4. Opo ulet. pag wala akong magawa, kung anu-ano ang mga pinagpipipindut ko dito sa mga sites ko. Kabit, salpak, tanggal, kabit ulit, salpak ulit, tanggal ulit. Lahat ng mga naka-link sa kin, kinokopyahan ko at dinedekwatan ko ng widget at mga anik-anik.

5. Opo na naman. Mas regular pa nga ang mga post ko sa blog ko kesa sa paliligo ko. Pag di na ako mapakali, hindi ibig sabihin nun, me naiisip akong ideyang pang post. Ibig sabihin nun, kelangan ko nang ilipat yung brief ko sa Side B.

Hokey. Pinish na. eto naman ang mga tina-tag ko para dito. Eto na po ang mga wagi… sina.. Pusang Maganda, Lukaret, Pinoy Entrecard (oo, Itot ikaw ulit), Spokening Peso, at Chuvaness (tol, eto nosebleed din).

EntreChu: Achuchuchu?

Saturday, January 26th, 2008
Heto na naman po tayo sa mga walang kamatayang mga train meme. At nasagasaan na naman ako ng KotsengKuba na pagala-gala sa lupain ng mga hopia. Kaya kesa matambakan na naman ako ng meme, kakaririn ko na ulit isa-isa. Ang Original na titulo ng meme na ito, ayon sa nagmamaneho ng kotseng kuba ay EntreChu: I Choose You.

Ang tag na ito ay isa na namang pautot ni iRonnie, na sya ring promotor ng Demonito Demonita noong nakaraang pasko. Paksiw. Tinawag niya itong “I Want Your Entrecards” **** Game for Entrecard Filipino and Non Filipino users****. At ayon din sa kanya, heto ang napaka-complicated na mechanics:

1. Bakit Entrecard? Bakeeet? Gumawa ng makabagbag-damdamin at mala-nobelang wento kung bakit ka gumagamit ng sabong panlaba Entrecard.

2. Mambola ng 3-5 blogista na alam mong gumagamit ng Lintekard at i-tag sila

3. I-return to sender ang pabor at magsalpak ng card sa Lintekard widget nila

4. Ipa-xerox ang game/meme na ito, at i-post. (pabor kapag wala kang maisip na mai-post) at idagdag ang iyong blog na me lintekard. Eto ay multi-level marketing at pyramiding combo kaya swak na swak sa iyo.

5. Sempre ili-link mo upline mo, ibig sabihin AKO. Kung gusto mo pa i-link ang mas nauna sa akin, nasa sa yo na yun. Problema mo na yun. Ngayon kung talagang desidido ka, hanapin mo dun sa upline ko dito ke KotsengKuba. Ikabit mo lang yung blog mo pagkatapos nung akin.

Mambola lang ng downline, presto! Upline ka na rin!

***Game Over***

Para sa rule number wan, eto ang aking uber-habang success story sa Lintekard na yan….

“Dahil sa lintekard dumami bisita ko na puro quickie. Tapos.” -BURAOT

Eto ang aking pyramid, flowchart, linktrain or wateber na gusto mo itawag dito:

iRonnie, - KotsengKuba - BURAOT - “Ikaw. Oo Ikaw nga!”

At ang aking tina-tag dito ay si …. Itot ng 100% Batangenyo. Oo tol ikaw nga! Ang lagay ba naman eh binoboto kita dun ke Mapiles ng walang kapalit? Tutal masipag kaw dito sa blog ko, ikaw na uunahin ko. Nyahahah!

Kayo namang iba dyan, kung gusto nyo rin, pasabi lang kayo at idadagdag ko dito.

Ang Bulaklak ng Saging

Thursday, January 24th, 2008
Ang tula na ito ay 45 years in the making. Isang araw, me natanggap akong email ke Bekbek. Naghahalukay daw sya ng baul ng makita nya ang kanyang kopong kopong na planner. Sa likod nito, nakasulat ang isang mala-impaktong tula na hindi naman tapos. Nakalagay din dun ang pangalan ng salarin na bumalatuba sa kanyang binibukbok nang planner. Sempre sino pa…. e di yung bida dito! Alangan namang ikaw eh blag ko to?

Kaya heto na po ang kabuuan.

Bulaklak ng Saging
(ang tulang 45 years in the making)

Minsan isang araw
Ginabi na ako non
Bitbit ko’y kalabaw
Ako’y napalingon

Mga surot na may kabag
Sa damuhan nakatuon
Mga kapre at tyanak
Ay nagkalason lason

Sapatos kong puti,
Asul ang kulay
Na minana ko pa
Sa mahal kong tatay

Ginawang palaso
Tahanan namin
Mga tutubi
Kaibigan namin.

Ang bulaklak ng saging.

Me Ranggo na Ko? Ows?

Tuesday, January 22nd, 2008

Tinimbrehan lang ako ni Kotseng Kuba dito. Me ranggo na daw ako. Esep esep ko.. eh ano naman ngayon? Magkakapera ba ako dun?

Pero syempre, no choice kasi curious dot com na ako. So pumunta ako dito sa PR checker ni Haring Gugel. Aba, oo nga, yung Literary Ekek ko eh me ranking na 3, at yun namang Antisocial ko eh 3 din ang rank.


Nung check ko naman nitong ke Kulapo, laglag! Pusoy Dos!

Ewan ko kung papaano nila nirarangguhan ang mga sites. Eh pagkaka-alam ko, eh mas marami akong suki dito ke Kulapo. Malamang, katulad na naman ng dati. Kase ang salita sa blag na ito ay Tagalized version kaya hindi pansin nung mga otobots na ingles spokening.

Oks na rin. Kakaumpisa ko pa lang naman. At kahit papaano, nakaka utay-utay kahit konti. Mas okey sana kung ang ranggo mo eh yung malapit na sa heneral, e eto parang kabo ka pa lang. Andami ko pang mamaniin na bigas.

Oo na. Wag ka masyado maingay jan. Wala nga ako akong mai-post, eh.

Palatastas Bilang #10Linking Park

Sunday, January 20th, 2008

Matagal tagal na din akong walang palatastas. Kung kaya naman heto na naman po ako ulet.

**********
Minsan, namasyal ako sa isang forest park di kalayuan sa LA. Napadpad ako sa isang ilog, pero wala akong makitang tulay. Me naispatan akong isang chikabeyb sa kabilang side. Oi, blonde. Ngumiti sya sa akin, kung kaya naman, napagdesisyunan kong magpakyut at puntahan sya sa kabila.Sinigawan ko sya. “Hellooooo! How can I get to the other sideeeee? (side… side… side… sempre me echo)” Eksayted pa ako.

Luminga linga muna sya sabay pabalik na sumagot na.. “Helloooo? You are on the OTHER sideeeeee!”

Hanggaling.

**********
Anyhoo, kaya ako andito, eh dahil bubulabugin ko muna ulet yung aking mga links. Di ko na kase makayanan ang sobrang haba kung kaya, ilalagay ko na lang sa isang link page. Sempre kasama nun ang kategorya kung ang blog mo ay mala-cahupoy din o prenseep lang talaga tayo.

Kung kaya naman, kung sakaling mawala yung link mo o/at sadyang wala pa dun, magpa-kyut ka lang at isasalpak ko link mo oks?

Oks!

Inday ng Buhay Ko

Friday, January 18th, 2008


Inday ng buhay ko, ikaw ay nasaan?

Pilit ibinasura, iniwang luhaan

Ako nama’y tapat, bakit ba naman

Pinagpalit ke Dodong na isang bayaran…

Oo, isa akong jilted lover ni Inday. At dahil umaalagwa na sya sa ere, dedma lang ang byuti ko sa kanya. Number wan pa naman sya sa akin, pero wala pa rin. Kung kaya sa tulong ng aking mga repapits, lintek lang ang walang ganti!!! Cahupoy blogs unite!!!!!

Oo na, kung hindi mahalaga sa kanya ang award ni Badudels, hindi rin yun importante sa akin. Ang mahalaga, yung premyo. Aba, piptin tawsand pesoses din yun, pambayad ng sarili kong bahay. At pag nakapagtayo na ko ng sarili kong bahay, mas marami nang Inday ang magkakandarapa sa akin. Tsura lang nya!

Oo ulet, nang dahil sa butas na naispatan ni KotsengKuba, magtatayo ako ng syamnaput-sampu na blog para iboto ko ang ibang humahabol sa kontest.

Oo din, di na nya kelangan award man o premyo, kasi sikat na sya ngayon. Kung noong una, ako lang ang watot nya, ngayon, pinipilahan na sya. Marami na ang sumisimsim ng kanyang bango. Pero oks lang, at sa tulong ng aking prensheeps, makakalimutan ko rin sya.

Oo pa rin, dahil sa post na ito, lumalabas akong bitter. Sori tol, paraan ko to para kalimutan ang nakaraan… ang mga maliligayang araw namin ni Inday. Tandang-tanda ko pa ang lahat Charo… nung unang maglapat ang aming mga mata… at sa kauna-unahang pagkakataon, sinambit nya ang mga salitang nagpalambot ng aking tuhod puso. Mga katagang hanggang ngayon ay di mawawaglit (hanlalim) sa aking isipan. Buong lambing na sinabi nya sa akin na… “Kuya…. wag po.”

Pero sa kabila ng lahat, come september when summer is gone, sa kabila ng mga intrigahang sabit ang akine ex, isa lamang ang pihadong maiiwang naka-tayo. Dyarannn! Si Badudels. Sya na tahimik na nagmamasid, ay sya rin ang naka-ngising tumatabo ng sandamakmak na traffic at atik.

Nakanamputs, hanef! Idol!

Si Boy Bastos, Bastush!

Thursday, January 17th, 2008
Minsan isang araw, napadpad na naman ako dito sa blag ng tinaguriang Porno King. Hindi para manghagilap ng mga wento at piktyur ng mga tsikabeybs. Pramis, sa edad kong ito, wala ng lumulukso sa akin kundi ang aking mga veins sa sobrang kakainom ng starbaraks.

At pag minamalas-malas ka pa, baka sa halip na porno makita mo dun sa site nya, eh maispatan mo pa yung kanyang “vedio” na so yuckie. Nyahahahah! Ngayon kung matigas talaga ulo mo, eto pasyalan mo dito. OO DYAN!

Pero dahil nga sa kanyang mala-SEO na pautot na kanyang naamoy ke Macuha, totoo naman nga na dumami ang kanyang bwisitors.

Ano ba meron si Boy Bastos? At bakit ba sya sikatchupoy? Talaga bang sadyang mahihilig ang mga pinoy o mahilig lang talagang mag-aral ng mga bagay-bagay na ikauunlad ng kanyang kaalaman. (oi, sex ed yun no)

Nung kakaumpisa ko pa lang dito sa blag na ito, me wento ako tungkol sa mga kumag na me mga alyas na Boy sa aking post na Oh Boy!. Actually, mga kapit-bahay namin sila sa Dimasalang. Dun na yata ako maraming nakilalang Boy. Andun si Boy Basura, Boy Paa, Boy Kulot, Boy Bahog, Boy Nana, Boy Bunganga, Boy Rosie, Boy Tabog, at kung sino sino pang Boy na hindi naman alalay. Kaso mo ang naging bwisita ko dun, eh isa lang… ako. Galing! Suki!

Pero di ko naispatan si Boy Bastos. Eh kasi naman etong si Boy Bastos, sosi, taga-Alabang eh ako Dimasalang lang. Gusto ko nga sana pasyalan si Boy Bastos, kaso sarado na shop nya. Tenks to Manay Loren na hindi umano mahilig sa porn.

Boy.. Boy…. ano pinipiktyuran mo dyan?…. ay bastush!

Bagong salta? Kunin mo welkam gift mo dito

BABALA:
Koboy lang ang pwedeng pumasok dito! Kung Indyan ka, sorry ka!
PG 13 & PG 75 Ang ilan sa mga eksena ay maaaring hindi angkop sa mga bata. Patnubay ng magulang ay kailangan. Kung sobrang tanda mo naman, kailangan mo ng patnubay ng mas nakababata, baka di mo maintindihan.

Para sa LIBRENG updates


Salpak Mo Email Mo Dito:

Ipapadala thru Airmail

Featured Songer

Barilin si Boy Pana