Si Tagpi na Sya Ngayon
Nung isang araw, Dec. 31, inutusan ako ng nanay ko na bumili ng isang tasang patis at isang boteng suka ng Jollibee. Kase nagkakatamaran magluto para sa Media Noche. Tutal kami kami lang naman sa bahay, yun na lang.
Sempre, nautusan, e di bili naman ako. Sabi nung Ate ko, “yung kotse ko na dalhin mo.” Yoko nga, mas gusto ko i-drive yung akin sempre, kase para lang akong nag-go-gokart dun sa Subic no.
Pagkabili ko ng 2 set ng party pack, uwi na ko. Pagsakay ko ke mini-buraot, salpak ko na yung soundtrack ko na anime sabay arangkada.
Pag-apak ko sa gas, parang me malabot na nadaanan, parang hump. Hmnnn.. ala namang hump dito ah… Diniinan ko pa apak sa gas. Ayaw talaga, parang me pumipigil. Ayaw mo ha?.. nilakasan ko pa.
Pagtingin ko sa kaliwang bintana ko, meron palang kumag na sigaw ng sigaw. “Whaddafak!! #$&%%^&%! Balablabala at bla pa!”
Anakanang, sya pala naka-harang. Yari. Purdos si mini-buraot ko. Huhuhuuhu!
Pagbaba ko, sabi sa kin nung driver nung trak, “What the fuck are you thinkin kid? Do you think your mini is good for my truck?” Who do you think you are, Mad Max?”
Kakamot-kamot ako sa ulo,”Sorry man, my mind is somewhere else..”
Ni-check ko yung tama. Wahhhhh! Yupi yung kotse ko, samantalang yung sa kanya, bumper lang ang nayupi at halos walang gasgas. Galit na galit yung kolokoy. Sabi ko wag na sya magalit, me insurance naman ako. Sinipa-sipa nya yung bumper nya na nayupi. Hanggaling! Bumalik sa dati. Parang walang nangyari. Samantalang yung sa akin.. it’s a wreck!!!!

(Si Tagpi na sya ngayon)
Sasalpakan ko na lang muna ng band-aid at salonpas itong si Tagpi.
Talaga naman etong si 2007, last day na nga nagpahabol pa ng huling hirit. Hokey lang, kumbaga huling alat na yun. Ngayong 2008, sigurado ako, puro bwenas naman.
Yahuuuuuu!!!!
























November 29th, 2008 at 2:19 am
[...] siguradong mawiwili ka. Kahit sinkong kulot ay walang ligtas sa kanya, pati ang sasakyan niyang si Tagpi ay kanyang pinararampa. Akalain mong ang mini cooper ay pinatalon niya sa tulay na sa kabilang dulo [...]
January 9th, 2009 at 12:52 pm
[...] sempre, natural akong pasaway. Dedma lang ako. Walang dulas dulas sa akin. Matindi ata tong si Tagpi. Marami ng pinagdaanan to. Pinatalon ko nga ito sa tulay habang natutulog eh. Yan pa! Dulas [...]
January 28th, 2009 at 10:24 am
[...] di kayanin ni Tagpi ang bumiyahe sa sobrang lamig. Baka rayumahin. Saka wala din naman akong tirechain. Kelangan mo [...]