Yahooooooooo!

January 12th, 2008 by BURAOT Categories: Blogag, Mala-Impaktong Buhay Buraot No Responses
Hokey sa olrayt! Wala na akong trabaho. At least wala na kong part time na trabaho. Ngayon, me oras na ako sa aking mga blogalots.

Kagabi lang, kinausap ko na yung isang boss ko dun sa isa kong trabaho at finally, sinabi kong “you can shove your job up your stinking bottoms!”

Hinde, joke lang. Di naman ganun ka-brutal. Di ba nga nage-esep esep na akong mag-quit talaga kasi sagabal sa pagba-blog. Pero me full time pa rin akong trabaho. Ang siste na lang kesa limang araw ako sa full time at dalawa sa part time, tinanggal ko na yung part time at ginawa kong anim na araw dun sa full time. At least ngayon me day off na ako. Yahooooo!

Pero dahil sempre, mababawasan ang aking anda, kelangan me pagkunan ako nung ibang pondo na kelangan ko. Lalu pa’t kelangan ni Tagpi ng surgery.

Oo ang galing mo. Naisip mo rin yung naisip ko. Kelangan ko nang pagka kwartahan ang mga blag na ito. Kaya ngayon kelangan ko na ding i-konsulta ang aking problemo sa mga beterano sa mga raket sa pagba-blag na sina ka Ka Ambo, KotsengKuba at Lukaret. At nang makapag-open na din ako ng account sa Banco ng Reyna.

Ala ay yun laang naman.

CommentLuv badge

Get Adobe Flash playerPlugin by wpburn.com wordpress themes