Heto na po, me update na ng bilangan dun sa pautot ng KwentongBarbero.Com na Best Cahupoy Blogs. Biruin mo, andami palang mala-cachupoy na blogs na gawa ng mga pinoy. Andami kong naispatan. Nung una, ni hindi ko nga naririnig kaya naman nung mapasyalan ko, nabingi ako.
At sempre katulad ng aking agam-agam, anlayo ng agwat ng aking syotang si Inday. Halos doble ang score nya sa number 2 na si mala-polvoron sa keseksihan na si Maruism. At opkors, nagpapasalamat din ako sa mga nagoyo bumoto sa akin. Kahit na bagito lang po ako dito sa kaekekan na ito, eh medyo nasa top ten naman. Naks!
At nasa 5-6 place ako katablahan si Jojitah.Com. Close kami ha? I’m sure magiging close kami talaga. Ehem. Heheheh.
Eto na po ang countdown ng mga nasa Top 20 (Twenty lang, handami eh). Para sa kabuuang listahan ng countdown, pasyal ka lang dito. Oo dyan.. Yung di pa nakakaboto, oi bumoto na kayo, at mapag-iiwanan kayo, ei kami pala.
Rank 1: Inday blogniinday.com 4,300 votes
Rank 2: Maruism maruism.com 2,900 votes
Rank 3: Reyna Elena reynaelena.com 2,300 votes
Rank 4 : Maldito thegreatmaldito.wordpress.com 1,800 votes
Rank 5 – 6: Spontaneity jojitah.com 1,700 votes
Rank 5 – 6: Anak ni Kulapo kopongkopong.blogspot.com 1,700 votes
Rank 7: Gagopolis poli-adik.blogspot.com 1,600 votes
Rank 8: Chuvaness mynosebleed.com 1,500 votes
Rank 9- 11: Chiksilog empermera.blogspot.com 1,400 votes
Rank 9- 11: Chillidobo chillidobo.wordpress.com 1,400 votes
Rank 9- 11: Mr. D deardiarya.blogspot.com 1,400 votes
Rank 12 – 13: Jon Cabron joncabron.wordpress.com 1,200 votes
Rank 12 – 13: Green Pinoy greenpinoy.com 1,200 votes
Rank 14 – 15: Gasti gasti.wordpress.com 1,100 votes
Rank 14 – 15: Defpotec defpotec.wordpress.com1,100 votes
Rank 16 – 17: Marijuana Den marcelomcrey.blogspot.com 1,000 votes
Rank 16 – 17: Pinoy Humor Blog paulding.blogspot.com 1,000 votes
Rank 18: King Daddy kingdaddyrich.blogdrive.com 900 votes
Rank 19 – 20: Anukayayun anukayayun.blogspot.com 700 votes
Rank 19 – 20: Blasted Brain Blog crost23.blogspot.com 700 votes
Hanggaling talaga ng pautot ni pareng badoodles. Making mala-tsunami waves. Hmmn. Mahigpit ang laban. Kelangang ko na ata kontakin si Garci. Si Lintang Bedol kaya? Oi, Batman bilis bilisan mo na dyan at napag-iiwanan ka.

(Huh? Bumoboto pa ko dito eh…Duh!!)
Naisip ko na rin na gumamit ng superpower para sa reinforcement, ang aking supah friends. Buti na lang, si repapits kotsengkuba ay me naisip na paraan. Ang maghakot ng flying voters. Para sa mga gustong humakot pa ng flying voters, pasyal ka dito sa Flying Voters Unite.
Galing talaga ni parekong KotsengKuba. Genuis. Hahakot na din ako maya-maya. Nyahahahha!


ang dami palang humor blogs..i only knew yours sir..and congrats you’re in no.6..nanalo ka ba sir sa final?
.-= genefaith´s last blog ..Importance of making a shopping list =-.
talo ako. wala sa top ten. wala akong masyado botante pa nitong time na to. hehhe. bagito pa lang ang site ko noon.