Inday ng Buhay Ko

January 18th, 2008 by BURAOT Categories: Mala Cachupoy No Responses


Inday ng buhay ko, ikaw ay nasaan?

Pilit ibinasura, iniwang luhaan

Ako nama’y tapat, bakit ba naman

Pinagpalit ke Dodong na isang bayaran…

Oo, isa akong jilted lover ni Inday. At dahil umaalagwa na sya sa ere, dedma lang ang byuti ko sa kanya. Number wan pa naman sya sa akin, pero wala pa rin. Kung kaya sa tulong ng aking mga repapits, lintek lang ang walang ganti!!! Cahupoy blogs unite!!!!!

Oo na, kung hindi mahalaga sa kanya ang award ni Badudels, hindi rin yun importante sa akin. Ang mahalaga, yung premyo. Aba, piptin tawsand pesoses din yun, pambayad ng sarili kong bahay. At pag nakapagtayo na ko ng sarili kong bahay, mas marami nang Inday ang magkakandarapa sa akin. Tsura lang nya!

Oo ulet, nang dahil sa butas na naispatan ni KotsengKuba, magtatayo ako ng syamnaput-sampu na blog para iboto ko ang ibang humahabol sa kontest.

Oo din, di na nya kelangan award man o premyo, kasi sikat na sya ngayon. Kung noong una, ako lang ang watot nya, ngayon, pinipilahan na sya. Marami na ang sumisimsim ng kanyang bango. Pero oks lang, at sa tulong ng aking prensheeps, makakalimutan ko rin sya.

Oo pa rin, dahil sa post na ito, lumalabas akong bitter. Sori tol, paraan ko to para kalimutan ang nakaraan… ang mga maliligayang araw namin ni Inday. Tandang-tanda ko pa ang lahat Charo… nung unang maglapat ang aming mga mata… at sa kauna-unahang pagkakataon, sinambit nya ang mga salitang nagpalambot ng aking tuhod puso. Mga katagang hanggang ngayon ay di mawawaglit (hanlalim) sa aking isipan. Buong lambing na sinabi nya sa akin na… “Kuya…. wag po.”

Pero sa kabila ng lahat, come september when summer is gone, sa kabila ng mga intrigahang sabit ang akine ex, isa lamang ang pihadong maiiwang naka-tayo. Dyarannn! Si Badudels. Sya na tahimik na nagmamasid, ay sya rin ang naka-ngising tumatabo ng sandamakmak na traffic at atik.

Nakanamputs, hanef! Idol!

CommentLuv badge

Get Adobe Flash playerPlugin by wpburn.com wordpress themes