Me Ranggo na Ko? Ows?

January 22nd, 2008 by BURAOT Categories: Blog Contests No Responses

Tinimbrehan lang ako ni Kotseng Kuba dito. Me ranggo na daw ako. Esep esep ko,  eh ano naman ngayon?Magkakapera ba ako dun? Pero syempre, no choice kasi curious dot com na ako. So pumunta ako dito sa PR checker ni Haring Gugel. Aba, oo nga, yung Literary Ekek ko eh me ranking na 3, at yun namang Antisocial ko eh 3 din ang rank.


Nung check ko naman nitong ke Kulapo, laglag! Pusoy Dos!

Ewan ko kung papaano nila nirarangguhan ang mga sites. Eh pagkaka-alam ko, eh mas marami akong suki dito ke Kulapo. Malamang, katulad na naman ng dati. Kase ang salita sa blag na ito ay Tagalized version kaya hindi pansin nung mga otobots na ingles spokening.

Oks na rin. Kakaumpisa ko pa lang naman. At kahit papaano, nakaka utay-utay kahit konti. Mas okey sana kung ang ranggo mo eh yung malapit na sa heneral, e eto parang kabo ka pa lang. Andami ko pang mamaniin na bigas.

Oo na. Wag ka masyado maingay jan. Wala nga ako akong mai-post, eh.

CommentLuv badge

Get Adobe Flash playerPlugin by wpburn.com wordpress themes