Ang tag na ito ay isa na namang pautot ni iRonnie, na sya ring promotor ng Demonito Demonita noong nakaraang pasko. Paksiw. Tinawag niya itong “I Want Your Entrecards” **** Game for Entrecard Filipino and Non Filipino users****. At ayon din sa kanya, heto ang napaka-complicated na mechanics:
1. Bakit Entrecard? Bakeeet? Gumawa ng makabagbag-damdamin at mala-nobelang wento kung bakit ka gumagamit ng sabong panlaba Entrecard.
2. Mambola ng 3-5 blogista na alam mong gumagamit ng Lintekard at i-tag sila
3. I-return to sender ang pabor at magsalpak ng card sa Lintekard widget nila
4. Ipa-xerox ang game/meme na ito, at i-post. (pabor kapag wala kang maisip na mai-post) at idagdag ang iyong blog na me lintekard. Eto ay multi-level marketing at pyramiding combo kaya swak na swak sa iyo.
5. Sempre ili-link mo upline mo, ibig sabihin AKO. Kung gusto mo pa i-link ang mas nauna sa akin, nasa sa yo na yun. Problema mo na yun. Ngayon kung talagang desidido ka, hanapin mo dun sa upline ko dito ke KotsengKuba. Ikabit mo lang yung blog mo pagkatapos nung akin.
Mambola lang ng downline, presto! Upline ka na rin!
***Game Over***
Para sa rule number wan, eto ang aking uber-habang success story sa Lintekard na yan….
“Dahil sa lintekard dumami bisita ko na puro quickie. Tapos.” -BURAOT
Eto ang aking pyramid, flowchart, linktrain or wateber na gusto mo itawag dito:
iRonnie, – KotsengKuba – BURAOT – “Ikaw. Oo Ikaw nga!”
At ang aking tina-tag dito ay si …. Itot ng 100% Batangenyo. Oo tol ikaw nga! Ang lagay ba naman eh binoboto kita dun ke Mapiles ng walang kapalit? Tutal masipag kaw dito sa blog ko, ikaw na uunahin ko. Nyahahah!
Kayo namang iba dyan, kung gusto nyo rin, pasabi lang kayo at idadagdag ko dito.


SikatchuPosts