Prensheeps
Naka attend ka na ba ng mga awarding ceremony? Di ka ba inaantok sa dami ng mga pa-epal sa umpisa? Yung bago dumating yung pagbibigay ng award, laging me mga eklat muna at mga walang kamatayang speeches ng mga kung sinu-sinong ponsyo pilato? At yung camerang dala dala mo, ubos na ang flash at ang memory, wala pa yung mismong kukunan mo. Hay nako…
At eto.. ganito din yun. Eklat ko lang yung unang paragraph. Kase sempre, me natanggap na naman akong prensheep badge sa mga kapwa ko blogista na mga chikababes. At sempre, welkam na welkam yang mga yan. Kasi bukod sa dumadami na kasangga ko sa blogosphere, me pangsalpak pa ko sa page ko.


At ang mga ito dapat daw ay ibinabato pabalik sa iba pa to keep the friendship on growing. Pero baka yariin na naman ako ni Haring Gugel kase baka magmukha na naman itong link farm sa dami. Kase ipinapasa ko ito sa lahat ng mga nasa aking tootsie roll. Asus, andun sa kanan, hanapin mo yung tootsie roll dun!
Kase lahat sila deserving. Di ko naman basta basta kinakabit yung link ng me link no? Kaya lahat sila prensheeps.
Kung kaya kung nasa tootsie roll kita, pakipitas mo na lang ang mga badge na ito dahil kasama ka dito.
Sya sya… hanggang sa susunod. Na Award. Lekat dami ko pa nakabinbin.
This entry was posted on Saturday, February 2nd, 2008 at 12:09 pm and is filed under tagnamo. You can follow any responses to this entry through the RSS 2.0 feed. You can leave a response, or trackback from your own site.
























