Me Libre Kan Tutbras!
Grabe. Galing lang ako sa dentista. Ayoko sana kaso mo, naisip-isip ko, sayang yung mga kinakaltas sa sweldo ko kung hindi ko gagamitin yung benepisyo ko.
Langya. Sa tinanda tanda ko na ito, sa totoo lang takot ako sa dentist. Kasi naman nung bata pa ko, napanood ko yung ate ko na binubunutan ng ngipin. Kaya ako natakot, kasi masyadong madugo. Parang ala Sweeney Todd. Naka-upo sya sa dentist chair at me takip na puting kumot tapos tumitilamsik ang kanyang dugo. Yung dentistang bumubunot ng ngipin nya, naliligo na rin sa dugo. Hitsura ng massacre nina Carlo Caparas.
Kaya hayun, buhat noon, di na ko pumupunta ng destista. Kahit na ibagsak pa ako ng titser ko sa Health en Grooming, oks lang. Baka ma ala-Sweeney Todd pa ko wak na!
Tutal, ekspert naman ako sa old iskul na pagbubunot ng ngipin. Sabi ng nanay ko, kapag umuuga na na yung sirang ngipin, kukuha lang ako ng sinulid, isang basong tubig, at maliit na kaserola. Ipupuplupot ko yung sinulid sa ngipin ko, ilalagay ko sa harap ko yung kaserola. Sabay wan.. tu..tri.. HILA!
Minsan naman, itatali ko yung kabilang dulo ng sinulid sa door knob ng pinto para mas malakas ang pwersa. Tanggal kang ngips ka!
Kaya naman nung magpunta ako ng dentista, tinanong ako na para bang naglalandi.. “First time?” Sabi ko naman.. “At my age? Are you kidding? Hell no!”

Sabay tawa at hirit nya na “I mean.. to a dentist?” Esep esep ko, ayan linawin mo. “Well, kind of.”
Halata ata na naginginig pa tuhod ko dahil nga takot ako. Dyoskoday! Ganun pala. Dalawa silang nag-aagawan sa panga ko. Nung una, x-ray. Kung anu-ano sinasalpak sa bunganga ko habang pinipiktyuran yung bawat anggulo ng panga ko. Pagkatapos, nilinis. Parang kinukudkod yung ngips ko ng bakal na papel de liha. Sirang sira ang poise ko. Biruin mo ba naman kitang-kita nila ang aking ngala-ngala. Tapos me tig-isa silang maliit na hose na nakasalpak sa lalaugan ko. Yung isa me lumalabas na tubig, at yung isa naman pang-higop.
Kaya pala sa dami ng tubig na pumupulandit hanggang sa mukha ko, di ako nalulunod, kase me pang-higop din.
Makaraan ang halos dalawang oras ng pakikipag-buno ko sa dalawang tsikabeybs.. hah! Napagod din sila. “Buraot, we cannot finish this in one sitting, we need you to come back.” O di nagsawa din kayo.
Sabi nung kasama ko, ganda nung isa dun no? Eh ano namang paki ko? Kahit na pinaka-maganda sya sa lahat, malabong makapagpa-kyut ako dun no. Eh kitang-kita na nila bituka ko eh.
Pero in fairness, parang nabawasan ako ng dalawang kilo.
This entry was posted on Monday, February 4th, 2008 at 4:17 am and is filed under amerkanong hilaw, buraot101, sakitchupoy, wala lang. You can follow any responses to this entry through the RSS 2.0 feed. You can leave a response, or trackback from your own site.
























