Siopao na Special

I- Feysbuk Mo Mukha Mo!
Habang nagpapalit ako ng soundtrack, naispatan ko yung mga kanta nina Caloy at ako ay napangiti. Kasi bumalik na naman ang aking remembers noong nasa kolehiyo pa ko.

Di pa sila ganun kasikat noon…. habang nakasakay ako sa dyip, naulinigan ko yung sounds. Usong uso pa naman nun ang grunge at sempre patok din yung kantang Creep ng Eraserheads RadioHeads. At hayun nga narinig ko yung version na Tagalog. Tawa ako ng tawa kase ang ganda ng tunog, rak na rak pero patawa yung lyrics. Hindi sya yung mala-cachupoy na payat ang sounds na ala Yoyoy Villame dating.

Hinanting ko talaga sa Recto at Avenida kung sino ang kantatero na yun at nung naispatan ko na, takbo ako sa Quiapo at nagpa-record ako dun sa Raon dala-dala ko yung aking tigli-limang pisong blank tape.

Eh sino ba naman ang hindi nakarinig nung Siopao na Special (karneng pusa). Super Special! Biruin mo, hello kitty flavor. Ang sabi nung tropa kong si kopong kopong, taste like chicken daw. Eh lahat naman taste like chicken no. Kahit na yung bayawak, buwaya, ahas at unggoy na natikman ko sa Timbuktu, lasang chikenjoy din. Pero yung pusa daw malamig sa tyan. Sarap daw pampulutan sa gin bulag. Ukkk.


(Miyawwwwwrrrr!)

Buti na lang kase mas tayp ko pa rin sa Kowloon. All time peborit ko yun. Kase nung tambay pa ko sa Dimasalang, si kumander pag umuuwi galing trabaho, laging me pasalubong na Kowloon para sa kanyang panganay. Ako yun tol.

Di bale nang hindi malamigan ang tyan ko.

This entry was posted on Tuesday, February 5th, 2008 at 12:53 pm and is filed under buraot101, pinoy pride, rapsadudels. You can follow any responses to this entry through the RSS 2.0 feed. You can leave a response, or trackback from your own site.

4 Responses to “Siopao na Special”

Anak ni Kulapo » Bawal Ang Aso’t Pusa sa Beijing Olympics October 1st, 2008 at 11:32 pm

[...] Aktwali, atin atin lang to… kasi sa dinami dami ng ginastos nila sa pagpapatayo ng kung anu anong anik-anik, medyo nalimutan nila yung panghanda. Kaya siguro yun ang naisipan nila. Libre pa. Kalderetang awaw at siopao na special. [...]

Anak ng Kulapo « *boSsAbOs* October 12th, 2008 at 2:35 am

[...] ka na lang kumain ng PAKAPLOG. Hindi pandesal, kape at itlog luma na yun eh. Ngayon ang Pakaplog ay sioPAo ng 711, KAPe ng Starbaraks at Kwek-kwek na itLOG. So kung ayaw mong mahawa sa sakit nyang HIV ay [...]

genefaith February 27th, 2010 at 5:33 am

yucky..ayoko ng siopANG special na yan…he..he…though I’m craving for one now this post makes me think twice..thrice..ayoko munang kumain ng siopao..he..he…
genefaith´s last blog ..Importance of making a shopping list My ComLuv Profile

BURAOT February 28th, 2010 at 7:43 pm

ayoko din. sabi nila, malamig daw sa tyan. hahah!

Leave a Reply

CommentLuv Enabled
Get Adobe Flash playerPlugin by wpburn.com wordpress themes