Gusto Mo Ba Mag-Pakaskas?

February 8th, 2008 by BURAOT Categories: Basta Pinoy Koboy No Responses
Langya. Antagal ko na tinanggal yung grin department dito sa blog ko, pero parang laging green ang dating ng mga post ko. Buti na lang kahit papano me diskleymer ako dun sa gilid.

Kasi naman dumating kahapon yung ate ko galing ng Pinas. At dahil hindi naman ako mahilig magpabili ng kung anu-ano dun, wala naman ako ibinilin. Kadalasan kasing mga pinoy na andito, magpapadala ng pera at magpapabili doon. Lalo na ang yosi kasi kalaking mura. Dito ang isang kaha ng yosi ay halos 5 dollars samantalang nga naman sa pinas, halos isang rim na yun.

Eh hindi naman ako nagyo-yosi no. Tabako gamit ko. Saka wala naman na atang Liwayway sa atin. Hindi naman ako nag-yoyosi ng Champion kasi yung usok nun, pababa. Mas lalo na yung Hope kasi nakaka-ngongo yun.

Kaya natuwa naman ako kasi me dala syang…… Tyaran! Pakaskas.


(hanlabo ko kumuha ng piktyur)
Antagal ko na kasing nanghahanting nun. Nung last ko uwi, wala naman sa Maynila noon. E di lalo namang wala nun dito. Ibang kaskas kasi ang marami dito. Pero yung pakaskas na gusto ko na gawa sa gata ata ng niyog na nakasalpak sa dahon ng sasa, tagal ko nang di nakakatikim. Sa amin lang kasi sa Timbuktu uso yun at sa Batangas. Me nadaanan daw kasi ate ko at inalok sya.

Okey sa olrayt kase siguradong ako lang uubos nito dito. Peborit ko kasi ito.

Si Itot alam ko nakatikim na nyan. Kasi katulad ko, nagsasabaw din yan ng kanin sa kape. Ikaw ba naka-try ka na ba mag-pakaskas?

Get Adobe Flash playerPlugin by wpburn.com wordpress themes