Ayoko sana patulan itong
pautot ni kabisyong Reyna Elena. Kaya lang baka hindi na ko papasukin sa palasyo nya pag di ako sumali. Pero esep esep ko, mas maraming link ng mahal na reyna, mas madami din akong bwisitors kase lahat ng blogs ko naka-links sa kanya. O di ba? Yun ang ganansya ng mga link love link love ekeks na yan. Kaya sali lang ng sali.
Ayoko pa rin sanang sumali kasi la na ko masyado time sa mga blogs ko. Seryoso pa naman yung ibang blogs kaya kelangan ko ng inspirations at concentration para makapag-post ako ng mga mas malulufet na articles. Ika nga sa showbis, you’re only good ’til your last movie. Kaya ang bloggers parang ganun din ang standards, we are only good until our last post.
Ayoko pa rin sana bumoto kasi lahat ng mga nasa top five na pagpipilian sa contest ni Reynz eh puro mga repapits. Baka magkatampuhan pa kapag namili ako ng number 1 at yung iba number 5.
Eh ayaw mo pala bumoto eh, anong pinag-iinarte mo jan!
Baka kasi magtampo yung promotor at yung lalo na yung mga kontestants kaya sali na rin. Sempre, eepal muna ako sa una, alangan namang boto agad ng walang pa-ekek. Sempre kelangan palagi me foreplay.
Teka muna, segway muna sandali. Pipol hindi po ako 41 or 42. Ang totoo, ako ay 35 years old na going 36 dis year. Ako ay martial law baby. Pero oo, nirarayuma na ko at nakakalbo na ko. As i have explained on my other posts, maaga kasi ako nag-umpisa at oo na, maaga akong na-devirginize, kaya maaga din akong nakakalbo at nirarayuma.
Mukha kasing medyo iniintriga na ang mga piktyur kong nakatalikod. Kanya kanyang trip lang yan. Kung ayaw mong nakatalikod ako, e di ikaw humarap ka. Kung bakit naman kasi interesado yung iba sa hitsura ko, di naman ako kapogian (nakanaks). Pero me link po ako na andun ang aking mga piktyurs. Hindi ko sasabihin kung aling link. Blaha ka maghanap no.
Eto na, back to the topic na tayo. Eto ang mga boto ko sa pautot ng reyna na Social Climbing Logo Contest. Eto ay base sa type kong logo at hindi dahil sa tropa ko ang gumawa. Lahat sila naman ay trops at lahat sila eh me utang ako. Nyahahahha!
1. Eto ang entry ni Itot ng
100% Batangenyo. Sya ang napili ko para sa number wan di dahil binibili nya ng 1 year dotcom ko, kundi dahil trip ko yung me koronanang tsik. Heheheh. Tol, wak nang 1 year dotcom, hindi nabibili boto ko. Heheheh. Yan bigay mo na lang ke
Dakilang Tambay gusto na rin daw mag dotcom.
2. Eto naman ang Namber 2. Galing ke
Chuvaness. Type ko sana syang number wan, kaso sana mas maganda yung stilleto heels. Nyehehehehe.
3. Eto naman ang ke
Pareng Ambo. Aktwali para sa kin sya pinaka patok. Kaya lang eh handami nang logo ng mahal na reyna na katulad nito. Hehehehehee.
4. Eto naman ang entry ni
Repapits Kotsengkuba. Mukha lang, ewan ko, parang unang tinginnin ko, eh parang engkanto at engkantada ang dating sa kin. Nyahahha! Peace tol!
5. Eto ke
Chuvaness ulet. Hokey sya kaya lang ayoko ke Paris Hilton eh. Kasi hampangit nung video nya. Blak en wayt! Nyahhhaha!
O hayan, congrats sa lahat tutal puro naman na kayo sure winner. Painom kayo ha?
SikatchuPosts