Kwek Kwek na Lang!
Minsan, naburaot na naman ako. At para kumalma ang ulo ko, hanap muna ako ng matsitsibog. Tamang-tama kasi bagong sweldo ako noon. Matutuwa na naman ang sawa sa tyan ko. Sempre kahit bawal sa rayuma ko, order ako ng steak.
“How do you want your steak.. rare, medium rare, well done?”
“Whatever,” sabi ko. Masakit ulo ko, ayoko mamili. “ok, medium rare.”
“What side do you want? We have mashed potato, veggies, corn on the cob…”
“Whatever… ok veggies.” hay dami choices, nagka migraine na ata ako.
“How do you want your bread, white or wheat toast?”
“Whatever… white.” Nagugutom na talaga ako.
“What drink would you like.. we have…”
“Okay okay! Just coffee!” lilitanyahan na naman ako eh.. uupakan ko na to..
“You want regular or decaf? For regular coffee we have..”
“You know what? I’ll just have water. Tap water.” Baka kung anu ano na namang ibanat pa eh..
“Oh sir, I forgot.. the filet mignon comes with a glass of wine… what would you prefer? caber…”
“Okay okay!!! I changed my mind! I don’t want it anymore. Too many choices. I’ll just have spaghetti instead.”
“Well, alright sir.. would you like it with meatballs? What sauce would you like? We have…”
“You know what? Forget about it.. “ Kaasar. Busog na ko. Taena.
Naknangteteng. Buti pa noon sa Recto, pupunta ka lang dun sa me Isetann, uupo ka dun, wala nang tanung-tanong, hahainan ka na ng kwek kwek na nakalagay sa maliit na platito na medyo malagkit lagkit pa. Makikita mo, yung mga pinagkainan ng iba, isasawsaw lang sa isang timba na me tubig, solb na hugas na yun. Ipapagamit na sa iba.

Parang yukkie, pero sarap naman. Sabi ko nga, mas okay pa yung medyo me dumi, kasi pampalakas ng immune system. Enjoy ka pa sa view. Habang kumakain ka ng kwek kwek at humihigop nung sukang sawsawan na pinagsawsawan na ng buong bayan, andun ka pa sa kumabaga ocean view. Ocean of pipol, na nagkakandirit papasok sa mga iskul, hawak hwak nila ang kanilang mga celfon at nagte-text habang naglalakad. Ang galing nga eh, naglalakad sila ng hindi tumitingin sa daan, sa celfon lang.
Sa kabilang side naman, kita mo yung haba ng trapik na papuntang Morayta. Pag sumilip ka naman sa ilalim ng tulay, kabilaan din ang trapik dun sa Quiapo. At sempre laging hazy, sa kapal ng mga usok. Hayyy.. ganda ng view…
Miss ko na ang kwek kwek.
This entry was posted on Thursday, March 6th, 2008 at 6:35 am and is filed under alamat, buraot101, pinoy pride, rapsadudels. You can follow any responses to this entry through the RSS 2.0 feed. You can leave a response, or trackback from your own site.
























