Mahal ang Araw

March 18th, 2008 by BURAOT Categories: Basta Pinoy Koboy, Mala-Impaktong Buhay Buraot No Responses
Mahal na araw na po. Holy Week, Semana Santa. Kung bakit mahal na araw ang tawag dito, di ko alam. Kung sa atin, busyng busy na ang lahat pag-uwi sa kani-kanilang probinsiya, dito sa Merika, dedma.

Para tuloy ang sarap sarap magbakasyon. Sa amin sa Timbuktu, parang pyesta pag ganitong mga araw. Masaya.

Umaga pa lang, me parada na. Parada na yung mga naka-hubad at me dala-dalang panghagupit na me nakakabit na parang tinik. Enjoy na enjoy sila at napapa-ahhhh sa bawat hataw sa likod nila. Ang mga bata naman, nakabuntot at nanonood. Hinuhulaan kung sino yung mamang nagpe-penitensya kasi nga nakatakip naman yung mga mukha.

Meron namang iba, me bitbit pang mga alalay. Yung alalay ang me dala-dalang pamalo at syang humahataw sa likod nila. Yung iba naman ang dala ay dos por dos, para nga naman mas cute. Paminsan minsan, pina-flying kick din nila para mas masaya.

Pagdating ne Biyernes Santo ang main event. Me mga nag-iikot na mga naka-maskara na ang tawag namin ay mga Morion (hango sa tradisyong Moriones Festival na kinopya sa kapit-bahay na probinsya) at nanghahabol ng mga bata. Pagkatapos, pupunta sa sentrong lugar at doon, me ipapako sa krus. Minsan me totoong ipinapako, minsan naman medyo nababahag yung buntot ng iba, baka nga naman matetano sa pako kaya nagpapatali na lang. Sempre abaka ang gamit para makabayan.

Sabado, tahimik lahat. Walang pyesta maliban dun sa mga manginginom na di pwedeng lilipas ang gabi na hindi nasasayaran ng alak yung kanilang mga sawa sa tyan.

Sa Linggo naman ng pagkabuhay, sa madaling-araw me salubong. Me magpapanggap na anghel na kunyari-kunyarian ay bababa sa ulap. At pagkatapos non, diretso na lahat sa beach. Yun ang hinihintay ng lahat. Kasi super daming tao. Kumbaga kapag Easter Sunday, yun ang the place to be. Hindi ka “in” kung wala ka dun. Kinahapunan naman, me pakontest sa plasa ng mga higanteng saranggola. Pero hindi naman yun ang pinapanood ng mga tao kundi yung mga bakasyonistang galing sa kung saan.

At dahil Holy Week, at uso ang penitensya… isasalpak ko sa susunod na mga post yung mga kakaibang penitensya na nai-epal sa akin na siguradong matutuwa yung mga masokista dyan.

CommentLuv badge

Get Adobe Flash playerPlugin by wpburn.com wordpress themes