Punitensya
Sempre eto na yung kasunod. Mga mala-impaktong ideya sa pagpe-penitensya. Kumabaga lahat ay nag-e-evolve kaya dapat medyo bago bago na rin ang style dapat sa pagpe-penitensya.
Pero kahit medyo bago ito kung susubukan, mala kopong kopong na rin naman ito dahil subalit datapwat ngunit because… matagal na itong naiisuggest nung mga tropa ko noong araw.
Eto ang suggestion number wan.
Magsalpak ng sandamakmak na blade sa isang pasadyang slide. Yung slide na makikita sa playground, ganun. Itapat sa gilid ng swimming pool. Itapon ang isang toneladang katas ng kalamansi sa swimming pool. Wala! Tapos na ang iyong props.
Ngayon, umakyat sa itaas ng slide at magpadulas. O di ba? One quick slide lang hiwa-hiwa na likod mo. Pagkatapos, yung babagsakan mong swimming pool na puno ng katas ng kalamansi. O di ba hapdi? Mas okey pa kasi sigurado mabilis na gagaling yung mga sugat mo.
Yan ang penitensya. Pang Guiness Book.
DISCLAIMER SEMPRE: MGA BATA WAG ITONG GAGAYAHIN. MGA MATATANDA PROPESYUNAL LAMANG PO ANG GUMAGAWA NITO. KUNG GUSTO MO DING SUBUKAN, BLAHA KA SA BUHAY MO.
This entry was posted on Wednesday, March 19th, 2008 at 5:18 am and is filed under anakanang, palarong pambansa, pinoy pride. You can follow any responses to this entry through the RSS 2.0 feed. You can leave a response, or trackback from your own site.
























