Ang Kyut Pakurot!

I- Feysbuk Mo Mukha Mo!
I know I know. Linggo na ng pagkabuhay sa atin. Pero dito sa pinagkukutaan ko, Sabado de Gloria pa lang. Kung kaya bawal pa rin ang karne.Tapos na rin ang nagpe-penitensya. Pero me pahabol pa ako.

Nung bata pa kasi ako, dahil lahat me kanya kanyang style ng pahirap sa sarili para makabawas ng kasalanan, sempre kahit bata pa kami, kelangan me kontribusyon din kami. Ang lagay eh sila lang?

Kung kaya nagpunta kami nung bespren ko dun sa nakaparadang kotseng bulok nung kapitbahay namin sa Dimasalang. Dahil luma at walang susi naman, nakapasok kami dun, isinara namin ang bintana at nagkulong kami dun kahit di kami makahinga. Tumambay kami dun hanggang sa kakayanin namin. Para sa amin, malaking pahirap na yun sa min, kasi ayaw na ayaw namin yung kotse na yun.

Yung kotse kasi na yun, ala pang Bonnie en Clyde pa ang dating. Isang turnilyo na lang, bibigay na. Kung kaya yun ang naisip namin, kasi yukkieng yukkie kami dun. Makalipas ang tatlong oras, di na namin kinaya kaya lumabas kaming naliligo sa pawis at halso hinihika na. Yun na. Yun ang aming penitensya.

Kung ikaw naman ay blogista, eto suggestion ko na pang- penitensya mo.Maghanap lang ng 20 to 100 na kakilala mong bloggers at mag set ng eyeball. At bilang penitensya mo sa mahal na araw at pambawas sa mga kasalanan mo na pangongopya ng mga post nila, lahat sila kukurutin ka. O di ba kyut?

Pero ang ipang-kukurot nila sa yo, nipper. Tapos, ako magdadala ng water gun at lalamanan ko ng alkohol. Pagkatapos ka nila pagkukurutin, iisprayan ko nung water gun kada pinagkurutan. O di ba?

Ang kyuuuut! Pakurot!

Tags:

This entry was posted on Saturday, March 22nd, 2008 at 2:38 pm and is filed under buraot101, onli in da pilipins, pinoy pride. You can follow any responses to this entry through the RSS 2.0 feed. You can leave a response, or trackback from your own site.

One Response to “Ang Kyut Pakurot!”

Anak ng Kulapo « *boSsAbOs* October 12th, 2008 at 3:46 am

[...] KYUT din po ako… pero gabi na kaya ako’y matutulog muna, kaya sa mga gustong sumali jan, ano pang hinihintay nyo SALI NA!!! Wag nyo ng hintaying magkrismas dahil hanggang katapusan na lang ng Oktubre ang Pautot ni Kulapo. Di ko nga lang alam kung saan ang awarding. Wala lang gusto ko lang malaman malay nyo manalo ako, sayang naman kc pagdadasal ko sa quiapo kung di ako manalo. Pag nanalo ako magpapagupit ako tapos bibili ako ng peyborit kong tsibog.  Kaya sana mag champion ako kung hindi naman kahit special mention lang. [...]

Leave a Reply

CommentLuv Enabled
Get Adobe Flash playerPlugin by wpburn.com wordpress themes