Oist Fink Biik, eto na ha. Special na special pa dating nito ha? Parang pang Laloma. Sa totoo lang, andun yung link mo sa Pinoy Entrecard na tootsie roll ko. Pero dahil panay ang reklamo mo dyan, isinalpak ko na rin dun sa Kaututang Dila at sa Cachupoy Blogs.Nag-eesep kasi ako ng pang post ko na mala-cachupoy na pang April Fools Day. At sa sobrang kakaisip ko, kinulang na naman ako sa tulog. Tuloy kaninang umaga, madaling araw pa lang umuwi na ko galing trabaho. At sempre dahil nga kulang sa tulog ang lolo nyo, nakatulog na naman ako sa pagmamaneho.
Nagising na lang ako eh nasa ibabaw ako ng tulay at lumilipad yung si Tagpi ko. Buti na lang kamo yung binagsakan ng kotse ko, sakto sa daan na dadaanan ko talaga. Hanggaling. Para lang syang stunt sa pelikula. Sayang nga walang piktyur piktyur, e di sana me remember kung gaano ako kagaling magmaneho.
Nawala tuloy ng diretso yung antok ko, daig ko pa ang suminghot ng isang kilong kapeng barako na katulad ni Itot at napahithit pa ako ng isang dosenang tabako ng di oras.
Sakto sana yung R.I.P. ko April Fools Day. Nabatukan ko tuloy sarili ko, you fool!



[...] Dedma lang ako. Walang dulas dulas sa akin. Matindi ata tong si Tagpi. Marami ng pinagdaanan to. Pinatalon ko nga ito sa tulay habang natutulog eh. Yan pa! Dulas [...]