Sikatchupoy si BURAOT Contest!
Heto na po ang sinasabi nilang delubyo. Kung di mo alam ang delubyo, itanong mo muna sa lolo mo. Mula sa pinagsama-samang hanging amihan at habagat mula sa mga aplaya ng Timbuktu at mga masamang hanging nagmula sa kumukulong tyan ni BURAOT… ang pinaka pautot ng mga pautot.
Sino ang pwedeng sumali?
1. Bata, matanda, may ngipin o wala. Girl, boy, bakla, tomboy. Kahit na anong kasarian ka pa, babae, lalake, o di tiyak, kahit pa walang kasarian, pwede rin.
2. Kailangan sempre Pilipino ka, dahil di mo maintindihan ang mga epal dito. Pwede din ang half-half. Half Pilipino, Half Pilipina.
3. Lahat ng may blog. Kung wala ka namang blog, gumawa ka muna. Kaso di ka pa rin uubra dahil may time limit. Ang iyong blog ay kinakailangang hindi manananggal (fly-by-night) na blog. Ibig sabihin hindi pwedeng umistayl na gagawa ka lang ng bagong blog para maisali dito. (lang-magu to-its) Kailangang gumagana na yang blog mo mula pa April 01, 2008.
As op the latest chika, wala ng time limit ang pautot na ito. Kahit pa bagong panganak ang blog mo, pasok ka na.
Kahit pa one thousand syete mil ang blogs mo, pwede mo isali lahat. Basta pasok sa criteria yung blog mo. Mas madami kang blog, mas madami kang chance na manalo ng sandamakmak na pasasalamat. Heheheheh.
Ano ang kelangang gawin para makasali?
1. Kailangang pumili ka ng isa sa mga post o article dito sa site na Anak ni Kulapo na tinginin mo ay nakapagpa-laglag ng panti mo or brief mo kaya, o kaya naman ay nakapagbago ng buhay mo, o kaya naman ay naka-apekto sa yo in a profound way (di ko lam tagalog ng profound), o kaya naman ay nakapagpa-tulo ng sipon mo, o kaya din naman ay super cachupoy sa kakornihan. In short, kahit anong post dito na nakatawag ng pansin mo. Sabihin ang mala impaktong dahilan kung bakit mo napili ito.
2. Ikabit ang link ng nasabing post
3. Bukod sa link ng nasabing post, kailangan mo ding i-mention na sumasali ka sa mala-cachupoy na pakulong ito.
4. Ikabit ang link ng site na ito gamit ang bagong url na www.anaknikulapo.com.
5. Pwede mong lagyan ng kahit na anong title ng post mo. Blaha ka nang mag-imbento. Pagtapos mong mai-post ang iyong entry, mag-iwan ng comment dito, para mai-tally ng mga board of judges. (ako yun)
Ang Premyo? Kelangan ba meron? (Nyehehhe. Joke lang.)
Pagsapit ng alas dose ng gabi empunto ng November 30, 2008, sarado na ang botohan. Bwena mano sa Disyembre, ay bobolahin na ng mga hurado (ako ulit yun) ang mga sumali. Within 3 to 5 days ay ipapaalam na natin kung sino ang mga wagi. Ang tatanghaling mga maswerteng mga nilalang ay makakakuha ng premyong sumusunod:
Grand Prize:
1. 3,000 entrecard credits at
2. Pumili ng isa sa mga sumusunod:
a. Three hundred dollars,
b. Tatlong daang dolyares,
c. Tres syentos estados unidos dolyares, o
d. Tatlong plastic balloon (used)
Second Prize:
1. 1, 000 entrecard credits at
2. Pumili sa mga sumusonod:
a. One hundred dollars,
b. One hundred pesos,
c. Isang daang baku-bako, o
d. None op da above
Third Prize:
1. 500 entrecard credits at
2. Pumili sa mga sumusunod:
a. Fifty dollars,
b. Singkwenta pesos,
c. Limampung pirasong sinkong kulot, o
d. Tenkyu mula kay BURAOT
Consolation Prize: (Kita mo naman sa pakontest, me consolation prize pa.)
Ang consolation prize ay mananalo ng $100.00 sa mapipili ni BURAOT na pinakamagandang post. Depende kung anong ganda, pwedeng pinaka-nakakatawa, pinaka-kyut, pinaka-korni at kung anumang post ang makakapag-palaglag ng brief ni BURAOT.
Last date of entry: 11:59 PM, November 30, 2008 PST (sori, kelangan oras dito sa aking hide-out and susundin)
Babala/Paunawa/Paalala/Pahabol/P.S.:
* Kailangang may paypal ka para maipadala sa yo ang sandamakmak na sampera. Kung wala kang paypal, gumawa ka ng account. Sayang ang ibabayad sa western union.
*Ang mga premyo ay non-transferable (ibig sabihin di ko pwedeng i-transfer sa yo. heheheh. joke lang. ibig sabihin, kung ikaw ang nanalo, sa yo ko lang pwede ibigay di pwedeng mo)
* Kailangang nakaka-intindi ka ng Tagalog.
* The promotor have all the rights pertaining to the rules of this promo. Per DTO permit 02-10.
*Bawal Omehe Deto! Ang Mahole Bogbog!
* Dahil sa bagong pautot ng me-ari ng Entrecard, kung saan di na pupwedeng magpadala ng credits ng biglaan (1000 credits lang ang pwede a week) ang kalakip na premyong Entrecard Credits ay hulugan lamang. Priority na makakatanggapang Grand Prize, susunod ang 2nd prize and so on en so dorth, hanggang mapunuan ang EC credits na premyo.
Para sa mga dagdag na tanong, reklamo, epal, mag-comment lang dito o mag-email sa buraot101@gmail.com.
Hala, game na!
This entry was posted on Monday, April 7th, 2008 at 8:17 am and is filed under Sikatchupoy Contest, buraot101, palarong pambansa, pinoy pride, wala lang. You can follow any responses to this entry through the RSS 2.0 feed. You can leave a response, or trackback from your own site.

























Anak ni Kulapo » Sikatchupoy si BURAOT Contest: Nakaboto KNB? September 23rd, 2008 at 10:59 am
[...] Comments Anak ni Kulapo » Sikatchupoy si BURAOT Contest: Pwede Ka Na! on Sikatchupoy si BURAOT Contest!Anonymous on Best Cachupoy Blogs!pmonchet on Patok na Pik-Ap Lines!Ambo on Patok na Pik-Ap [...]