Sikatchupoy si BURAOT Contest UPDATE!!!

I- Feysbuk Mo Mukha Mo!
Dahil sa napesteng public demand, me slight changes sa rules ng pautot na Sikatchupoy si BURAOT Contest.

Binabawi ko na po ang mga papremyo! Nyahahaah! Joke lang sempre. Baka mamaya me mambomba ng site ko.

1. Pinapa-gaan ko na po ang sentensya sa mga blogs na up and running. Sa halip na January 1, 2008, pasok na lahat ng blogs na up en running na noong April 01, 2008. Saktong sakto kasi April Fools Day. So, kung ang blog mo ay nag-umpisa na nong April 1, taong 2008, pasok ka!

As op da latest, wala ng birthday na kelangan para sumali. Basta blog ka, pasok ka.

2. Di mo kelangang mag cut en paste ng rules. Kasi naesep ko, masyado mahaba yung ipo-post mo kung isasalpak mo pa yung rules. Kakahiya naman sa yo, kakainin ko buong espasyo ng blog mo.

Okei ba?

So, refresh ang memory muna…..

Ano nga ang kelangang gawin para makasali?

1. Kailangang pumili ka ng isa sa mga post o article dito sa site na Anak ni Kulapo na tinginin mo ay nakapagpa-laglag ng panti mo or brief mo kaya, o kaya naman ay nakapagbago ng buhay mo, o kaya naman ay naka-apekto sa yo in a profound way (di ko lam tagalog ng profound), o kaya naman ay nakapagpa-tulo ng sipon mo, o kaya din naman ay super cachupoy sa kakornihan. In short, kahit anong post dito na nakatawag ng pansin mo. Sabihin ang mala impaktong dahilan kung bakit mo napili ito.

Example:

“Dear Lolo Buraot, napili ko po ang iyong post na Powder o Lotion dahil nakapagbigay po ito ng patok na ideya para makapag-libang. Oks. Babu. “

2. Ikabit ang link ng nasabing post
3. Bukod sa link ng nasabing post, kailangan mo ding i-mention na sumasali ka sa mala-cachupoy na pakulong ito.
4. Ikabit ang link ng site na ito gamit ang bagong url na www.ananikulapo.com.
5. Pwede mong lagyan ng kahit na anong title ng post mo. Blaha ka nang mag-imbento. Pagtapos mong mai-post ang iyong entry, mag-iwan ng comment dito, para mai-tally ng mga board of judges.

Sempre ang pampagana. Magpapamudmod ang site na ito ng $550.00 at 4,500 Entrecard credits sa mga mapipiling mala-impaktong nilalang.

Para sa kabuuang detalye ng pautot na ito, basahin ang nakaraang post o iklik mo ito.

Gudlak blakjak!

This entry was posted on Wednesday, April 9th, 2008 at 8:06 am and is filed under Sikatchupoy Contest, wala lang. You can follow any responses to this entry through the RSS 2.0 feed. You can leave a response, or trackback from your own site.

Leave a Reply

CommentLuv Enabled
Get Adobe Flash playerPlugin by wpburn.com wordpress themes