» Blog Archive » Dedma Lang
BABALA:

Koboy lang ang pwedeng pumasok dito! Kung Indyan ka, sorry ka!
PG 13 & PG 75 Ang ilan sa mga eksena ay maaaring hindi angkop sa mga bata. Patnubay ng magulang ay kailangan. Kung sobrang tanda mo naman, kailangan mo ng patnubay ng mas nakababata, baka di mo maintindihan.

Bite Me!

A BURAOT a day keeps the albularyo away!

TagNgYan Talaga Oo!
Wer Da Hell is BURAOT?
Barilin si Boy Pana
Panain si Ben Boga

Dedma Lang

Bago pa ako naging buraot at pakelamero, wala akong paki. Bata pa ako nun, dedma lang ako. Walang pakelaman. Blaha ka sa buhay mo. May sarili akong mundo.

Kuntento na ako sa mga laruan kong ginagawa lang. Kung meron mang binibili hindi naman kamahalan di tulad ngayon na ang mga laruan ay super hi tech. Mga trumpo, sumpit, teks, goma, holen, sipa. Yang mga yan binibili.

Me mga laruan naman kami na di mo na kelangang bilhin, pupulutin mo lang kung san, me instant toy ka na. Mga tansan ng sopdrink, pwede mo pitpitin at gawing paining. Nalimutan ko na tawag dun, pero pinipitpit namin yun at nilalagyan ng butas sa gitna, lalagyan mo ng tali at hihilahin mo iikot na sya ng mabilis na mabilis. O kaya yung mga palara at kaha ng yosi, ginagawa naming play money. Mas mahal pag Phillip kasi green parang dollars.

Ang intercative games namin ay good for the health kasi libreng exercise pa. Mga tumbang preso, patintero, tyato, habulan, luksong baka, moro-moro, pwede ring suntukan ala fight club ni Brad Pitt. Pag medyo pang petik lang, pwede na ang kindergarten at bahay bahayan.

Pinaka type ko sa lahat yung moro-moro. Kasi ang version namin parang rugby football, bugbugan. Kaya madalas nauwi sa suntukan. Kahit pag recess, laro kami. Kaya kapag makikita ng titser namin na gula-gulanit na mga uniform namin at nagpuputik na mga mukha namin, pare pareho kaming nababatukan at dinadala sa guidance office.

Wala lang, naaalala ko lang nung bata kasi kapag bata ka pa, wala ka pa talagang pakelam. Kahit pa nagkakagulo na, dedma lang ako. Ewan ko sa yo. Siguro nagkaron lang ako ng concern nung ipina-ban ni Marcos yung Voltes V sa tv. Yun medyo napa isip na ko. Kaya kahit uhugin pa ko, gusto ko na rin makirally sa edsa nun. Kaso bawal daw ang bata sabi ng nanay ko kaya hindi rin ako naka punta.

Kaya ayun, nakuntento na lang ako dun sa mga tau-tauhan ko.

Tags:

Leave a Reply

Bwena Mano
Entredropper

Narito ang mga nanalo at mag papartehan sa $550.00 na premyo sa Sikatchupoy si BURAOT Contest!

Para sa listahan ng mga nanalo ng milyun milyung singkong kulot... Klik mo mukha mo dito!

Soundtrip: Manila Sounds
"Kilig to the bones, kadiri to death..." -Dina Bale

Proud to be PANGO!

Para sa LIBRENG updates


Salpak Mo Email Mo Dito:

Ipapadala thru Airmail

Stats mo Mukha Mo..
Baul ni Kulapo